Holy Mass on the Seventh Day
of the Novena in Honor
of Our Lady of Manaoag
Homily by Rev. Fr. Allan V. Lopez, OP
Minor Basilica of Our Lady of Manaoag,
Manaoag, Pangasinan
26 April 2020
[video]
Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, makahulugan po ang ating buhay kung ito po ay nakaugat sa ating Panginoong Hesus. Kahapon po, sinundo ako ng isa sa aking mga Parishoner para bigyan ng Anointing, Anointing of the Sick yung kanyang Lola sa isang barrio, sumama naman ako. Pagkatapos ma-anoint sa Barrio na iyon, paglabas ko ng bahay, napansin ko na maraming saranggola ang nandoron sa ulap, lumiplipad, hindi ko alam kung sino yung nagpapalipad pero kitang-kita ko po yung gma saranggola, parang buong siglang lumilipad sa langit. At ako po’y napaisip na “ang sarap tignan” ang sarap sa kalooban na Makita na ang mga saranggola parang malayang lumilipad sa langit.
Naalala ko po yung aking kabataan na nagpapalipad din ako ng saranggola at pumasok po sa aking isipan ang isang pagmumuni na marahil ang buhay natin pwede nating sabihin ay katulad din po sa saranggola, itoý nananatiling masaya sa itaas, Malaya, lumiliapd, kita ang lahat, hindi nalalagwa, hindi napuputol o nahuhulog hangga’t nakakabit, nakatili doon sa gumawa sa kanya. Pero sa oras na maputol ang tali, maalis yung koneksyon doon sa gumawa sa kanya, malalagwa po yung saranggola at mawawalan ng direksyon, hindi mo alam kung saan pupulutin ang saranggolang ito.
Sa buhay natin ay maaaring ganon din at naiisip ko po na ang karanasan ng mga Alagad maaring parang nalagwang saranggola. Katulad ng dalawang Alagad na pauwi na sa Emaus, ang sabi they were downcast, siguro may pagsakang ang balikat, nakayuko, wala nang pag-asa, suko na sapagkat ang sabi nila “yung aming inaasahan na magliligtas sa Israel, si Hesus, ay namatay.” Hindi pa po nila alam na muling nabuhay ang ating Panginoong Hesukristo at silaý nawalan ng pag-asa sapagkat marahil lahat-lahat ng nasa kanila ay itinaya nila sa ating Panginoong Hesukristo; ang kanilang kabuhayan, ang kanilang buhay binigay nila sa Panginoon para sumunod pagkatapos ay mamamatay lamang. Wala na silang pag-asa, para silang saranggolang nalagwa, naputol ank koneksyon sa kanilang Panginoon. Pero bigla pong dumating si Hesus at sumabay sa kanilang paglalakad, nagkaroon sila ng mahabang usapan at sinabi nila sa bandang huli “hindi ba’t ang ating mga puso’y nag-aalab habang kinakausap tayo ni Hesus? hindi ba’t habang pinapaliwanag niya ang Salita ang ating pusoý mainit, buhay na buhay.” Yun po ang naramdaman nila.
Noong muling samahan sila ng ating Panginoong Hesus sa kanilang paglalakbay nanumbalik ang sigla sa kanilang buhay, di lang po iyon pinaliwanag ng ating Panginoong Hesuskristo ang kahulugan ng hula ng mga Propeta kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Kaya ang kanilang buhay kung dating wala nang kahulugang, wala na pong pag-asa ngayon nagging makahulugang muli. Ang nalagwang saranggola parang tinalian muli upang sa ganoon ay makalipad, sila poý punong-puno ng galak at sila’y bumalik muli sa Herusalem.
Sa buhay po natin dumadaan tayo sa iba’t ibang pagsubok. Habang tayo’y nakatali, nakaugat sa ating Panginoong Hesuskristo, gaano mang kalaking pagsubok ito makikita pa rin natin ang kahuligan ng buhay. Sa ating panahon ngayon paano natin makikita si Hesus na nasa piling pa rin natin, sinasamahan po tayo sa ating paglalakbay, katulad nung dati nakilala ng dalawang alagad si Hesus sa pamamagitan ng pagpirapiraso ng Tinapay, through the breaking of bread. Kapagkapo nakakaita ako ng gma taong nagbabahagi ng tinapay, ng relief goods, ng bigas, sardinas, noodles o kung anong bagay, nagkakaroon po ako ng galak sa Puso sapagkat para ko pong nababanagan muli, nakikita ang ating Panginoong Hesus na kasama nating naglalakbay.
Kahapon natanggap ko po yung forwaded na video ni Lito Camo, isang sikat na kompositor dito sa ating bansa. Doon sa kanyang kwento bago siya umawit, kaya siya biglang nakagawa ng awit pagkat meron pong kumatok sa kanilang bahay, di niya alam kung paano nakapasok sa kanilang subdivision pero “tao po, tao po” ang sabi ng kumakatok at humihingi ng konting limos kung ano mang sanggatang na bigas at si Lito naman ay pumasok doon sa kanyang bahay naghanap ng bigas, sardinas kung ano mang maibibigay at binigay niya doon sa namamalimos, sa taong humihingi ng tulong at siya’y nakadama ng kakaibang inspirasyon noong siya’y tumulong sa kanyang kapawa kaya siya’y sumulat kaagad ng isang awitin tungkol sa panawagan na tayo’y magbigayan. Di po ba’t iyon ay buhay na patotoo ng ating Panginoong Hesukristo.
Through the breaking of bread, kapag tayo nagbabahagi, siya’y kasama pa rin natin sa ating paglalakbay. Tayo po sa simbahan medyo mahiyain, ayaw nating binobroadcast kapag tayo ay nagbibigay pero doon sa aming Justice and Peace and care of creation na group, isa pong samaahan ng Paring Dominiko ay ineencourage kami na kung tayo’y nagbabahagi maaring ipadala sa kanila yung mga pictures, ang dahilan ay para hindi magyabang kung hindi para mainspire po yung iba na gumawa rin naman ng kabutihan sapagkat sa ating pagbabahagi, doon natin nakikilala ang ating Panginoong Hesus. Yung galak na nadama ng dalawang alagad hindi po lang macontain sa kanilang puso, patakbo silang bumalik doon sa Herusalem at ibinahagi ang Mabuting Balita na buhay ang ating Panginoon at ang sabi ng iba “kami rin ay nakita naming si Hesus” nagpatotoo rin sila. Hindi lang kayo, kami rin,
We have common experiences about Jesus, pare-pareho tayo ng karanasan na si Hesus ay buhay. Tayo rin po bilang mga Kristiyano ay mayroong pare-parehong karanasan sa ating Simbahan, sa ating Panginoong Hesukristo na pwede po nating ibahagi dito sa Manaoag, maraming common experiences isinusulat ng mga devotees na sila’y napagbigyan ng Diyos sa tulong ng Mahal na Ina sa kanilang mga kahilingan, napagaling ng kanilang karamdaman, ito po’y common experiences na ating pinapahalagahan bilang mga magkakapatid katulad ng mga magkakaibigan, magkakaibigan kayo kung pwede kayong magkwentuhan ng common experiences ninyo na ishinishare natin through common pictures pagkatapos we can say to each other “do you remember” naala-ala mo ba nung tayo’y nag-outing, nung tayo’y nag-party, nung tayo’y nag-kainan. Naala-ala mo ba nung tayo rin ay malungkot sama-sama tayong umiyak, tayo ay nagdamayan. Iyan po ang common experiences sa mga magkakaibigan. Tayo bilang mga Kristiyano mayrron tayong iisang common experience at tayong lahat po ay pinatawad ng ating Panginoong Hesus. Kaya tayo’y very grateful, nagpapasalamat sa kanya sapagkat lahat tayo kapag tayo’y lumalapit sa Panginoon, tayo’y napapatawad at kapag tayo’y pinapatawad, ibinabalik sa atin yung ating pagiging anak.
Si Pedro nagkasala sa Panginoong Hesuskristo pero sa pagtitipon ng mga Alagad, kay Pedro unang nagpakita ang ating Panginoong Hesus para siguro sabihin kay Pedor “ayan, dati downcast ka, wala ka nang pag-asa, hiyang-hiya ka sa iyong sarili ayan sa iyo ako unang nagpakita. Tinakwil mo ko pero ngayon ibabalik ko ang iyong dangal. Huwag ka nang mahiya, mahal pa rin kita” maaring ganon ang sinasabi ng ating Panginoon.
Tayo rin po patuloy na minamahal ng ating Panginoon, sikapin po natin na huwag tayong bibitiw sa kanya, nang tali ay manatiling matibay, na ang ating ugat ay patuloy na lumalim sa ating pananampalataya sa ating Panginoong Diyos.