
Holy Mass on the Third Day of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval
Homily by Rev. Fr. Christopher Jeffrey Aytona, OP
Santo Domingo Church, Quezon City
4 October 2020
(video)
Mga kapatid, galit ang Diyos.
(Brothers and Sisters, God is angry.)
Sa unang pagbasa mula kay Propeta Isaias at sa Ebanghelyo mula kay San Mateo, ito ang nakagigimbal na mensahe, galit ang may-ari ng ubasan. Nagalit sapagkat ang kanyang ipinagkatiwalang ubasan ay hindi namunga ng karapat-dapat bagkus ito ay nilapastangan ng kanyang mga katiwala. Bagamat masasabi ng ubasan ay isang luntiang lupain na tiyak na magbubunga ng masagana hindi ito naganap.
(In the first reading from the Prophet Isaiah and in the Gospel from St. Matthew this is the shocking message, the owner of the vineyard is angry. He was angry because his trusted vineyard did not produce what he deserved but it was desecrated by his stewards. Although the vineyard can be said to be a green land that would surely bear abundant fruit it did not take place.)
Ayon sa kwento ng Unang pagbasa, imbes na matamis na Ubas ang inani, maasim ang ibinunga nito. Nalungkot ang may-ari saan nagkamali? Dahil sa pagkapoot, ang sabi ng Unang pagbasa “I will remove its hedge and it will be burned. I will break down its wall and it will be trampled on. I will make it a wasteland, I will neither prune or hoed, and briers and thorns will grow there. I will command the clouds as well not to send rain on it.”
(According to the story of the First reading, instead of sweet grapes being harvested, the fruit is sour. The owner is sad where did he go wrong? Because of hatred, says the First reading)
Matinding galit mga kapatid, nakagigimbal, pati ang ulan ay pagdaramot upang ang lupain ay tuluyang matuyo, mawalan ng sustansya at di muling mamunga pa. ang ubasang ito sa Lumang Tipan ay nagpapatungkol sa bayang Israel na abgamat pinili at pinagpala ng Diyos ay hindi namunga ng naayon sa dapat, na naayon sa inaasahan.
(Extreme anger, brothers and sisters, is shocking, and the rain is raging so that the land will eventually dry up, lose its nutrients and never bear fruit again. this Old Testament vine refers to the people of Israel who, though chosen and blessed by God, did not produce what was expected, according to expectations.)
Gayon din naman sa kwento ng Ebanghelyo, matindi ang pag-asa ng may-ari ng ubasan na matapos niyang gawin ang lahat para sa kanyang ubasan inaasahan niya itong mamumunga sa takdang panahon subalit ano ang nangyari? Umiral ang kasakiman, ang katamaran, ang pagkamakasarili ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan. Ito ay nagpapatungkol sa mga katiwala, sa mga nakatatanda, sa mga nasa tungkulin na hindi ginawa ang kanilang pananagutan ng naayon sa dapat.
(Likewise in the Gospel story, the owner of the vineyard strongly hopes that after he has done everything for his vineyard he expects it to bear fruit in due time but what happened? The greed, the laziness, the selfishness of the people he trusted existed. It refers to the trustees, the elders, those in office who have not done their duty accordingly.)
Dumating ang takdang panahon ng pagsusulit, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga tauhan upang kunin ang bahaging nararapat sa kanya subalit sila ay pinatay, pati na ang anak ng may-ari ay pinaslang upang wala nang tagapagmana babahagi sa yamang nais makamkam, pati ang ubasan ay pinagnaisang angkinin. Labis ang kasamaang isinukli ng mga taong pinagkatiwalaan.
(When the time came for the exam, the owner sent his staff to take the part he deserved but they were killed, as well as the owner’s son was killed so that no heir would share in the property he wanted to seize, including vineyards are jointly claimed. Too bad the people who trusted them reciprocated.)
Sino nga ba namang hindi mapopoot, malulungkot o di kaya’y nais magkamit ng hustisya sa kapalaluang iginawad maski naman siguro tayo mga kapatid ay makakaramdam ng labis na lungkot at galit sa gnaitong pangyayari, masakit maranasan na ang iyong tiwala ay napunta lamang saw ala mahirap maintindihan na kahit ginawa mo na ang lahat ng Mabuti sa huli, kaw pa rin ang masama at ang igaganti sa iyo ay kasamaan.
(Who would not hate, be sad or want to get justice for the pride given even though we brothers and sisters may feel very sad and angry at such an event, it hurts to experience that your trust just went awry understand that even if you do all the Good in the end, you are still evil and the reward for you is evil.)
Sa magulang po ng mga naririto na ginawa ang lahat para sa kanilang mga anak, anong sakit na makita na hindi makatapos sap ag-aaral ang anak dahil ito’y naging pasaway. Sa tao na nagtiwala ng lubusan sa kanyang kaibigan, subalit iniwan siya sa oras na labis ang kanyang pangangailangan, nakapang hihina ng loob. Sa gobyernong inihalal mo dahil sa mga pangakong pagbabago subalit mas masahol pa sa iba ang ginagawa, nakalulungkot na pangyayari.
To the parents of those here who did everything for their children, what a pain to see that the child could not finish school because it was a rebuke. To the man who trusted his friend completely, but left him at the time of his great need, he was discouraged. In the government you elected because of the promises of change but worse than others do, sad events.
Kung minsan nagtatanong tayo mga kapatid “bakit nga ba may ganitong mga tao?” wala bang kabutihan sa kanilang mga puso. Marahil tayong lahat ay may kanya-kanyang kuwento tulad nito sapagkat bahagi ito ng realidad ng buhay ng tao. Ito rin ang kuwento ng Diyos at ng tao matapos ang lahat ng kabutihang ipagkaloob ng Diyos sa tao, anong iginanti ng tao sa Diyos? Ang pagpatay kay Kristong bugtong na Anak niya. Tapos tatanungin natin “galit ba ang Diyos? Nakakagalit, nagagalit ba siya?”
Sometimes we brothers and sisters ask, “Why are there people like this?” is there no good in their hearts. Perhaps we all have our own stories like this because they are part of the reality of human life. This is also the story of God and man after all the good that God will give to man, what did man repay to God? The killing of Christ his only Son. Then we ask “is God angry? Is he annoyed, is he angry? ”
Kung pagbabatayin natin ay ang ating gma damdamin at karanasan, hindi dapat nating tanungin ang Diyos ng ganyan, sino ba ang hindi magagalit, malulungkot o dinaman kaya’y hihiling ng hustisya kapag ang nag-iisang anak ay pinaslang. Balikan natin ang kwento ng Ebanghelyo, ano ang ginawa ng may-ari ng ubasan matapos niyang malaman ang lahat ng kasamaan na isinukli sa kanya ng kanyang mga pinagkakatiwalaan? “he would bring those men to an evil end and lease the vineyard to others who will pay him in due time.”
Based on our feelings and experiences, we should not ask God that way, who will not be angry, sad or resentful and will ask for justice when the only child is killed. Let’s go back to the Gospel story, what did the owner of the vineyard do after he learned of all the evil that his trustees had returned to him? “He would bring those men to an evil end and lease the vineyard to others who will pay him in due time.”
Alam natin mga kapaid, Mabuti ang Diyos at ang kanyang kabutihan ay walang hangganan subalit hindi namang hahayaan ng Diyos na magapi ng dilim ang liwanag, may hangganan ang kasamaan at ang lahat ay magtatamo ng hustisya ng Diyos, hindi pababayaan ng Diyos na maghari ang kasamaan bagkus magwawgi palagi ang kabutihan.
We know, brothers and sisters, God is good and his goodness is infinite but God will not allow darkness to overwhelm the light, there is a limit to evil and everyone will attain God’s justice, God will not allow evil to reign but goodness will always prevail.
Kung ito ay nangyari noon, maaring mangyari din ito sa atin ngayon. Ang kwento ay magpapatuloy sa atin at kung paano tayo tumutugon sa pananagutang iniatang sa atin ng Diyos, ipinagkaloob niya sa atin ang ubasan, inaasahan niya tayng gagawin natin ang ating pananagutan upang ito ay magbunga ng sagana. Tutulungan tayo ng Diyos kung nararapat subalit magsumikap tayong lagi sa pagtugon natin sa kanya upang pagdating gn takdang panahon ng pagsusulit, mayroon tayong ilalatag na masganang ani sa may-ari ng ubasan kung hindi ay mararanasan natin ang hustisya ng Diyos sa mga taong pabaya, sakim, tamad at makasarili lamang.
If it happened then, it can happen to us today. The story will continue with us and how we respond to the responsibility God has given us, he has given us the vineyard, he expects us to do our part so that it will bear fruit. God will help us if necessary but we will always work hard in responding to him so that when the time comes for the test, we will have a rich harvest to lay on the owner of the vineyard otherwise we will experience God’s justice for the careless, greedy people , just lazy and selfish.
Subalit mga kapatid, hindi natatpos dito ang pagninilay natin sa linggong ito bagamat ang dalawang pagbasa ay angpapatungkol sag alit ng Diyos, hwag nating kalimutan ang mensahe ng ikalawang pagbasa ayon sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipo, hindi tayo uuwing malungot at luhaan bagkus may mabuting balitang hihlom at magpapalakas sa atin. Ang sabi ni San Pablo “do not be anxious about anything, in everything resort to prayer and supplication togther with thanksgiving and bring your requests before God then the peace of God which surpasses all understanding will keep your hearts and minds in Christ Jesus.”
But brothers and sisters, our reflection this week does not end here, although the two readings are about God’s wrath, let us not forget the message of the second reading according to St. Paul’s letter to the Philippians, we will not go home sad and in tears but there is good news that will silence and strengthen us. St. Paul says “do not be anxious about anything, in everything resort to prayer and supplication togther with thanksgiving and bring your requests before God then the peace of God which surpasses all understanding will keep your hearts and minds in Christ Jesus.”
Marahil marami sa atin ang nakakalimot sa ating mga pananagutan bilang mga Kristiyano sapagkat nalilingat ang ating tuon sa mga bagay na makamundo, sa mga bagay na nagpapalayo sa atin sa Diyos. Hindi natin matatamo ang kahinahunan at kapayapaan ng puso at diwa kung hihiwalay tayo sa Diyos. Guguluhin at ililigaw tayo ng demonyo palayo sa kanya kaya mga kapatid, hwag natin itong hahayaang mangyari sa atin. Ang sabi ni San Pablo tayo ay patuloy na manalangin at magtiwala sa awa at sa biyaya ng Diyos, iyan ang sandata natin sa mga panahong ito, panalangin at tiwala sa Diyos.
Perhaps many of us forget our responsibilities as Christians because we lose sight of worldly things, of things that alienate us from God. We cannot attain meekness and peace of heart and soul if we turn away from God. The devil will confuse and mislead us away from him so brothers and sisters, let us not allow this to happen to us. St. Paul says we must continue to pray and trust in God’s mercy and grace, that is our weapon in these times, prayer and trust in God.
Ang pagdedebosyon natin sa Santo Rosaryo ni Inang Maria ay mabisang paraan para mapalapit tayo sa Diyos, iyan naman ang misyon ni Maria bilang Ina ng Diyos na tayo ring kanyang gma Anak ay mapalapit sa Diyos ng may lubos na pagtitiwala upang hindi tayo mawalay sa kanyang pagkalinga. Iyan din ang bisa ng panalangin ng Santo Rosaryo, iukit sa ating mga puso at isipan ang pagninilay ng buhay sa buhay ni Hesus upang maunawaan natin ang dakilang pag-ibig niya sa sanlibutan. Nais ni inang Maria na tayo ay maging mabubuting katiwala ng kanyang Anak na si Hesus kung saan ipinagkatiwala sa atin ang ubasan upang ito’y maging mabunga at magkaroon ng masaganang ani. katuwang natin si Inang Maria sa misyong iyan, siya ang modelo natin sa pagiging maaasahang katiwala ng Diyos. Tulad ni Maria, punuin natin ang makalangit na pagninilay ang ating mga puso at isipan, magin lagging bukas sa patnubay ng Espiritung banal na nnagungusap sa atin sa pamamagitan ng Mabuting Balita. Ang pakikinig sa Salita ng Diyos na gamt ang ating puso, ang pagtuturo ang magtuturo sa atin kung paano mabuhay bilang isang mabuting Kristiyano, Anak ng Diyos at Anak ni Maria.
Our devotion to the Holy Rosary of Mother Mary is an effective way to draw us closer to God, that is the mission of Mary as the Mother of God that we too her children can draw closer to God with full confidence so that we are not separated from her care. That is also the effect of the prayer of the Holy Rosary, engraved in our hearts and minds the reflection of life on the life of Jesus so that we may understand his great love for the world. Mother Mary wants us to be good stewards of her Son Jesus where the vineyard is entrusted to us so that it may bear fruit and bear a rich harvest. Mother Mary is our partner in that mission, she is our model in being God’s faithful steward. Like Mary, let us fill our hearts and minds with heavenly meditation, always open to the guidance of the Holy Spirit who speaks to us through the Gospel. Listening to the Word of God with our hearts, teaching will teach us how to live as a good Christian, Son of God and Son of Mary.
Iyang ang halimbawang ipinakita at isinabuhay ni Maria, siya ay lagging bukas sa pakikinig, pagninilay at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos. Kaya naman ang buhay niya ay maihahambing sa isang ubasang hitik sa ani, hitik sa bunga. Tunay siyang kalugod-lugod sa Diyos na nagbibigay galak at konsolasyon sa may-ari ng ubasan. Pakinggan natin ang mensahe ni San Pablo upang makamit natin ang kahinahunan at kapayapaan ng puso at isipan sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan sa Diyos, pawiin natin ang galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat na katiwala niya. Hindi nais ng Diyos na magalit sa atin na kung ituring niya ay hinirang at minamahal. Mababasa natin sa libro ng mga Awit “sapagkat ang kanyang galit ay sandali lamang, ang kanyang paglingap ay habangbuhay. Pagiyak ay magtatagal at magdamag ngunit kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. May nakalaan na parusa sa mga kasalanan na hindi pinagsisisihan ayon sa panuntunan ng hustisya” subalit tandaan natin mga kapatid na ang hustisya ng Diyos ay nakabatay sa kanyang awa.
That is the example that Mary set and lived, she was always open to listening, meditating and living the Word of God. That is why her life can be compared to a vine that is full of harvest, full of fruit. He is very pleasing to God who gives joy and consolation to the owner of the vineyard. Let us listen to the message of St. Paul so that we can achieve calmness and peace of heart and mind through a deep relationship with God, let us quench the wrath of God by being his faithful steward. God does not want us to be angry with those who are considered to be chosen and loved. We read in the book of Psalms “for his anger is but for a moment; his favor is for a lifetime. Crying will last all night but joy comes in the morning. There is a penalty for sins that are not repented of according to the rule of justice ”but let us remember, brothers and sisters, that God’s justice is based on his mercy.
Ang hustisya ng Diyos ay nakabatay sa kanyang awa, dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat at walang anumang pwedeng maghiwala sa atin sa kanya. Hilingin natin ang awa ng Diyos, hilingin natin ang tulong ni Inang Maria, ang Reyna ng Santo Rosaryo na sa twing tayo ay nagdarasal nawa ay maunawan natin ang awa ng Diyos at hindi lamang ang kanyang galit. Amen.
God’s justice is based on his mercy, God’s great love for all of us and nothing can separate us from him. Let us ask for God’s mercy, let us ask for the help of Mother Mary, the Queen of the Holy Rosary so that when we pray we may understand God’s mercy and not just her anger. Amen.