Misa de Gracia of Epiphany of Our Lord Parish
Lingayen, Pangasinan
Homily by Fr. Eric Maria Ho, MMHC
Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
13 May 2020
[video]
Magandang Umaga po sa inyong lahat.
Today is a very special day not just for us here celebrating Mass but today is special for the whole town of Lingayen because today is the “Misa de Gracia” of Lingayen here in Manaoag Parish and sa mga taga-Lingayen na hindi po maka-attend physically dio po sa ating celebration of the Mass here in Manaoag, be assured of our prayers for you that all your prayers are accompanied in our celebration of today. Kasama po lahat ang inyong mga intensyon, ang inyong mga panalangin sa Misang ito. And we would like to remind you na mga taga-Lingayen na pagkatapos po ng Misang ito, alam ng Mahal na Ina na hindi po tayo makakapunta lahat dito sa Manaoag kaya naman mismong ang Birhen ng Manaoag ang siyang pupunta po sa bayan ng Lingayen. That is why if you had the time later after the Mass, you could welcome the Blessed Virgin Mary, the Lady of Manaoag mamaya pong tanghali, pagkatapos ng Misa.
Today is the very special day also not just for the Church in the Philippines but for the whole world because ngayong araw po na ito ay ipinagdiriwang natin ang anniversary ng Our Lady of Fatima. 103 years ago, nagpakita po ang Mahal na Ina sa tatlong batang pastol sa Fatima, Portugal and what was the message of the Blessed Virgin Mary during that time, 103 years ago sa tatlong mensahe lamang po ang sinabi ng Mahal na Ina at ang sinabi niya “You pray, you offer your penance, you offer your sacrifices and you convert for the salvation of souls. You pray, you offer your penances and have the conversion of heart for the salvation of souls.” Napakatiming po ng Apparition ng Mahal na Ina during that time because it was the time of the First World War, magulong-magulo ang mundo dahil sa giyera, maraming namamatay at nandoon si Maria, pinadala ng Diyos upang magbigay ng liwanag, upang magbigay ng pag-asa para sa mga taong nahihirapan.
Our world of today is facing a lot of tribulations and sufferings because of the virus outbreak, at hindi man magpakita ang Mahal na Ina ngayong panahon na ito ng virus, but I believe the presence of the Blessed Mother Mary is here right now today. At naisip ko po sa aking panalangin “ano kaya ang ginagawa ng Mahal na Ina ngayong panahon ng krisis sa buong mundo? Ano kayang ginagawa niya?” and I believe the answer can be found in our gospel of today at nalaman natin sa ating pagbasa that during the Crucifixion and death of Jesus, “the Mother of Jesus was there.” Mary standing at the foot of the Cross at marahil ito ang ginagawa ng Mahal na Ina sa atin ngayon, she is standing with us and standing, yung pagtayo ng Mahal na Ina it symbolizes what? it symbolizes courage for all of us, hindi ibig sabihin ng malakas yung loob ng Mahal na Ina pero ito yung lakas na binibigay ng Diyos sa nagmamahal at nananampalataya sa kanya. And Mary is standing with us, why? because she knows na tayo, mahina tayo bilang mga tao dahil sa outbreak na ito, minsan mapapaluhod tayo sa kahirapan, napapalugmok tayo sa lupa dahil sa mga pangyayari ng ating buhay but Mary remains standing for us, she remains courageous, she remains strong for us.
That is why my dear brothers and sisters, if we find ourselves weak, kapag nakita po natin ang ating mga sarili na hindi na makaya ang ating sitwasyon lalong lalo na sa pangyayari sa ating mundo ngayon, let us look on the Cross and let us heed our Blessed Mother standing for us, holding our hands and being firm and having this faith at gustong sabihin sa atin wala tayong dapat ipag-alala dahil kasama natin ang Mahal na Ina na malakas ang loob, na tumitingin mismo sa apghihirap ng krus. In the face of the sufferings, in the face of all the pains and tribulations, Mary remains strong for us.
At napapatanong din tayo “ano kayang sinasabi ng Mahal na Ina sa panahon na ito ng krisis?” alam na natin ang kanyang ginagawa, she stands for us pero ano ang sinasabi ng Mahal na Ina sa panahong ito? let us go back to our Gospel of today, ano ba ang sinabi ng Mahal na Ina sa ating Gospel? Wala. She was silent, the Bible was silent for the words of Mama Mary at kadalasan yung pagmamahal, yung tunay na apgmamahal ay hindi nasasabi ng bibig, ng mga salita pero nasasabi ito ng katahimikan ng puso. Di ba naexperience niyo po ba yung kaharap mo yung mahal mo hindi naman kayo nagsasalita pero naktitig kayo sa isa’t isa, nagtitinginan lang kayo. Sapat na yung tinginan, sapat na yung katahimikan para maiparamdam mo sa kanya ang iyong tunay na pagmamahal. And that is what happens today, Mary remains silent not because wala siyang pakialam sa atin but she remains silent for us to show what prayer really is, kung ano talaga yung tunay na panalangin kasi kapag nagdarasal tayo akala natin kapag nagdasal kailangan magsalita, kailangan humingi ng tawad, kailangan humingi ng bagay mula sa Diyos pero nakakalimutan natin that the best prayer of all is silence and when we are silent, we are listening to the words of the Lord. Ang panalangin ay pakikinig sa Diyos. Kapag ang puso nangusap sa puso, kapag ang kaluluwa nangusap sa kapwa kaluluwa, kapag ang buong pagkatao, ang katahimikan ng ating pagkatao ay nangusap sa pagkatao at pagka-Diyos ni Hesus, iyon ang pinaka the best na panalangin sa lahat. Mary remains standing for us and Mary remains silent in prayer for us.
And the third thing that Mary does for us today is she surrenders herself to the Lord. Nung habang unti-unting namamatay ang kanyang Anak sa Krus, she surrenders her will to the Lord. Marahil hindi niya gusto yung pangyayari kay Hesus pero hinayaan niya ito because she surrenders her own will, yung kanyang sariling gusto sa kagustuhan ng Diyos. Hindi ba pagka surrender, ang ating position is like this [raises hands] when we surrender, we do like this so that people could see na wala tayong hawak, that we are letting go of something and when we pray during the Mass, we also do this [raises hands] as a sign of surrendering our own selves to the Lord, and what is surrendering to the Lord? Surrendering is letting go of all the things that we hold in our lives. Marahil ngayong krisis na ito, marami tayong pinanghahawakan at ang gustong ituro sa atin ng Mahal na Ina at ng Diyos ay bumitaw sa mga bagay na hindi natin talaga kailangan, ngunit ang matira sa ating buhay ay yung ating relasyon sa isa’t isa lalong-lalo na sa ating mga mahal sa buhay, sa ating pamilya sa bahay lalong-lalo na yung mga bagay na ating pinanghahawakan kasama ang Diyos.
My dear brothers and sisters, today is a day of teaching for us from the Blessed Mother Mary at tinuturuan tayo ng Mahal na Ina to stand with her, to be strong and courageous in the face of all trials and pains, to be silent in prayer, to listen really to what God is speaking to us and she tells us to surrender our own selves, do not go of the things of this world so that God will be all in us at matanggap muli natin ang Diyos ng buong-buo sa ating buhay. We pray for this grace today.