First Day Novena to Our Lady of Manaoag – 20 April 2020

bandicam 2020-04-22 13-22-25-206

Holy Mass on the First Day of the Novena
in Honor of Our Lady of Manaoag

Homily by Rev. Fr. Estephen Mark Espinoza

Minor Basilica of Our Lady of Manaoag, Manaoag, Pangasinan
20 April 2020

Ang unang araw ng ating Novena ay ikatatlumpu’t anim na araw ng Luzon-wide enhanced community quarantine. Marami nang patakaran at alituntunin ang ibinaba ng gobyerno, ilang ayuda na ang ipinamahagi, ipinapamahagi at ipapamahagi pa. libo-libong tao na ang naaresto sa paglabag ng kung ano-anong patakaran, patong-patong na lockdown, maraming tao na ang nahawaan at namatay sa COVID-19. Ngunit sa lahat ng gma usapin, balita at patakaran ukot dito tila hindi ko pa naririnig ang salitang “konsensya.”

Halimbawa, may epidemic, makonsensya ka naman, magtatag ng travel ban, magpalaganap ng ibayong paghahanda, maglagak ng malinaw na alituntunin para sa pagpuksa nito. May ECQ, makonsensya ka naman, marami ang walang hanap-buhay at nangangailangan ng pantawid-gutom, ipamahagi ang ayuda, siguraduhin ang lahat ay naabutan. May virus, makonsensya ka naman, hindi ito nakikita ngunit lubha itong nakakahawa kaya’t magdasal, mag-disinfect, mag-mask at mag-distance. May relief at social amelioration, makonsensya ka naman, huwag kang swapang.

Natural, sa panahon ng sakuna, marapat na ang batas ang manaig para sa katahimikan at katiwasayan. Subalit ang tao ang nagpapalakad sa batas, tao rin ang sumusunod dito kung kaya’t kailangan pairalin ang konsensya.

Ano ba ang konsensya? Ito ay tinig ng Diyos sa ating isip at puso na gumagabay sa atin kung ano ang dapat gawin at dapat iwasan. Ayon sa Katesismo ng ating Simbahan ang Konsensya ay “judgemental reason” at law of the mind at sa pamamagitan ng paggamit dito, ang tao ay nagiging responsible sa kanyang kilos at desisyon. Sinasabi rin ng Katesismo na karapatan mo ang mamuhay ayon sa iyong konsensya at ito po ay napakahalaga, marapat na mahubog ang konsensya ayon sa Salita ng Diyos.

Ito nga po mismo ang tema ng usapan niña Hesus at Nicodemo sa Ebanghelyo natin ngayon. Ang sabi ni Nicodemo “Rabbi, teacher, we know that you are a teacher who has come from God.” Ang Salita ng Diyos na si Hesus ay ang ating teacher at ang Salita ng Diyos ay siyang huhubog sa ating mga konsensya na magtuturo sa atin na huwag maging swapang o sakim o malupit. Itinuturo sa aitn ni Hesus kung ano ang dpaat iwasan, fake news, panlalamang sa kapwa, paglabag sa mga batas at ordinansa at kung ano ang dapat gawin, alamin ang up to date na datos at katotohanan ukol sa virus, ECQ at iba pang mga gabay.

Sabi pa ni Nicodemo na hindi magagawa ng tao na magpakabuti at umiwas sa masama kung wala sa kanya ang Diyos. Kung makasarili ka, wala sa iyo ang Diyos. Kung corrupt ka, wala sa iyo ang Diyos. Kung swapang ka, wala sa iyo ang Diyos. Ang sagot dito ni Hesus “be born from above” hindi isang literal na kapanganakan kundi isang pagbabago kung saan inaalis ang pagkamakasarili at ipinapalit at inilalapat ang Salita ng Diyos sa ating gma isip at puso sapagkat ang taong makasarili ay makamundo samantala ang ipinanganak o hinubog sa Espiritu ay Espiritu o kaisa ng Diyos. Amen.

Mga kaibigan, ang tawag sa atin ng Inang Birhen s apanahon ng pandemic ay tinig at wika ng Diyos. Mamuhay ayon sa iyong konsensya hindi lamang ngayon kundi panghabangbuhay. Wala ka mang nakikitang grasyang galing sa mundo ngayon ngunit kung mamumuhay ka sa gabay ng Salita ng Diyos, ang pagtitiyak ni Hesus ay makikita mo ang kanyang grasya magpasawalang hanggan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s