
Holy Mass on the First Day of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval
Homily by Rev. Fr. Romualdo Cabantan, OP
Santo Domingo Church, Quezon City
2 October 2020
(video)
Ako po ay natutuwa na itong ating pagtitipon sa Banal na Misa alay sa ating Mahal na Ina, the first day of the Novena Masses. Nakakatuwa po na sabihin ko sa inyo na ang tema ng ating Ebanghelyo ay tungkol sa pamilya.
(I am glad that this is our gathering at the Holy Mass offered to our Blessed Mother, the first day of the Novena Masses. It is interesting to tell you that the theme of our Gospel is about the family.).
Sa Ebanghelyo, ipinakita ni Kristo na ang tunay na pundasyon ng isang tunay na pamilya ay ang pananampalataya, ang pagsunod sa Diyos. Marahil nung panahong iyon, sa panahon ni Kristo, ang pagiging kadugo lamang ang basehan ng pagiging kaisa mo sa pagtitipon ng mga angkan. Subalit pinakita po ni Kristo sa ating Ebanghelyo ngyong gabi na meron pang mas mahigit pang basehan sa paigigng kasapi ng samahan bilang isang pamilya at ito po ay walang iba kundi ang pananampalataya.
(In the Gospel, Christ shows that the true foundation of a true family is faith, obedience to God. Perhaps at that time, in the time of Christ, being blood relatives was the only basis for your unity in the gathering of families. But Christ showed in our Gospel tonight that there is more than just the basis of the universal membership of the organization as a family and this is none other but faith.)
Sa mata ni Kristo, ang tunay na pamilya ay ang pagiging bukas sa iba, bukas para sa lahat na may iisang hangaring makasunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pamilya, pamilyang may Diyos, pamilyang tapat sa Diyos at pamilyang sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ganito po ang nakakahangang pamilya.
(In the eyes of Christ, the true family is being open to others, open to all with the same desire to do the will of God. This is the true family, the family with God, the family that is faithful to God and the family that obeys the will of God. This is the amazing family.)
Nitong panahon ng pandemya, kung titignan po natin, 8 months na po ang nakalipas, maganda po dahil sabi ko po kanina ako ay natutuwa sapgkat kung mayroon mang isang bagay nana is nating kamustahin matapos ang walong buwan ay kamustahin ang pamilya natin. Kamusta na ng aba ang ating pamilya sa panahon ng pandemyang ito?
(During this pandemic period, if we look at it, 8 months ago, it was good because as I said earlier that I am happy because if there is anything we want to greet after eight months, is to greet our family. How was our family during this pandemic?)
Mga kapatid, ito po ang mga eksena na nakikita ko sa panahon ng pandemya; kumusta ang ating mga pamilya. Marahil may mga pamilya sa panahon ng pandemya, may mga pamilyang nabuo, mayroon namang pamilyang nagulo. May mga pamilya habang lockdown, sa kanila ang pamilya nila nakulong sa loob pero mga kapatid, may mga pamilya ring naiwan sa labas. May mga pamilyang masaya dahil may nakauwi pero mga kapatid, may pamilya ring nasaktan dahil may nasawi. May mga pamilyang sagana sa loob ng bahay pero nakikita rin natin may mga pamilyang hanggang ngayon naghihintay pa rin ng ayuda sa labas ng bahay. May mga pamilyang ayaw lumabas, may mga pamilya namang labas ng labas. May mga pamilyang nagbibigay, may mga pamilya ring humihingi. May nadagdagan, sabi nga nila ‘pandemic babies’, marami din ang nawalan.
(Brethren, these are the scenes I see during the pandemic; how are our families. Perhaps there are families during the pandemic there are families formed, there are troubled families. There were families during the lockdown, their families were locked inside but brothers and sisters, there were also families left outside. There are families who are happy because someone came home but brothers and sisters, there are also families who were hurt because someone died. There are many families inside the house but we also see there are families who are still waiting for help outside the house. There are families who do not want to go out, there are families who go outside. There are families who give, there are also families who ask. There is an increase, they say ‘pandemic babies’, many are also lost.)
May mga pamilya sa panahon ng pandemic nagwawala, di nahihiya kung ano ang ginagawa sa Tiktok o sa Youtube pero mayroon ding gma pamilyang hindi nahihiyang humihingi, nagbebenta, nagmamakaawa makakita lang ng kita gamit ang Tiktok at Youtube. May mga pamilyang sawang-sawa na sa loob, meron din ibang nagmamakaawa pa rin sa labas. Pamilyang batong-bato na na gustong nang lumabas pero alam niyo ba meron ding iba na uwing-uwi na, gusto nang bumalik sa loob. May kain ng kain, makikita mo sa Facebook, tulog ng tulog, anong ginagawa pero alam niyo may mga tao ding walang pagkain, di maka-tulog habang nasa labas. May mga pamilyang pasikat ng pasikat sa loob, kung anon a lang uso ang pinapakita pero meron ding mga pamilyang nagliligtas ng iba sa labas.
(There are families during the pandemic who are wild, not ashamed of what is being done on Tiktok or Youtube but there are also families who are not ashamed to ask, sell, beg to see income using Tiktok and Youtube. There are families who are fed up inside, there are also others who are still begging outside. A rocky family that wants to go out but did you know that there are others who are going home, want to go back inside. There is food to eat, you can see on Facebook, sleep soundly, what are you doing but you know there are also people who do not have food, can not sleep while outsode. There are families insde that are popular, doing whatever the trend is but there are also families that save others outside.)
Ito ay iilan lamang sa mga eksena ng ating mga pamilya dito sa Pilipinas sa panahon ng pandemic. Kung titignan natin may nalulungkot na, napapagod na, nalulungkot na subalit mas marami pa ring nakakalungkot ang sitwasyon. May mga nakakatuwa, nakakatawa subalit mas marami pa rin ang mas nakakaawa.
(These are just a few of the scenes of our families here in the Philippines during the pandemic. If we look at someone who is sad, tired, sad but there are some whose situation is even more sad. There are funny, witty but there are still many more pitiful.)
Kaya mga kapatid, masasabi ko matapos ang walong buwan at alam ko’y ito’y tatagal at tatagal pa hanggang sa susunod na taon, kinakailangan natin ang panalangin, kinakailangan natin ang pananampalataya sa panahong ito, at ito po ang aking tanging dasal sa misang ito na sana sa gitna ng mga esksena na nakikita natin sa mga pamilyang Pilipino dulot ng pandemyang ito, nawa hindi po mawawala ang ating pananampalataya sapagkat ayon nga sa Ebanghelyo, ito ang pundasyon ng ating pagiging matibay na pamilya sa gitna ng pandemya.
(So brothers and sisters, I can say that after eight months and I know it will last and will last until next year, we need prayer, we need faith at this time, and this is my only prayer at Mass that I hope that in the midst of the scenes we see in Filipino families caused by this pandemic, may we not lose our faith because according to the Gospel, this is the foundation of our strong family in the midst of the pandemic.)
Sana po, ipanalangin natin na mas iaangat pa natin ang ating pananampalataya. Pamilyang nandon parin, nanatili pa rin ang pananampalataya. Kaya nga naman sa gitna ng ating mga nakikitang eksena, mayroon pa po akong isang eksenang masasabi kong kahanga-hanga, ako’y natutuwa sapagkat nabago po ang Facebook, nabago ang Youtube o anuman ang nakikita natin sa Internet, mayroon pong isang bago na nagging uso sa panahon ng pandemyang ito ay ang pamilyang nagdadasal sa loob habang ipinagdadasal ang mga nasa labas.
(Hopefully, we will pray that we will raise our faith even more. Family still there, faith still remains. That is why in the midst of the visible scenes, I still have a scene that I can say is wonderful, I am happy because Facebook has changed, Youtube has changed or whatever we see on the Internet, there is a new one that has become trend during the pandemic, it is the family praying inside while praying those outside.)
Tunay nga namang kahanga-hanga ang pamilyang ito na nagdadasal, nagsisimba at patuloy na sumasampit sa Ama, sumasampit sa Mahal na Ina maging saan man, maging sa loob o sa labas ng bahay. Muli ipanalangin natin sa Misang ito nasa gitna ng pandemya mas iangat pa natin ang ating pananampalataya at mas makita pa natin ang Diyos.
(Truly wonderful is this family that prays, goes to church and continues to cling to the Father, clinging to the Blessed Mother wherever, whether inside or outside the house. Let us pray again at this Mass in the midst of the pandemic to lift our faith and see God more.)
Mahal na Ama nasa langit, iligtas mo po kaming pamilyang Pilipino. Sa tulong ng mga Guardian Angels na kung ngayon po ay kapistahan nila, maging buo pa rin nawa ang ating pagsunod sa kalooban ng Ama at higit sa lahat, taimtim po nating ipanalangin sa ating Mahal na Ina ng Rosaryo ng La Naval na habang tayo’y nagtitipon, bitbit ang ating mga hiling ay sana patuloy pa rin tayong matibay sa ating pananampalataya.
(Dear Father in heaven, save us Filipino family. With the help of the Guardian Angels that today is their feast, may we still be fully obedient to the will of the Father and most of all, let us sincerely pray to our Blessed Mother of the Rosary of La Naval that while we are gathering, carrying our wishes may we continue to be strong in our faith.)
Mahal ng Ina ng Rosaryo ng La Naval, tulungan mo po kaming gumaling sa lahat ng gma sugat na naidulot ng pandemyang ito.
(Dear Mother of the Rosary of La Naval, please help us heal all the wounds caused by this pandemic.)