Fifth Day Novena to Our Lady of La Naval – 6 October 2020

Holy Mass on the Fifth Day of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval

Homily by Rev. Fr. Jose Martin Sibug, OP
Santo Domingo Church, Quezon City
6 October 2020
(video)

Napakinggan natin sa Ebanghelyo ang pagsunod ni Jose sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Anghel na nagpakita kay Jose sa panaginip, sinabihan siya na kailangan niyang lumikas kasama si Maria at si Hesus upang makaiwas sa banta sa kanilang buhay.
We hear in the Gospel Joseph’s obedience to God’s will. Through the Angel who appeared to Joseph in a dream, he was told that he needed to flee with Mary and Jesus to avoid the threat to their lives.

Dalawang beses na kinailangan nilang lumikas at maglakbay upang makaligtas sa tiyak na kapahamakan at natunghayan natin kung paano si Jose ay nakinig sa mensahe ng Anghel at kung paano siya ay sumunod sa kalooban ng Diyos ng walang pa nang walang pagaalinlangan.
Twice they had to flee and travel to escape certain doom and we witnessed how Joseph listened to the Angel’s message and how he obeyed God’s will without hesitation.

Sa Ebanghelyong narinig natin ngayon, ito ay larawan ng isang mahirap na pamilya na nahahaap sa mga pagsubok sa buhay. Ito ay hindi nalalayo sa panahon natin ngayon kung saan marami sa ating mahihirap na kababayan ay nahaharap sa patong-patong na pagsubok sa buhay. Subalit sa halip na isa-isahin natin ang mga pagsubok at kahirapan na pinagdadaanan ng marami sa atin, pagtuonan natin ng pansin ang naging tugon ni Jose at Maria sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaanan nila noon. Ano ang naging tugon ni Jose at Maria sa mga pagsubok sa kanilang buhay? Una ay ang pakikinig sa mensahe ng Diyos at ikalawa ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.
In the Gospel we have heard today, it is a picture of a poor family struggling with life’s trials. This is not far removed from our time today where many of our poor countrymen are facing multiple trials in life. But instead of going through the trials and tribulations that many of us go through, let us focus on the response of Joseph and Mary in spite of the hardships they went through. How did Joseph and Mary respond to the trials of their lives? First is listening to God’s message and second is following God’s will.

Ipinapakita sa atin ng Ebanghelyo na sina Jose at Maria ay mga madasaling tao at dahil sila ay madasalin, marunong silang makinig sa Diyos. Alam nating lahat na ang pagdarasal ay pakikipagusap sa Diyos, nagkakaintindihan lamang ang dalawang nag-uusap kapag marunong makinig ang isa habang ang isa ay nagsasalita. Suriin natin ang ating mga sarili at tignana natin kung paano tayo magdasal. Sa atin bang pagdarasal ay tumatahimik din tayo ay nakikinig? O puro lang tayo salita sa buong pagdarasal natin? Tandan natin na mas madaling makaintindi ang marunong makinig at ang taong marunong makinig ay madaling sumunod.
The Gospel shows us that Joseph and Mary were prayerful people and because they were religious, they knew how to listen to God. We all know that prayer is a conversation with God, only two people understand each other when one knows how to listen while the other speaks. Let us examine ourselves and see how we can pray. Do we also listen silently in our prayers? Or are we just words in our whole prayer? Let us remember that it is easier for the listener to understand and the listener is more likely to obey.

Sa ating mga tahanan, sa ating barangay o sa ating pamayanan, mayroon bang pagkakaunawaan at pagkakaisa dahil ang bawat isa ay marunong makinig? Nakakasunod ba tayo sa mga itinakdang alituntunin dahil tayo ay marunong makinig? Mahalaga ang makinig at sumunod dahil madalas ang taong napapahamak ay iyung hindi nakikinig at dahil nakinig, hindi nagawang sumunod sa kung ano ang dapat at tamang gawin.
In our homes, in our barangay or in our community, is there understanding and unity because everyone knows how to listen? Do we follow set rules because we know how to listen? It is important to listen and obey because often the person who is lost is the one who does not listen and because he listens, is not able to follow what should and should be done.

Si Jose at si Maria sa kabila ng kanilang pangamba at takot sab anta ngbuhay nla ay nagawa pa din nilang sumunod sa kalooban ng Diyos, ito ay nagpapakita ng malalim na pananampalataya sa Diyos. Ang kabaligtaran ng pananampaltaya ay hindi ang pag-aalinlangan, ang kabaligtaran ng pananampalataya a takot, the opposite of faith is not doubt but fear. Ang taong matatakutin ay kulang sa pananampalataya kung kaya si Jose ay hindi nagpadaig sa kanyang takot sa halip ay nagpakita siya ng malalim na pananalig sa Diyos.
Joseph and Mary, despite their fears and fears, were still able to obey God’s will, which shows a deep faith in God. The opposite of faith is not doubt, the opposite of faith is fear, the opposite of faith is not doubt but fear. The frightened man lacked faith so Joseph did not overcome his fear but instead showed deep faith in God.

Ang panahon natin ngayon ay puno ng takot at pag-aalinlangan at dahil sa takot kung minsan ay hindi na tayo makakilos dahil sa pangamba sa anumang masama na pwedeng mangyari sa atin, tayo ay unti-unting nawawalan ng pag-asa at unti-unting lumiliit ang ating pananampalataya. Kung minsan ay nawawala din tyao ng pananalig sa Salita ng Diyos subalit tignan natin ang Ebanghelyo, ang lahat ng sinabi ng Diyos ay tinupad niya, ibig sabihin nito ay tapat ang Diyos sa kanyang salita.
Joseph and Mary, despite their fears and anxieties about the threat of their lives, were still able to obey God’s will, this shows deep faith in God. The opposite of faith is not doubt… the opposite of faith is not doubt but fear. The frightened man lacked faith, so Joseph did not overcome his fear but instead showed deep faith in God.

Ang Diyos ay palaging tapat sa atin kahit paminsan-minsan ay hindi tayo tapat sa kanya. God is always faithful to us even if sometimes we are unfaithful to him. Sa ikalimang araw ng ating Novena to Our Lady of the Holy Rosary La Naval de Manila, hilingin natin sa Diyos na turuan niya tayong makinig sa kanyang mensahe nang sa gayon ay matuto tayong sumunod sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng halimbawa ni San Jose. Hilingin din natin sa ating Mahal na Birheng Maria na dalhin niya ang ating mga panalangin at kahilingan sa trono ng Diyos Ama sa langit. At sa bawat pagsambit natin ang Aba ginoong Maria, mapawi ang ating takot at kawaln ng pag-asa. Hilingin natin kay Santa Maria, Ina ng Diyos na ipanalangin niya ang ating paghilom at kagalingan. Maipakita nawa natin sa ating sama-samang pagdarasal ng Rosaryo ang ating pagkakaisa bilang isang bayan ng Diyos, nakikinig at nanalig sa kanyang salita at sumusunod sa kalooban niya.
God is always faithful to us even if sometimes we are not faithful to him… On the fifth day of our Novena to Our Lady of the Holy Rosary La Naval de Manila, let us ask God to teach us to listen to his message so that we can learn to obey God’s will through the example of St. Joseph. Let us also ask our Blessed Virgin Mary to bring our prayers and requests to the throne of God the Father in heaven. And every time we say Hail Mary, our fear and despair disappear. Let us ask Holy Mary, Mother of God to pray for our healing and healing. May we show in our collective prayer the Rosary our unity as a people of God, listening and trusting in his word and obeying his will.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s