Holy Mass at the Basilica of Our Lady of Manaoag – 15 May 2020

bandicam 2020-05-16 00-22-42-264

Misa de Gracia of San Roque Parish
Tarlac City, Tarlac

Homily by Fr. Christopher Lozano
Parish Priest of San Roque Parish

Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
15 May 2020
[video]

In today’s Mass, we remember St. Isidore whose Feast we celebrate. Siya po yung Patron ng mga magsasaka, kapistahan po ngayon ng mga nagtatanim sa bukid and let us remember them in this Mass.

Si San Isidro po, isang Espanyol, ipinanganak sa pamilyang matuwid at banal. Si San Isidro ay isang hamak na upahang magsasaka. Hindi ko makakalimutan iyung bahagi ng kanyang talambuhay na kung saan sinasabi doon bago po magsaka si San Isidro sinisigurado na siya ay pumasok ng Simabahan upang magsimba, para magdasal. Minsan daw, ginawan siya ng problema nung kanyang mga kasama, sinumbong siya sa kanilang amo dahil palaging late sa trabaho. Hindi makapaniwala yung amo ang ginawa pinagmatiyaga, inobserbahan si San Isidro, only to found out when St. Isidore is at prayer, an Angel is ploughing the field for him. Nasa Simbahan si San Isidro, nagdarasal subalit kasabay ng isang Anghel, ginagawa yung trabaho ni San Isidro.

Hindi ho bang isang biyaya kapag tayo’y pinahihirapan subalit may handang tumulong. Hindi ho bang isang biyaya na kapag tayo’y ginagawan ng problema, mayroong nagtatanggol sa atin. Naalala ko ho ang isang kuwento, minsan tuloy-tuloy ang isang pasyente sa loob ng isang clinic, pagpasok niya diretso siya sa may clinic bed at siya ho ay humiga. Nang makita siya ng doktor, nilapitan ng doktor at tinanong kung ano ang problema niya. Mabilis na nagsalita yung pasyente, sinabi ang lahat ng takot niya sa buhay, sabi niya “Doc, I am worried of COVID-19 pandemic, I am worried about our economy, I am worry about climate change.” Nagsalita nang nagsalita ang pasyente hangga’t hindi ho mapigilan ng doctor, ang sabi niya sa pasyente “tumigil ka na nga ng kakasalita, umusod ka ng konti” at sabay higa katabi ang pasyente.

Lahat tayo nahihirapan na ngayon, hindi ho natin maitatanggi. Maram ang hindi makalabas sa tindahan, pumunta ng tindahan upang bilhin ang kanilang pangangailangan. Almost 2 months na tayong nakakulong at marami pa rin ho ang hindi komportable at nasasaktan sa tinatawag nating “social distancing”. Sabi ho sa balita, many areas of our nation, sila ho ay maipapasailalim sa programa ng gobeyerno from enhaced community quaraintine to general community quarantine, marami ho ang maglalabasan, marami po ang magbubukasan kaya’t hindi ho maitatanggi ng marami mas peligroso, mas delikado, kailangan ng mahigpit na pag-iingat. Tanong ho ng mga pilosopo “from ECQ to GCQ, what would be the next Q?” sa seryosong pananaw, marami ang nagtatanong “what would happen next?” ano ang mangyayari sa mga sumusunod na araw.

Mga kapatid, sa buhay hindi lahat ng pagkakataon kailangan nating maintindihan ang anumang nangyayari sa ating buhay. Often times in life, we do not need to understand what is going on in us. Ang gusto lang natin may kasama, gusto lang natin may nakikinig sa atin, gusto lang natin may katabi, gusto lang natin kapag tayo nagkukuwento nakakarinig tayo ng buntong-hininga tila bagang ito’y kasagutan sa ating pag-iyak, gusto lang natin someone is ready to go down with us, someone is willing to take the last plunge with us.

Napakaganda po ng sinasabi ng ating Ebanghelyo, there can never be greater love for one’s friends than to follow the footsteps of Jesus even to the point of dying. Ano ang sabi ni Kristo “ito ang aking utos, magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal.” Kapag utos ang pinag-uusapan, sabi nga, walang tanong-tanong kung gusto natin o hindi. Kapag utos ang pinag-uusapan, there must be a right away absolute response. Kapag utos ang pinag-uusapan, no question, no option even. Natatandaan ko nung ako’y bata pa kapag inutusan ako ng Nanay “bili ka ng Bagoong” bagamat masama sa aking loob, hindi po akong nagsasabing “Nay, pwede bang mantika na lang?” at alam ko, alam ng nanay ko ako’y napipilitan pero pinagsusumikapan na ako’y utusan for one thing, just like Jesus, ang utos niya ay isang udyok para sa ating lahat to take the initial step to something God will cause to take route within us as we obey. Alam ko na kahit ako’y napipilitang sumunod s autos, ito’y para sa ikabubuti hindi lamang para ng aking sarili kundi para sa lahat.

At si Hesus ay nagsasabi sa atin ng isang utos hindi para lamang tayo’y utusan, sa katunayan bago siya nag-utos sa kanyang mga disipulo ito’y bagay na kanyang pinangatawan, ito’y bagay na kanyang pinangatawanan; before commanding his disciples, Jesus exemplified this law, this love.

My dear friends, panawagan ng ating Ebanghelyo to care for others, the sad thing is sana noon pa natin ginagawa bilang simbahan, bilang pamilya ng Diyos alam natin what affects one, affects all. At ito’y isang paganyak para sa aitng lahat hindi lang simpleng utos ang sinusunod natin, sinusunod natin ang buhay at yapak ni Kristo. Sabi ni Kristo “ang sinumang sumusunod sa aking mga utos, minamahal ko.”

Si Maria, the very first time when the Angel appeared to her at ang sabi ng Anghel Gabriel “Hail, favoured one of Israel, the Lord is with you.” (Lk 1, 28) Sa una hindi katanggap-tanggap kay Maria, she was puzzled, she was worried, she was afraid. Marahil sa loob-looban sabi ni Maria “I am engaged but I am not married. I do not have [a] husband.” That pregnancy is subject for death punishment, kung ako’y mabubuntis sa ganoong kaparaanan, iyon ay kaparusahan, kamatayan. Kitang-kita ng Anghel Gabriell ang takot ni Maria, kaya’t ang sabi ng Anghel Gabriel “Mary do not be afraid.” The very nature of fear is to be afraid of the future. Ano ang mangyayari? ano ang magaganap? paano na tayo? But in the end, Mary believed and she obeyed. Ang sabi niya sa Anghel Gabriel “Let it be to me according to your word. May it be done unto me according to your word. Do whatever you wanted to do with my body. Do whatever you wanted to do with my life.” (cf. Lk 1, 38) Binigay lahat ni Maria.

Sa ating paglalakabay-pananampalataya, malaking hamon po sa kapanahunan natin ngayon ang magkaloob ng sarili, ang tulungan ang ating kapwa, ang tabihin at samahan lalo’t higit yung mga nahihirapan at isang direksyon ang binibigay sa atin ng Ebanghelyo, let us love like Jesus and let us love Jesus, the way Mary loves Jesus. The only person who loved Jesus before his birth is nothing else but Mary.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s