Holy Mass on the Feast of the Ascencion of the Lord (Year A)
Homily of Fr. Howard John P. Tarrayo,
Member, Team Ministry, Diocese of Malolos
MALOLOS CATHEDRAL, Malolos, Bulacan
24 May 2020
(video)
Good morning my dear Brothers and Sisters.
Today we celebrate the Ascension Sunday and Ascension Sunday is one of the focal points of the Sundays of Easter, bakit po? On the celebration of Ascencion po talaga, ito po talaga ay ipinagdiriwang ng Huwebes, why? If you count 40 days mula po nung si Hesukristo’y muling nabuhay, kung bibilangin niyo po ng 40, ito po ay nung Huwebes and yung huwebes na celebration ay old feast but here in the Philippines ay niroundoff natin siya sa Sunday para po maipagdiwang natin ang araw ng Panginoon at ang kanyang pag-akyat sa importanteng araw ng isang buong linggo at ito po ay yung araw ng Sunday.
Now on the first reading, we have listened to the word of Saint Luke sa kanya pong Acts of the Apostles. Sa first reading po ipinakita yung pong Ascension event. Nakita ng mga Apostol si Hesukristo, nangaral sandali, nagbilin sa kanila at ang pagbibilin nila’y ganito “I am with you until the end of the world.” At isa po sa pinakamagandang pinakita po ng unang pagbasa sa atin, Jesus prepared the Apostles to their mission at dumating na yung oras na siya’y aalis at ang pag-lisan ng Panginoong Hesukristo sa kanila, sa kanyang pag-akyat sa langit ay hindi nangangahulugang iniwanan na sila bagkus ang pag-akyat ng Panginoon ay isang hudyat na handa na sila.
Hindi po ba may mga magulang po na nandidito, hindi ba’t napakahigpit natin sa inyong mga anak, ginagabayan, hinuhubog, tinuturuan ngunit darating ang panahon na sila’y dapat natin iwanan sapagkat hand ana silang humarap sa buhay. At ganon din po ang ipinapakitang turo at aral ng unang pagbasa, handa ang mga apostol, hindi na nga sila disipulo, they were sent that’s why they are apostles. Sila ay sinugo dahil handa na, sinugo dahil kaya na, sinugo dahil alam na nila ang kanilang ipapahayag; si Hesukristo.
Kaya nga po what is the Eternal Mission of Jesus Christ, ito po’y ipinapakita po sa ikalawang pagbasa, enjoying all power and authority as the head of the Church. Sa letter of St. Paul to the Ephesians… kung si Hesus, sa Unang pagbasa, ay pumanik sa Ama sa kanyang pag-akyat, pinangatawanan ni Pablo na si Hesukristo mismo ay nasa kanan ng Ama at ang kanyang mga ipinangaral, ang kanyang tinuro ay hindi biro at hindi laro. Ang kanyang tinuro at ang ipinahayag niya sa lahat ng tao sa sandaigdigan ay totoo sapagkat siya’y pumanik, pumanaog sa Ama at naupo sa kanyang kanan.
Mga kapatid, kung si Hesukristo’y hindi pumanik, bumalik sa Ama aba’y hindi totoo ang kanyang pagka-Diyos spaagkat ang kanyang pag-akyat ay nangangahulugang siya’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasakanya. Mga kapatid, kaya po ito po’y pinagtibay ng Ebanghelyo natin, sa Ebanghelyo ni San Mateo. Yun pong Ebanghelyo natin, hindi naman po ito yung Ascension narrative ng Gospel pero ito po yung the commission of Jesus Christ sa kanyang mga disciple. Ano po yung kanayng sinabi sa mga Alagad niya, binigyan kayo ng kapangyarihan, gamitin niyo ng tama. Binyaga niyo sila sa ngalan ng Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo.
Naalala ko pung Matthew 28, tinatanong ito “saan mo makikita sa mga Ebanghelyo o sa Bibliya ang Santisima Trinidad?” Matthew 28:19 nandodoon po iyon “Baptize them in the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit” kasi po ang mga taga-sunod ng ating Panginoong Hesukristo ang misyon nila ay ipalagananp si Hesus, ipalaganap ang pananampalataya, lahat sila’y gawin mong mga taga-sunod ng Panginoon. Kaya lang mga kapatid, bakit dumadating sa punto ng ating buhay parang ang gusto lang ata ng mga maging tagasunod ay “kami-kami lang”, ang gusting maglingkod sa Simbahan, ang gusting maglingkod sa pamahalaan ay yun lamang mga may kapangyarihan at may kakayanan. Malinaw na nga po ang sinabi ng Panginoon “binyagan niyo silang lahat na maging taga-sunod ko, gawin mong silang lahat na lingkod ko sapagkat ninanais ito ng Diyos, ito’y para sa lahat at hindi para sa iilan lang. The grace of God is not exclusive at ang paglilingkod sa Diyos ay hindi lamang para sa ilang tao, ito po’y para sa lahat. Ang kabanalan ay para sa lahat, ang biyaya ay para sa lahat kaya nga po ang Panginoon ay muling nabuhay at bumalik sa Ama upang ipakitang siya’y para sa lahat. At ngayon po’y ipinapahayag na ito para sa ating lahat upang tayo’y maging tagasunod niya.
Kaya nga mga kapatid, today we also celebrate the 54th anniversary of World Communications Sunday. And the best way of Jesus na siyapo ay nakipag-communicate sa atin is because of the Holy Eucharist. Pope Benedict said bakit po Huwebes yung Ascension Sunday, mayroon pong dahilan iyan, ano ba ang nangyari ng Huwebes Santo? The Institution of the Holy Eucharist. And if we celebrate the ascension on Thirsday it is parallel to the Eucharist because the Eucharist is the best communication of God to us at ano po iyon? Hindi niya po tayo iwinan, pinananatili niya at pinagiging ganap niya ang pangyayari mula noong unang-una habang tayo ay nagpapasalamat at nagdiriwang ng Eukaristiya at iyon po ang mensahe sa atin ng Panginoon. Ang mensahe po sa atin hindi niya tayo iniwanan. Kaya nga po sa end of this Gospel “I am with you until the end of time.”
If God is always with us, paano po natin ito gagawin. If God stays with us, we share this blessing to other people, inviting them to be servants of God, inviting them to become followers of Jesus.
Kaya nga po mga kapatid, ang ating Panginoon ay nagkatawang-tao hindi para lang maintindihan ng mga matatalino, hindi lamang maintindihan ng may kapangyarihan upang ang lahat ng tao nan ais na sumampalatya’y maniwala kahit yung gma taong hindi ganon kataas ang pag-iisip ay kayang maniwala sa hesukristong muling nabuhay, sa Diyos na nagligtas sa atin at ang pag-akyat ng Panginoon ay palaging paalala sa atin na siya’y nanatili sa ating lahat at hindi niya tayo iniwanan hanggang sa wakas ng mundo.
Mga kapatid, kung ang Diyos ay kayang gawin ito, kaya nating ipalaganap ang kabutihan sa ating kapwa, kaya nating manghikayat ng mga tao sa kabutihan hindi sa kasamaan, sa kapayapaan hindi sa ligalig, sa kaliwanagan hindi sa kadiliman. That’s why my dear brothers and sisters, as we continue our celebration towards the Holy Eucharist, let us be reminded that the Ascension of Our Lord is a reminder for us the presence of God in our hearts as we share is to our brethren. Amen.