Second Day Novena to Our Lady of La Naval – 3 October 2020

Holy Mass on the Second Day of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval

Homily by Rev. Fr. Winifredo Padilla, OP
Santo Domingo Church, Quezon City
3 October 2020
(video)

Isang mapagpalang gabi po sa inyong lahat.
(A blessed night to you all.)

May dalawang mahalagang bahagi sa sinabi ng Panginoon sa ating Ebanghelyo; ang una, kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman iniibig ko kayo. Manahan kayo sa aking pag-ibig. Kaysarap pakinggan, namnamin at ulit-ulitin ang mga katagang “mahal ako ng Panginoon” madalas nating banggitin “God is good, all the time. All the time, God is good.”
(There are two important parts to what the Lord has said in our Gospel; first, as the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my love. It is good to hear, savor and repeat the words “the Lord loves me” we often mention “God is good, all the time. All the time, God is good.”)

Minsan nais nating hanggang doon na lang yung Ebanghelyo, kaya naman yung paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pananahan sa kanyang pag-ibig, nababanggit din ni Hesus sa ikalawang bahagi “kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananahanan kayo sa aking pag-ibig. Kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama, at ako’y nanahan sa kanyang pag-ibig.” Ayaw na natin itong maririnig, killjoy, okay na sana. Bakit isinama pa ang pagsunod sa utos?
(Sometimes we just want the Gospel to be there, so the explanation of what it means to dwell in his love, Jesus also mentions in the second part “if you keep my commandments, you will abide in my love. As I have kept my Father’s commandments, and abide in his love. ” We don’t want to hear it anymore, killjoy, it would have been okay but. Why is obedience to the commandment included?)

Mga kapatid, minsan madali ang debosyon kapag nakatuon lamang sa maayos na pakiramdam, ‘feel joy christinaity’. Sa maganda at magarbong palamuti, sa ningning ngunit hindi buo ayon sa Panginoon ang pananahan sap ag-ibig ng Diyos kung wala ang pagsunod sa kanyang utos. Ang Manahan sa pag-ibig ay isinasalarawan ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-sunod sa utos ng kanyang Ama, ito’y nangagahulugang pagiging buo, kawalan ng pagkakahati, integrity. Sa halimbawa ng Panginoong Hesus, ang kanyang pananahan sap ag-ibig ay ang pagsunod sa utos ng Ama at ang kanyang pagsunod sa utos ay pananahan sa pag-ibig ng Ama.
(Brothers and sisters, sometimes devotion is easy when you focus only on feeling well, feel joy christinaity. In beautiful and fancy decorations, in the splendor, but not according to the Lord the abode of God’s love without obedience to his command. Abiding in love is described by the Lord by obeying the command of his Father, it means wholeness, indifference, integrity. In the example of the Lord Jesus, his abode in love is obedience to the commandment of the Father and his obedience to the commandment is abiding in the love of the Father.)

Gayundin mga kapatid, nanahan tayo sa ating buhay pananampalataya kapag mayroon tayong integrity, kapag walang anumang pagkakahati sa ating buhay, walang pagkakaiba ang ginagawa natin sa loob man o labas ng bahay, sa loob man o labas ng simbahan, walang pagkakaiba ang pagsamba at ang pagtulong sa kapwa.
(Likewise, brethren, we live in our faith life when we have integrity, when there is no division in our lives, there is no difference in what we do inside or outside the house, whether inside or outside the church, there is no difference between worship and helping others.)

Kaya mga kapatid sa pagiging buo at pagkakaroon ng integrity ng ating Panginoon, makikita natn ng mas malinaw ang ating mga kakulangan sa pananahan, sa pag-ibig, sa ating gma salita makikita ang kawalan ng integrity. Minsan may maririnig tayo “kabata-bata mo pa, ang landi-landi mo na” pwede nating itanong “bakit po? Kapag tumanda na pwede nang lumandi?” o kaya naman minsan may magsasaway sa loob ng Simbahan mismo “huwag nga kayong magchismisan dito, nasa loob kayo ng Simbahan” pwede rin nating itanong “pag nasa labas na po kami ng simbahan pwede na po bang mag-tsismisan?” may pagkakahati yung buhay sa loob at sa labas ng simbahan, sa loob at sa labas ng ating bahay. Larawan ng pagkakahati sa ating buhay pananampalataya.
(So brothers and sisters, in the integrity and integrity of our Lord, we can see more clearly our shortcomings in the home, in love, in our words we can see the lack of integrity. Sometimes we hear “you are still young, you are already flirting” we can ask “why? When I get older can I flirt? ” or sometimes someone criticizes inside the Church itself “do not gossip here, you are inside the Church” we can also ask “when we are outside the church can we gossip?” there is a division of life inside and outside the church, inside and outside our house. Picture the division in our faith life.)

Minsan, may nabasa akong joke tungkol sa isang lalaki na nagkukuwento sa kanyang kumpare ng kanyang karanasan sa simbahan, sabi niya “pare, hindi ko na maunawaan ang mga tao ngayon sa simbahan. Noong nakaraang linggo, habang nagsisimba ako, sa kalagitnaan ng misa yung katabi ko bigla ba namang nagsindi at nanigarilyo. Sa sobrang gulat ko sa kanya pare, muntik ko nang mabitawan yung beer na hawak ko.” Pagkakahati sa ating buhay pananampalataya.
(Once, I read a joke about a man telling his story of his church experience, he said, “Dude, I don’t understand people in church anymore. Last week, while I was attending church, in the middle of the mass, the person next to me suddenly lit up and smoked. To my shock, I almost let go of the beer I was holding. ” Partition in our faith life.)

Paano ba natin susukatin ang pananahan o pananatili sa pag-ibig ng Diyos habang nagpapasalamat tayo sa Diyos sa 500 taon ng pagiging katoliko ng ating bansa, itanong natnin sa ating mga sarili “naisasalin ba natin ang napakadakilang regaling ito sa apggawa at pagsunod sa kalooban ng Diyos?” o baka naman ang ating pagiging Kristiyano ay nakatuon lamang sa panglabas. Okay lang mangurakot, anyway tuwing lingo nagsisimba at nagbibigay naman ako ng donasyon sa simbahan. Okay lang namang magpayaman kahit sa amsamang paraan, meron naman akong panata sa Poong Nazareno at taon-taon ko namang nakukumpleto ang Nobena sa Mahal na Ina ng La Naval. Kapag ganito mga kapatid ang pananaw natin, hindi naisasalin yung diwa ng pananahan sa pannampalataya sa ating buhay, magkaiba ying buhay sa labas sa buhay sa loob ng simbahan.
(How do we measure the dwelling or abiding in the love of God as we thank God for the 500 years of our nation’s catholicity, let us ask ourselves “can we translate this great gift of labor and obedience to the will of God?” or maybe our Christianity is just outwardly focused. It’s okay to cheat, anyway every week I go to church and I donate to the church. It’s okay to get rich even in the same way, I have a vow to the Black Nazarene and I complete the Novena to the Blessed Mother of La Naval every year. When we have this view, brothers and sisters, the spirit of living in faith does not translate into our lives, it is different from living outside the life inside the church.)

Ang batayan ng lalim ng ating pananampalataya ay sa pananahan natin sa pag-ibig ng Diyos naipapakita natin sa maayos na pamumuhay. Ang salot na COVID-19 ay nagpasara sa ating mga simbahan, ang dating naguumapaw na Sto. Domingo church tuwing kapistahan ng Mahal na Ina ng La Naval, ito na po ngayon. Subalit kung ang bawat pamilya ay napalapit sa Diyos at sa bawat isa, maari nating sabihin na mas nabuksan ang ating simbahan, mas lumago at lumawak.
(The basis of the depth of our faith is that by living in the love of God we show in living well. The COVID-19 plague closed our churches, the former overflowing Sto. Domingo church during the feast of the Blessed Mother of La Naval, it is now [empty]. But as each family draws closer to God and to each other, we can say that our church is more open, more and more expanded.)

Maari ba nating sukatin ang papanatili natin sa pag-ibig kay Maria at sa Panginoong Hesukristo sa dami ng debotong nagsisismba? Kapag natapos ang salot ng COVID-19 at nagumapaw muli ang Simbahan ng Sto. Domingo sa panahon ng kapistahan ng Mahal na Ina ng La Naval, maaari na ba nating sabihing lumalim na muli ang ating pananampalataya? Mga kapatid, ipinapaalala sa atin ng ating Panginoon sa Ebanghelyo “kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananahan kayo sa aking pag-ibig. Kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nanahan sa kanyang pag-ibig” hindi ba ito rin ang sinasabi ng Mahal na Ina. Kaisa-isang habilin ng Mahal na ina sa bibliya “gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” Sa mata ng Panginoon, walang pagkakaiba sa pagitan ng kanyang pag-ibig at sa kanyang pagsunod sa mg autos ng Ama dahil ang paggawa ng kabutihan na siyang larawan ng pagsunod sa mg autos ay nanggagaling lamang sa naguumapaw na pagmamahal ng Ama sa kanya.
(Can we measure our commitment to love of Mary and the Lord Jesus Christ by the number of devout worshipers? When the plague of COVID-19 ended and the Church of Sto. Domingo during the feast of Our Lady of La Naval, can we say that our faith is deepening again? Brethren, our Lord reminds us in the Gospel “if you keep my commandments, you will abide in my love. Just as I have kept my Father’s commandments and abide in his love” did not the Blessed Mother say the same. The Holy Mother’s only command in the bible is “do whatever he tells you.” In the eyes of the Lord, there is no difference between his love and his obedience to the Father’s commandments because doing good which is a picture of obedience to the autos comes only from the Father’s overflowing love for him.)

“Narito ang aking utos para sa inyo” ito po mga kapatid yung sinasabi ng Panginoon sa atin “magkaroon nawa kayo ng pagmamahalan sa bawat is amula sa nag-uumapaw na pag-ibig ko para sa inyo” gayundin mga kapatid ang mga ginagawa nating kabutihan, masasabi lamang natin na tunay ang ating pag-ibig kapag wala tayong inaabangang kapalot, kapag ang tanging dahilan ng mabuting gawa ntin ay ang pasasalamat sa nag-uumapaw na biyaya ng Diyos. Hindi tayo gumagawa ng kabutihan, hindi tayo nagdedebosyon, hindi tayo nagsisimba dahil ang mga ito ay parang deposito na may tutubong interes pagsapit ng panahon. Kung walang kalakip na pasasalamat ang ating debosyon, ang panata, ang pagsisimba, ang pag-gawa ng kabutihan sa kapwa ay nagiging isang mabigat na obligasyon at pasanin.
(“Here is my commandment for you” these are brothers and sisters, the Lord is telling us “may you have love for each other from my overflowing love for you” as well as brothers and sisters the good we do, we can only say that our love is real when we have no expectation, when the only reason for your good deeds is gratitude for God’s overflowing grace. We do not do good, we do not devote, we do not go to church because they are like deposits with growing interest when the time comes. Without gratitude attached to our devotion, vowing, going to church, doing good to others becomes a heavy obligation and a burden.)

Maraming nakapagsabi sa akin kung gaano kaganda ang kahulugan ng paglapit ng imahen ng Mahal na Ina ng La Naval ngayong taon. Wala siya sa kanyang luklukang ‘Baldachino’, hindi lang abot tanaw kung papayagan sana, abot kamay pa. napapaligiran ng napakaraming Santo at Santa na nagpapatotoo rin ng pananahan sa pag-ibig ng Diyos. Tayo ding lahat mga kapatid ay sinasaklawan ng Manto ng Mahal na ina, inaanyayahan tayong Manahan sap ag-ibig ni Kristo, sa pag-ibig kay Kristo na ating maipapahayag sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pagsunod sa kanyang mga utos.
(Many have told me how beautiful the meaning of the approaching image of the Blessed Mother of La Naval this year is. She is not in her ‘Baldachino’ throne, not only within sight if allowed, but within reach. Surrounded by so many Saints who also testify to the abode of the love of God. We are all brothers and sisters covered by the Mantle of the Blessed Mother, inviting us to abide in the love of Christ, in the love of Christ that we can proclaim by doing good and keeping his commandments.)

Ang batayan ng kalusugan ng ating simbahan ay nasa buhay na may integridad, sa buhay na walang pagkakahati. Buo hindi hiwalay, buo hindi nahahati, buo at patuloy na lumalawak kapag ang bawat gawa at galaw natin ay nasasaklaw sap ag-ibig ng Diyos.
(The basis of the health of our church is in a life of integrity, of a life without division. Whole not separate, wholly indivisible, whole and continually expanding when every action and movement of ours is covered by the love of God.)

Mga kapatid, inaanyayahan ko kayong pumikit sumandali ang inyong gma mata, isipin nating umaakyat ang ating paningin mula sa ating mga inuupuan hangga’t matanaw natin mula sa taas ang loob ng Simbahan ng Sto. Domingo. At habang natatanaw natin ang mahal na Ina, kasama ng laht ng mga Santo at Santa, at kasama ang lahat na mga nagsisimba, pagnilayan natin kung paano ito sumasalamin sa pagsasalarawan ng bagong Herusalem sa aklat ng Pahayag kabanata 21 “Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya’y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, ‘Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya.’ Wala akong nakitang templo sa lungsod sapagkat ang nagsisilbing templo roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag doon at ang Kordero ang siyang ilawan. Sa liwanag nito’y lalakad ang lahat ng tao.”
(Brothers and sisters, I invite you to close your eyes for a moment, let us imagine our eyes rising from our seats as long as we can see from above the inside of the Church of Sto. Sunday. And as we look at the dear Mother, with all the Saints and Saints, and with all the worshipers, let us meditate on how this reflects the description of the new Jerusalem in the book of Revelation chapter 21 “After this I saw a new heaven and a new earth. The former heaven and earth are gone, the sea is gone. And I saw the Holy City, the new Jerusalem, coming down out of heaven from God, like a bride. She is dressed and ready to meet her fiancé. I heard a loud voice from the throne, ‘Look, the house of God is with the people! He will live with them, and they will be his people. ’I did not see a temple in the city because the temple there is the Lord God Almighty and the Lamb. There is no need for the sun or the moon to give light to the city, for the glory of God gives light there and the Lamb is the lamp. In its light everyone will walk.”)

Mga kapatid, hindi ba ito rin ang larawan ng simbahan sa ating binasang Ebanghelyo? Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman iniibig ko kayo. Manahan kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, manahan kayo sa aking pag-ibig. Kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking ama at ako’y nananahan sa kanyang pag-ibig.”
(Brethren, isn’t this also the image of the church in the Gospel we read? As the Father hath loved me, so have I loved you: continue ye in my love. Abide in my love. If you keep my commandments, you will abide in my love. As I have kept my father’s commandments, and abide in his love. ”)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s