Holy Mass at the Basilica of Our Lady of Manaoag – 11 May 2020

bandicam 2020-05-12 00-10-50-551

Holy Mass on the Fifth Monday of Easter

Homily by Fr. Jeremias B. Cera
San Roque Chaplaincy, Binmaley, Pangasinan

Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
11 May 2020
[video]

Maraming beses na natin napakinggan ang tungkol sa walang kondisyong pagmamahal ng ating Panginoon sa atin. Sa kabila ng lahat, maging sinuman tayo, saan man tayo naroon at anuman ang ating mga nagawang kasalanan sa kabila ng lahat, tinatanggap at minamahal pa rin tayo ng Diyos.

Subalit kung pagninilayan natin ang ating Ebanghelyo ngayon, hindi madaling iexplain ang realidad tungkol sa walang kondisyong pagmamahal ng Diyos. Napakinggan na nga natin si Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon na sinabi niyang yung totoong nagmamahal sa Diyos ay tinatanggap, ginagawa at isinasabuhay ang kanyang mga utos at ang tumutupad sa kanyang mga utos ang makakatanggap ng biyaya sa kanya at sa kanyang Ama. “Whoever has my commandments and observes them is the one who loves me. Whoever loves me will be loved by my Father, and I will love him and reveal myself to him.” (Jn 14, 21).

At sinabi nga rin niya “Kaibigan ko rin kayo, you are my friends if you do what I command you.” (Jn 15, 14) Ang prueba na ating maipakita na minamahal natin ang Diyos ay ang pagsunod sa kanyang commandments. At ano ba ang summary ng kanyang commandment “Love God above all, love our neighbours as ourselves” (cf. Mk 12, 30-31) mahalin natin ang Diyos ng higit sa lahat at mahalin natin ang ating kapwa gaya nang pagmamahal natin sa ating mga sarili. At kung minamahal natin ang Diyos, hindi tayo gagawa ng anumang bagay na sa tingin natin ay ikakalungkot niya at ang kinakalungkot ng ating Panginoon ay yung magkasala tayo, yung suwayin ang kanyang mga utos. At kung tunay nating minamahal ang ating mga kapwa, ang lahat dapat ng ginagawa natin ay para sa kabutihan ng lahat. Everything that we do should always be for the common good, hindi lang para sa ating mga sarili pero para sa kabutihan ng lahat. Kapag nagawa natin ang mga ito, ang biyaya ng langit ay mapapasaatin.

Huwag po tayong magalala dahil nandiyan naman, sabi ng Panginoon, nandiyan ang kanyang Advocate. Nandiyan ang Holy Spirit, nandiyan ang Espiritu Santo para gabayan tayo sa ating gagawin. The Holy Spirit will teach us the ways of loving God and loving our neighbour and by keeping his commandments, by keeping into mind the guidance of the Holy Spirit, the Advocate, we will know God better, we will love him more and we can serve God more faithfully. At kapag nagawa natin ang lahat ng ito, pagdating ng panahon, kung tayo’y makikipagharapan sa kanya, tiyak na sasabihin sa atin ng Panginoon “well done, good and faithful servant” (Mt 25, 23).

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s