Eighth Day Novena to Our Lady of Manaoag – 27 April 2020

bandicam 2020-04-28 01-30-16-209

Holy Mass on the Eighth Day
of the Novena in Honor
of Our Lady of Manaoag

Homily by Rev. Fr. Anthony A. Eudela, OP

Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
27 April 2020
[video]

Muli ay isang magandang araw sa inyong lahat. At tayo ay nasa ikawalong araw na ng ating pagnonobena bilang paghahanda sa ating Kapistahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo ng Manaoag at nakalimutan ko na rin bilangin kung pang-ilan na araw tayong naka-quarantine pero malamang mahigit isang buwan na. at kung babalikan natin, mula noong unang araw na iyon at tatanungin natin ang ating mga sarili “nasaan ba tayo?” bago idiklera ang quarantine, ano ba ang iniisip natin, ano ba ang laman ng ating mga puso, ano bang mga plano natin sa buhay.

At sa isang iglap, nagbago ang lahat, marami ang hindi natuloy, may mga planong naudlot, may mga bakasyon na hindi na pwede ituloy, ang mga estudante na sana’y gagraduate ay hindi natuloy ang kanilang exercise; yung pag-akyat sa stage, pagsuot ng toga at pagtanggap ng Diploma., itong mga mahahalagang okasyon sa buhay natin o sa buhay ng bawat estudiyante. Mga okasyon na mahalaga, na dapat ay naroon tayo subalit ay hindi maaari sapagkat tayo ay nasa gitna ng isang sitwasyon; ng nagpapakasal noong nakaraan buwan, ilang buwan din ang pinaghandaan at pinlano subalit ay sa ngayon ay hindi muna, mauudlot muna ang lahat, mga ticket na matagal nating binili dapat nasa Japan tayo sa mga sandaling ito, mag-eenjoy ng Sakura o sa Korea o sa Disneyland o kaya dito lang sa Pilipinas sa iba’t-bang lugar sa Pilipinas; sa Baguio, sa Tagaytay kung saan malamig sapagkat napakainit nitong mga nakaraang araw. Mga plano na hindi natuloy. At mga okasyon na mahalaga sa ating buhay na minsan ay mag-sa na lang tayo o mag-isa nating pinaghahandaan o pinaghanda o pinagdiriwang at pinasasalamatan sa Diyos.

Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Mabuti pa ang mga halaman malaya pa rin sa kanilang paglago, sa kanilang pakikisayaw sa hangin. Mabuti pa ang mga ibon at Malaya pa ring nakakalipad. Meron akong natanggap na litrato sa aking Facebook page, finorward sa akin, mga baboy na parang nagkakantahan at nagtatawanan, nakalagay yung caption “sila’y masayang masaya sapagkat maraming handaan at maraming pista ang hindi matutuloy at hindi natuloy at hahaba pa ang kanilang buhay.” Subalit ang katotohanan sa pagbaligtad ng mga bagay-bagay, ang mga ibong malayang nakakalipad, nararamdaman natin na biglang tayo naman ang nakakulong sa hawla, limitado ang ating mga galaw. Iniisip natin minsan para tayong nananaginip, panaginip lang ba ang mga ito sapagkat araw-araw gumigising tayo, araw-araw nasusubaybayan natin ang mga pangyayari sa buhay natin. Kung hindi man ito isang masamang panaginip, tayo’y nagtataka ano ba ang kahihinantnan nito, saan ba tayo bago tayo ay pinatahimik sa ating mga tahanan. Saan tayo ngayon? Sino ba ang ating mga kasama? Ano ba ang mga gusto natin? Ano ba ang mga hindi natuloy? Ano ang mga natutunan natin? Saan, saan tayo pupunta pagkatapos nito o matatapos nga ba ito? Kailan, kailan matatapos ang lahat ng ito? Kung ito’y panaginip, kailan tayo magigising?

Ang Ebanghelyong binasa natin ngayon ay tungkol sa panaginip, panaginip ng isang matandang lalaki na umaasa sa kanyang buhay ay magkakaroon ng kapanatagan o grasya ang kanyang buhay sapagkat siya’y nakatakdang makipag isang-dibdib o maipakasak sa isang napakabatang dalaga na ang pangalan ay Maria. Si Maria’y nawala ng ilang buwan, tatlong buwan pagkatapos na siya ay dinalaw ng Anghel at sinabi ng Anghel sa kanya ang plano ng Diyos. Kinabukasan, nagmamadali si Maria at umalis, marahil ay hindi na nagpaalam dito kay Jose, isang matandagn umaasa at nananabik sa araw ng kanilang kasal. At tatlong buwan siya nawala, it was a very long, physical distance between Mary and Joseph. And then Mary came back to Nazareth and maiimagine natin kung gaano kasaya si Jose na ang kanyang pinakatatangi at pinakamamahal ay nagbalik na! subalit sa kanyang pagkagulat pagbalik ni Maria, iba na ang kanyang itsura; siya ay nagdadalang tao, tatlong buwang nagdadalang tao. Marahil ay napansin din ito ng marami sa kanila, sa kanilang lipunan, sa kanilang mga kapitbahay. At siyempre si Jose ang unang nakapansin nito.

Hindi nagging madali para kay Jose na tanggapin at harapin ang katotohanang ito, marahil ay kinausap niya si Maria. At si Maria naman ay nagpaliwanag, lahat-lahat ay pinaliwanag ni Maria mula sa padalaw ng Anghel na sinasabi na siya ay inaanyayahan ng Diyos at siya’y magiging Ina ng Anak ng Diyos, siya ang magluluwal sa Mesiyas na magliligtas sa mundo at ang sabi ng Anghel na walang imposible sa Diyos. At ang kanyang dinadala sa sinapupunan ay ipinaglihi sa Banal na Espiritu at siya ay nanatiling Birhen. At siya ay dumalaw kay Isabel, sa kanyang pinsan spagkat ganon din ang sinabi ng Anghel “doon ako galing sa aking pinsan sapagkat ang sabi ng ANghel siya’y nagdadalang-tao rin, siya na matanda na, na kinikilalang baog ay toto nga, nagdadalng tao at nanganak.” Kaya si Maria’y nanatili kay Isabel nung siya’y manganak at ito ang kanyang paliwanag sa kanyang kabiyak na si Jose.

Hindi madali, sa katotohanan hindi tinaggap ni Jose ang mga paliwanag na ito. Sabi niya “hindi pa ako nawawala sap ag-iisip, hindi pa ako nawawala sa katinuan, hindi ako maniniwala na ikaw ay nagdadalang tao at nanatiling birhen at ang iyong dinadala ay ang Anak ng DIyos.” Mahal na mahal ni Jose si Maria at sa kanyang pag-uwi sa kanyang bahay, siya’y nag-isip, malalim na pag-iisip, marami marahil ang pumasok sa kanyang isip “anong gagawin ko?” at napagtanto niya sa kanyang kaiisip, napagdesisyonan niya, hihiwalayin ko na lang siya. Subalit naisip niya, “kapag hiniwalayan ko siya o kaya pagka ibinunyag ko ang kanyang katayuan, pwede siyang mamatay sapagkat laban sa batas o labag sa batas na isang babaeng makiapid, na isang babaeng nakiapid, na isang babaeng nagdadalang-tao na walang asawa, maari siyang batuhin ng mga kalalakihan hanggang siya ay mamatay. Pwedeng ako pa ang bumato sa kanya at magdala sa kanya sa kanyang kamatayan.” Hindi alam ni Jose ang kanyang gagawin kaya sabi niya, sapagkat siya ay mabutin, mabuting tao, quietly he decided to divorce the Blessed Virgin Mary, the young maiden.

At sa kanyang kaiisip ay marahil nakatulugan niya, at sa kanyang pagtulog, napakaiksi marahil, sa maiksing panahon ay dumating ang Anghel “Jose, papaya ka ba na ang iyong pinakamamahal ay mamatay at baabtuhin ng maraming tao? Tanggapin mo si Maria” At katulad ng sinabi ng Anghel kay Maria na ang kanyang dinadala ay ang Mesiyas, iluluwal ni Maria ang Anak ng Diyos, ang tagapagligtas ng mundo. At hindi lamang ipinaalam at ipinabatid kay Jose ang katayuan ni Maria, binigyan pa siya ng responsibilidad “Tanggapin mo si Maria bilang iyong asawa at maging tatay ka ng kanyang Anak. Ikaw ang magbibigay ng pangalan sa kanyang anak at ang kanyang pangalan ay Hesus sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayam.”

At sa maiksing pagidlip na iyon, sa maiksing panaginip nagging maliwanag ang alhat at si Jose ay bumangon, kinuha si Maria at tinaggap bilang kanyang kabiyak at ipinaghanda o hinanda ang kanilang mga sarili sa pagdating ng Anak ng Diyos.

Marahil ay ganito rin ang ating pakiramdam sa mga sandaling ito, nalilito, ano nga ba pagkabangon ko sa panaginip na ito, ano ang mangyayari. Parang panaginip ang bawat araw, nakikita ko ang mga pangyayari at bawat eksena subalit limitado ang aking mga galaw, wala akong msgagawa, kalian ako babangon? At ito ang hamon sa ating lahat, sa mahabang panaginip na ito malamang ay nadalaw na rin tayo ng Diyos.

Ipinaliwang na ng Diyos sa ating mga puso ang dahilan at ang magandang dahilan kung bakit may mga bagay na nangyayari sa ganito, bakit may mga massamang bagay na nangyayari sa mundo. Marahil pagdating ng araw kung kalian tayo’y babangon na mula sa panaginip na ito katulad ni Jose, tanggapin natin si Maria at kasama si Maria, ihanda na rin natin ang ating mga sarili na may panibagong lakas at mas matinding pananampalataya at tiwala sa Dyos. Ipaghanda at paghandaan nating muli ang pagdating ng Diyos sa ating buhay.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s