Holy Mass on the 5th Sunday of Easter (Year A)
Homily of Fr. Howard John P. Tarrayo,
Member, Team Ministry, Diocese of Malolos
MALOLOS CATHEDRAL, Malolos, Bulacan
10 May 2020
(video)
Good Morning my dear brothers and sisters. Happy Mother’s Day po sa mga nanay na nandidito at sa mga “feeling nanay” na nandidito, Happy Mother’s Day po sa inyo. At sa mga nanay na hindi pinagkalooban ng anak upang tawagin silang Nanay, happy Mother’s Day po.
Today we celebrate the Fifth Sunday of Easter, the focal point of this celebration is all about the active faith in Christian life. Mga kapatid, kung atin pong babalikan yung Unang pagbasa sa Acts of the Apostles, nagkakagulo po yung mga Christian community, nagkakagulo sila kasi “papaano kami pamumunuan ng mga misyonerong ito? ng mga Apostol na ito? Paano sila mamumuno sa amin, hindi naming sila kababayan?” kaya mga kapatid, ang mga Apsotol ay humirang ng pitong Diyakono, iisa-isahin pa ba natin yung Pitong Diyakono na iyon; si Esteban, si Nicanor, si Parmenas, sino pa ba? Si Timon, at iba pa.
Mga kapatid humirang sila ng pitong Diyakono upang pamunuan ang early Christian community, bakit? Kasi po sila nung panahoong iyon na nagkakagulo, hindi nila malaman kung sino ang susundan, meron pong pagkakataon na ang Simbahan ay baka mabuwag, kasi bakit? Sa pagkakagulo nila, magkakawatak-watak ang Simabahan. This unity is always a threat to the Church, kaya nga di ba, ano ang pinagmumulan ng Kapayapaan sa Simbahan? ang pagkakaisa ng mga naglilingkod. Kapagka tayo na naglilingkod sa Simbahan o kayong mga nakaupo diyan o nagsisimba o kayong mga nagsisimba sa loob ng inyong tahanan ay walang pagkakaisa, walang pagkakaintindihan, ang Simbahan po natin ay lalong masisira. Kaya nga ba ano ang ninanais ng mga Apostol sa unang pagbasang ito, let us go back to Jesus. Sila po yung, siguro ten years ago, twenty years ago lang yung Resurrection event, very fresh po ang Simbahan na iyon at maaring masira. Pero pinapaalala sa atin ngayong Linggon ito na huwag tayong hindi magkaisa, huwag tayong magkanya-kanya dahil sa pagkakanya-kanya pumapasok ang diyablo at kapag pumasok ang diyablo sa Simbahan, magkakaroon ng hindi pagkakaugnayan at makalilimutan natin ang totoong dahilan ng ating Pananampalataya at ito’y walang iba kundi ang ating Panginoong Hesuskristo. This Easter celebration will always be a reminder of our roots, our roots of faith. Kaya nga tayo nagdiriwang ng Muling Pagkabuhay, walang simbahan kung walang pagkabuhay, walang simbahan kung si Hesukristo ay hindi totoong nabuhay, walang simbahang kinikilingan tayo ngayon, dalawang libong taon na ang nakakaraan kung tayo’y hindi nanalig sa Panginoong Hesukristong muling nabuhay.
Kaya mga kapatid, sa ikalawang pagbasa, sabi ni San Pedro “We are all living stones if we come to Jesus, our cornerstone.” (cf. 1 Pt 2, 4-5) Kung tayo ay batong buhay na tanda ng pananampalataya, wala nang mangtsi-tsimis. Kung tayo’y totoong buhay ng pananampalataya, wala nang magsisiraan, wala nang maghuhuthutan, wala nang magnanakawan, lahat magbibigayan katulad po ng nangyayari ngayon sa atin pong society. Ang daming nag-aaway-away tungkol sa relief goods, ang daming so feeling entitled to have that kind of ID of frontliner, hindi naman frontliner. Ang daming mga bagay na kinukuha ang mga tao upang makalamang sa ibang tao at hindi iyan ang larawan ng Panginoong Muling Nabuhay at iyan ang mga larawan ng mga taong malayo sa Diyos. Kapag puro kagahaman ang ginagawa natin, ang daming nagugutom, ang daming nagkakasakit pero ano ang ginagawa ng iba, nag-aaway pa, pinagmumulan pa ng kaguluhan imbes na umisip ng kaligtasan ng karamihan. Puro personal na interes ang iniisip. Mga kapatid, we are all living stones of this Church at tayong lahat ay batong buhay na patotoo, ang pananampalataya natin ay hindi inutil. Ang pananampalataya natin ay galing sa Panginoong Hesukristong muling nabuhay.
That’s why my dear brothers and sisters, sa atin pong Mabuting Balita, sa Ebanghelyo ni San Juan kung nakapagsimba kayo o nabasa niyo yung Ebanghelyo ngayong araw na ito, saan Ebanghelyo natin siya ginagamit? Hindi ba kapag sa patay? “Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid” (Jn 14, 1-2) pero hindi po yung pangpatay ang pinupunto ng ating Panginoong Hesukristo dito. Our Lord Jesus Christ gave us an assurance sa Kaharian ng Diyos if you remain in him, kapag kayo ay mayroong active Faith in Jesus Christ. Yun ding mga Disipulo ng ating Panginoon ay naguluhan katulad ng mga tao noong early Christian time, naguluhan sila kasi nawalan sila ng pinuno o sabihin nating mamamatay na si Hesus, nagpapaalam na si Hesus, alam na nila yung mangyayari sa kanilang Panginoong sinusundan. Bago mangyari ang lahat ng iyon, ano ang binigay ni Hesus sa kanila, sa kanyang mga taga-sunod? Jesus gave them an assurance of courage “if you remain in me” (Jn 15, 7). Kaya nga isang malaking katanungan sabi ni Felipe “Panginoon, ipakita mo po sa amin ang Ama, ito po’y sapat na.” Ano ang sabi ni Hesus “hindi mo pa ba ako nakakasama, Felipe?” (Jn 14, 8-9). Sapagkat si Hesus na nagsasalita sa kanila, na nakikita natin ay larawan din ng Diyos Ama. “No one comes to the Father except through me” (Jn 14, 6) through Jesus Christ.
Kaya po mga kapatid, tayo din mayroong malaking hamon bilang mga Kristiyano, bilang mga Katoliko, tayo ay larawan ni Hesus sa ating kapwa, larawan ng Kristong muling nabuhay upang yung mga tao ay kumapit sa kanilang pananampalataya, hindi yung nagbibigay ka ng lason upang yung kapwa mo mamatayan ng paniniwala at pananampalataya. Binibigyan mo ng lason dahil pinagbabawalan mo pero sa kaloob-looban mo ika’y bulok!
Mga kapatid, kung tayo ay mayroong pananampalataya at sampalataya sa Panginoong Muling Nabuhay, walang taong may bulok na kalooban, walang taong hindi mananalig sa Diyos, walang taong hindi kakapit sa ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga diba ano yung sinabi ni Hesus “do not let your hearts be troubled” because he is with the Father and the Father is in him and the Lord is with us.
My dear brothers and sisters, this is our faith and Easter time reminds us that we need to cling to our faith. Not to cling only but to hold on to our faith at ganyan ang ginagawa ng mga nanay natin. Di ba nanay natin ang nagturo ng unang pananampalataya; magdasal, magsimba, magpakabait. Gusto ng mga nanay natin maging maayos tayo, doon tayo sa tuwid na landas.
Kaya nga di ba, ano ang mga sinabi ng mga Hudyo “if you really want to feel the presence of God” ito po yung sa pagmamahal ng mga Nanay, mga Nanay na gustong dalhin tayo sa tamang landas, mga Ina na gusto palaging kumapit tayo sa Panginoon at huwag mabalisa’t mabagabag, mga Nanay na nariyan upang isipin ang kapakanan ng kanilang mga anak. Ang Diyos kahit siya’y Ama natin, iniisip ang kapakanan natin tulad ng isang Nanay; mapagkalinga, walang kinikilingan, patas ang pag-ibig sa lahat at ganyan si Hesukristong Muling Nabuhay para sa atin; patas dahil gusto ka niyang iligtas, mahigpit dahil gusto ka niyang ituwid, mapagindapat dahil ika’y karapat-dapat kahit ika’y makasalanang nilalang, ika’y nilikha pa rin niya.
Kaya po sa pagpapatuloy ng ating pagdiriwang, sa pagtanggap natin sa Banal na Eukaristiya, ang Panginoong muling nabuhay ay magpaalala sa atin na kumapit tayo sa ating pananampalataya. Ang Panginoong muling nabuhay ay parang Inang nagpapaalala sa atin na lakarin ang tuwid na landas na ito at huwag malayo sa kanya.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.