Holy Mass at the Basilica of Our Lady of Manaoag – 25 May 2020

bandicam 2020-05-26 00-34-15-203

Misa de Gracia of St. Dominic Parish
San Carlos City, Pangasinan

Homily by Rev. Fr. Primo Aquino
Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
25 May 2020
[video]

A year wouldn’t be complete without something to celebrate, for example ang Pasko. Hindi po kumpleto ang isang taon pag wala pong Pasko. Hindi rin po kumpletong ang isang taon pagka wala pong Holy Week lalong-lalo na yung celebration ng Pasko ng muling pagkabuhay. Truth to tell my brothers and sisters, for most Catholics if not all, sa bayan po ng San Carlos, kahit sa alin mang bayan dito sa Pangasinan, sa mga Parokya ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, a year would not be complete without the Misa de Gracia.

So in this way brothers and sisters, kahit na po tayo ay online, kahit po tayo ay nandirito at kayo naman po ay nandiyaan sa inyong mga tahanan, muli’t-muli ang pagbabasbas ng ating Panginoong Diyos para po sa inyo ngayon, bukas at siyempre sa hinaharap ay mapapasainyo with the Blessed Virgin Mary.

Brothers and sisters when we think about Misa de Gracia, what comes immediately to mind would be? our gratitude, yes beloved brothers and sisters, in this time of crisis kailangan po nating na magkaroon ng positivity at ang positivity na iyan ay nagsisimula sa ating pagpapasalamat.

Beloved brothers and sisters, to have a mindset of gratitude is to be human, looking forward na ang mga lahat ng mga nasa atin, ang buhay natin ay kaloob ng Panginoong Diyos. Everything that is good, everything that makes us good ay kaloob ng ating Panginoong Diyos. And to be thankful, brothers and sisters, in the midst of crisis would be to be very human because we know when we are alone, wala pong mangyayari sa atin. To be human is to acknowledge that there is something who is way above us, to be human is to acknowledge that mayroon po tayong Diyos na nangangalaga po sa atin. And to face life with gratitude, brothers and sisters is to acknowledge na hindi po lahat ng mga nabibili ay may halaga, rather ang lahat po ng nanggagaling sa Diyos siyo po ang may halaga.

Beloved brothers and sisters, think of so many things that you have to be thankful for. Hindi lang po dahil tayo’y walang sakit, wala pong COVID. Think of many things that we have to be thankful for, for example yung ating paghinga, yung ating pagiging Simbahan kahit na tayo ay nasa bahay, yung pagiging malapit natin sa Panginoong Diyos kahit na wala po tayo sa tinatawag nating Bahay ng ating Panginoong Diyos na Simbahan, think about having ourselves in the presence of God habang tayo po ay nasa kani-kanilang mga sitwasyon during this crisis, during this pandemic.

There are so many things to be thankful for and just like Mary in today’s Gospel, our soul must always be proclaiming the greatness of the Lord because it is he who is present in fact, he is present sa lahat ng frontliners natin, sa lahat ng mga military, mga pulis. Sa lahat na naghahatid ng mga tulong, sa lahat ng mga nagpreprepare ng mga pagkain, sa lahat na mga naglilingkod sa bayan at lipunan, sa lahat ng mga tao nay mayrooong ginagampanan na taos-puso nilang ginagawa kahit na sila ay may nararamdaman na kaba na baka sila ay mahawa ng virus and still they do it. Mga kapatid, ang Panginoon ay present sa kanila and we have to be thankful dahil ginagamit ng Panginoon ang mga instrumentong ito upang ipamahagi sa atin ang kagalakan na ni-minsan hindi tayo nag-iisa sa pakikibaka.

Beloved brothers and sisters, when we have to thank about these things to be thankful for, let us not forget Mary, siya po ang isang imahe ng taos-pusong pagpapasalamat hindi lang po dahil sa ginawa ng ating Panginoong Diyos sa kanya bilang Ina ni Hesus, hindi lang po ang pagtatag sa kanya bilang Birhen na punong-puno ng Grasya, kundi nagpapasalaamt po siya dahil siya ang naging instrument ng paghahatid ng Panginoong Diyos ng pagmamahal sa mundo.

Brothers and sisters, as we continue the celebration thanking God through Mary, thanking God for the gift of ourselves, thanking God for surviving, for being in his love, in his mercy. Yes, just like Mary we proclaim “the goodness of the Lord on us, his lowly servant.”

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s