Holy Mass for the Palm Sunday of the Passion of the Lord
Homily of Bishop Dennis Villarojo, Bishop of Malolos
MALOLOS CATHEDRAL, 5 April 2020
Magandang Umaga po sa inyong lahat.
Sa araw na ito ay ginugunita natin ang matagumpay na apgpasok ng ating Panginoon sa Herusalem. Ito ring Linggong ito ay tinatawag natin na “Passion Sunday” ang simula ng mga Mahal na araw, ang ating pag-gunita ng Pagpapasakit, Pagkamatay at muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Batid natin ang nangyari noong pumasok ang ating Panginoon sa Herusalem; mga tao, daan-daang mga tao ang sumalubong sa kanya o di kaya’y kasama niya at nagbigay-pugay sa kanya “Hosanna sa Anak ni David!” ito yung titulo na ginagamit para sa Mesiyas, kaya ang mga tao ay tumingala sa kanya bilang Mesiyas. Kung ano man ang iniisip nila, ang pagkaintindi nila sa Mesiyas. Ngunit iilang araw magmula noon ay bumaligtad, noong una’y ang ating Panginoon ay kanilang tinaggap, iilang araw lang ang lumipas sila ay nagtakwil sa kanya.
Sasabihin nating “baka iba naman yung tumanggap at iba yung nagtakwil” posible iyon, posible ang mga taong tumanggap sa ating Panginoon ngunit noong panahon na siya ay dinala kay Pilato, ibang grupong mga tao, yung mga binayaran ng mga Sanhedrin ay nagtakwil sa kanya, posible po iyon. Ngunit, eh nasaan yung mga tumanggap sa kanya?
Sa panahon ng ating Panginoon ay dinakip at dinala sa harap ni Pilato, noong siya’y pinaratangan ng kamatayan, nasaan yung gma taong tumanggap sa kanya? Ibig sabihin in one way or another ay bumaligtad din. Nasaan yung sigasig na pagtanggap sa kanya? Itong pangyayaring ito ay naulit-ulit sa ating kalagayan ngayon.
Meron po kasing isang Pari na nagsabi na nagkwento sa kanyang karanasan noong nagbahagi ang Parokya ng mga tulong sa mga taong nahihirapan sa panahon ngayon, merong mga vouchers at mayroon ding mga goods distributed to the people who are suffering the most. Eh noong pumasok sila sa isang lugar, sa isang sitio, tinatanggap sila ng mga tao, masaya yung mga tao nakikita may dalang tulong. Nang malaman ng iba na hindi pala lahat makatanggap -kasi naman hindi naman kasya para sa lahat- at talagang binibigyan lang yung naghihirap, nangangailangan ng tulong, eh yung hindi nakatanggap ayun nagmumura na, nagmumura na’t minumura yung mga taong nagdidistribute. Kaybilis namang bumaligtad po.
Eh may nagsasabi “ba’t hindi lahat bibigyan?” Gobyerno man o Simbahan, ba’t hindi man lahat bibigyan? Kasi po alam naman natin, batid naman natin na hindi talaga kasya, hindi kaya na mabigyan ang lahat at kung mabigyan ang lahat, hindi araw-araw. Kaya po yoong may kaya at mayroon naman talagang may-kaya ay huwag na pong tumanggap at huwag na pong magalit kapag nalampasan kasi po ilaan na lang natin para sa mga taong talagang nangangailangan. Meron pa ngang narinig natin na “eh bakit hindi kami bibigyan?” yung mga nakatira sa medyo may-kayang bahay, “ba’t hindi man kami bibigyan eh nagbabayad naman din kami ng buwis?” kaya nga po tayo nagbabayad ng buwis dahil kung ano man ang nalikom ay ibahagi sa mga taong mas nangangailangan. Iniisip po kasi natin palagi ang sinasabi nating “Distributive Justice” iyun bang hustisya sa pamamagitan ng pagbabahagi sa lahat, which is right, iyun yung tinatawag nating “Distributive Justice.”
In terms of basic services, eh tayong lahat ay nakakatanggap, patubig, kalsada, tayong lahat ay nakakatamasa, cause that’s “Distributive Justice” nilikom para ibahagi para sa lahat. Ngunit sa panahong ito po, dapat ang umiiral din ay yung tinatawag nating “Social Justice” isang uri ng hustisya na hindi salungat sa distributive justice sapagkat kung pagbahagi lang para sa lahat ang ating pagtutuunan ng pansin, hindi kasi lahat ng kalagayan ay kapareho. Merong mga taong mas nabibigatan, eh meron namang mga taong ’okay lang’ nandiyan lang sa bahay, nagpapataba sa sarili kasi maraming pagkain.
Kaya nga po ang Social Justice is a form of redistribution, yung mayroon ay huwag munang tumanggap para ilaan natin sa talagang wala dahil sa kanilang kalagayan. Social Justice po iyon. Kasi pag iniisip natin na “nagbabayad ako ng buwis, dapat magbigyan rin ako” eh hindi na iyan maayos na pag-iisip kasi po kung ang buwis ay nagbabayad ka para kainin mo lang, para angkinin mo lang ay huwag na po kayong magbabayad ng buwis kainin na lang po ninyo ang pera ninyo, masarap po iyon, malutong. Social Justice po iyon na iniisip natin ang kalagayan at kabutihan lalo na yoong mas nangangailangan.
If we take these Coronavirus as a form of reminder, nagbibigay sa atin ng pangaral, we will see that ang kalagayan nating ito which is common to everybody, nobody is exempted from the difficulties and inconveniences and even the grief that is virus, thsi situation is giving us. Ang pangaral na ito ay simply what Holy Week, itong mga Mahal na Araw ang nagbibigay, ang binibigay sa atin. The lesson that Holy Week is teaching us is the same lesson that this virus and its inconveniences and its miseries and its grief is giving us.
Ano po iyon? Yung gusto nating gawin ay huwag muna nating gawin. Yung ayaw nating gawin ay yun ang gagawin natin. This is what St. Paul was complaining about in his letter to the Romans, sabi niya “Whatever it is that i wanted to do, i do not do. That which i do not want to do, that is what i do. What a miserable man I am!” (cf. Rm. 7, 15-16. 24). Yung dapat kong gawin ay hindi ko magawa, yung hindi ko dapat gawin ay iyon ang nagagawa ko. Miserable. But with the Grace of God, by training ourselves according to the situation that we are in, we can overcome itong bugso ng laman, we can discipline ourselves by saying “ito yung gusto ng laman ko, ito yung gusto ng aking katawan pero hindi ko gawin alang-alang sa mga taong mahal ko, alang-alang sa aking kapwa. Gusto kong lumabas, gusto kong kumain kung saan-saan, hindi ko gagawin. Dito muna ako manatili sa bahay. Gusto kong kunin yung binibigay diyan, dinidistribute diyan gusto ko meron din ako pero huwag muna kasi meron akong pagkain sa bahay eh. Para na lang iyan sa mas nangangailangan.”
And what all this means, its self-control not for the sake of just making your life miserable, its self-control for the sake of the ones we love at yung iniibig natin ay hindi lang yung mga taong mayroon tayong damdamin but people who don’t have faces for us, na hindi natin kilala, walang pangalan para sa atin ngunit alam natin na nandiyan iyan sila, nangangailangan ng tulong po.
Holy Week and Coronavirus are teaching us the same thing; love your neighbour, pag-ibig sa kapwa at kung lilipas ang kalagayang ito at hindi tayo natu-tuto, hindi tayo natuto sa pangaral na ito sayang, sayang. Ito’y lilipas din, ito po’y lilipas din ngunit kung lilipas ito at hindi tayo magkakaroon ng pag-ibig para sa kapwa, hindi tayong natuto ng disiplina sa ating sarili, sayang. At kahit lilipas man ang virus na tinatawag nating “Corona disease 2019” ay hindi lilipas ang virus na tinatawag nating kasakiman dahil hindi tayo natuto.
Ang kasakiman ay isang virus na nagmula pa noong panahon ng ating Panginoon na nagmula pa sa panahon ni Adan at ni Eba na siyang nagiging sanhi ng kahirapan ng sangkatauhan. Itong virus na itong kasakiman ay madaling maipasa sa iba, lalo na ng mga magulang sa kanilang mga anak sapagkat yung mga anak ay tinitignan lang nila yung kanilang mga magulang, ay si Nanay at si Tatay. Kahit maraming nakaimbak na pagkain sa bahay, tumatanggap pa rin ng tulong, minsan ay may koneksyon doon sa baranggay, ginawang dalawa-talo na food packs, natuto ang mga anak at ang virus ng kasakiman ay naipasa. Walang lunas -ay mayroon pa lang lunas ang kasakimang ito, ang virus na ito, the same lunas para sa Coronavirus, yung pagpigil sa sarili. Kung ano ang gusto mo, huwag muna. Kung yung mga bagay na ayaw mong gawin, iyon ang gawin mo; ibigay mo sa kapwa, magbahagi, maglinis sa bahay. Mayroon kasi tayong -wala tayong nagagawa sa bahay di po ba? walang assignment, walang trabaho, eh di linisin na natin yung bahay natin. Tignan niyo po yung paligid ninyo, maayos po ba? para pagkatapos nito ay magiging maayos ang lahat sa loob, sa bahay, sa pamayanan.
All suffering is grace. Lahat ng paghihirap, lahat ng Krus, lahat ng pagdarahop ay biyaya sapagkat itong lahat ng ito ay nagbibigay sa atin ng pangaral, nagtuturo sa atin at tayo, higit sa lahat ay babaling sa Panginoon, babalik sa kanya sapagkat sa pagkakaintindi natin ng tunay na pagmamahal ay ito’y masilayan natin sa buhay ng ating Panginoon, sa kanyang pangaral, sa kanyang pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.
Ang Diyos ay nagbibigay biyaya sa atin sa mga panahong ito. Huwag po natin kaligtaan na matutunan, huwag po nating palalampasin upang ating maangkin ang biyaya ng pag-ibig, pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.