Holy Mass at Malolos Cathedral – 29 March 2020

bandicam 2020-03-29 23-54-20-312

Holy Mass for the Fifth Sunday of Lent (Year A)

Homily of Bishop Dennis Villarojo, Bishop of Malolos

MALOLOS CATHEDRAL, 29 MARCH 2020

Magandang umaga po sa inyong lahat.

“Panginoon, kung nandito ka pa lang po ay hindi sana mamamatay ang aking kapatid.” “Lord, if you had been here, my brother would not have died.” (Jn 11, 21).

Ito po yung sinabi ni Martha sa Panginoon at ang mga katagang ito, I’m sure holds a deeper meaning sa ating kaligayan ngayon. “Panginoon, kung nandito lang po kayo, hindi sana magkakaroon ng COVID[-19], wala sanang mamamatay.” Ngunit sana hindi natin ito sabihin sa Panginoon. Bakit po? Eh nandito naman siya. He is with us. He has not left us behind.

Ang Panginoon, ayun nga sa ating reading everytime we start the Mass “Ang Panginoon ay sumainyo” The Lord be with you and he is with us, especially during this difficult moments. Andiyan ang ating Panginoon sa tatlong pamamaraan ng kanyang presensya sa ating mundo. Andiyan, una sa lahat, ang kanyang Real and Sacramenal presence sa Blessed Sacrament, sa pagdiriwang natin ng Banal na Eukaristiya at pagtanggap natin sa kanyang Katawan at Dugo, sa ating Pakikinabang o Komunyon. Nandiyan ang Panginoon in a Spiritual way pero minsan nakalimutan natin na may pangatlong pamamaraan na ang ating Panginoon ay present sa atin. And this third presence you might call the Logical presence of the Lord.

Ano po ba ang ibig sabihin ng Logical presence? Hindi po ba ang Panginoon ay tinawag ng Ebanghelyo ni San Juan “In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.” (Jn 1,1) Itong word na ito, itong Salita is actually “Logos” “Logos – reason” ang Panginoon ay siyang umiiral na logic, sabihin natin tamang pag-iisip sa mundo na ibig sabihin ay siya ay umiiral sa lahat ng mabuti at tamang pag-iisip sa buong mundo. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Roma, ang mga Hudyo ay nabigyan ng batas ngunit ang mga hentil, ang mga pagano ay nandiyan sa kanila ang konsensiya (cf. Rom 2, 12-16), ang mabuting pag-iisip at dahil doon sila rin ay makatanggap ng kaligtasan or dahil doon, kung hindi nila susundin ang mabuting pag-iisip, ang tamang pag-iisip, ang konsensiya na nagbibigay liwanag sa kanila upang gawin ang mabuti at tama ay sila’y huhusgahan din.

Kaya po tayong mga tao na nananampalataya sa Panginoon also possess this reason kasi ito’y ibinigay sa atin ng Panginoon, ang tamang pag-iisip. Di po ba yung tinatawag nating Logic nanggagaling sa salitang “Logos” ang tamang pag-iisip at nakaugnay doon ang tama at mabuting gawain, hindi tarantahin. Kasi minsan po, sa ganitong pagkakataon, sa ganitong kalagayan, nawawalan na tayo ng mabuting pag-iisip kasi nagiging tarantahin tayo. The Word of God “Logos” is present to us through our right thinking, proper judgement and right doing, right action. Ngunit hindi pa ito sapat sapagkat ang logical presence ng Panginoon ay hindi lang sa natural nating pag-iisip kundi po siya’y nagbilin sa atin ng kanyang testamento, ang mga tinuturo niya sa atin through the word, through scriptures kaya nga po ang kanyang ibinigay sa atin na mga batas at pangaral, ito po sana ang iiral sa atin ngayon. That more than just logical thinking o tamang pag-iisip nandiyan ang liwanag ng kanyang salita upang kung ano man ang gagawin natin ay na-aayon sa tamang pag-iisip at tamang pag-gawa.

Ano po ba ang tamang pag-iisip sa mga panahong ito? Una, logical na tayo aymanatili muna sa ating bahay, tahanan, huwag iikot-ikot sa kung saan-saan na parang Paru-paru dahil natin alam kung masagip natin ang virus at maihatid natin sa kabilang bahay, di po ba logical iyon? Minsan kasi nawawala sa ating pag-iisip ang tama dahil sumusunod tayo sa galaw ng emosyon, sa galaw ng laman “ako’y nababagot na, pupunta muna ako sa aking kapitbahay.” Ngunit ang paglipat-lipat natin ay nagbibigay daan upang maikalat ang virus, di po ba logical iyon? Minsan -ito’y totoong nagaganap ha, hindi ito gawa-gawa lang- nag-iinuman, kala natin wala nang sahod, wala nang hanapbuhay sa panahong ito, eh bakit nag-iinuman? ano ang iniinom? Baka yung alcohol. Meron akong narining, may sabong! eh nababagot na nga yung mga tao, di nagpasabong. Di po ba illogical iyon, illogical?

Ngunit kahit mayroon tayong tamang pag-iisip na bigay sa atin ng Panginoon na katunayan ng kanyang presensya na umiiral sa mundo, ang tamang pag-iisip at tamang pag-gawa ay kinakailangan pa rin natin na matuto sa kanyang mga pangaral, kasi ang Salita ng Panginoon ay gabay para sa tamang pag-iisip upang ang tamang pag-iisip ay nabibigyan ng gabay sa pag-ibig o ng pag-ibig. That our right thinking is empowered and giving right direction by the love of Jesus Christ. Kaya po yung iba naman ay sumobra naman ano? nananatili sa bahay, takot sa virus, pero kung may makita namang mga Health workers ay hindi rin pinapapasok, hindi tinutulungan. Meron ngang -ewan ko lang kung gaano katotoo- may mga isang lugar na huwag na raw papasukin ng mga Health workers dahil baka sila daw ay mahawa, eh sumobra naman iyon, sumobra naman iyon at nawawalan na ng gabay ng pag-ibig sa kapwa. Kaya po, itong mga mga Health workers, ang ating mga Frontliners ay dapat kalingain natin sapagkat sila rin ang kakalinga sa atin kung ano man ang mangyari.

And all these are given to us by the Word of God and by the reason that Jesus, that the word from the beginning has given us through our minds. Nawa’y gamitin natin ang mga panahong ito, ang mga araw na ito na basahin ang kanyang testamento, scriptures upang tayo ay matutututo kung ano ang dapat gawin. Reason empowered and animated by the love of God, empowered by the guidance of the Holy Spirit.

Kaya huwag po nating sabihin “Panginoon, kung narito ka pa, kung narito lang po kayo.” Eh narito na nga! Kung wala ba itong nangyayaring ito, we wouldn’t have said “Lord, if you have been here” because even if he was there, we would not acknowledge his presence. Kaya nga po eh noong pwede pa tayong magsimba, ilan lang sa atin ang nagsisimba. “Lord, if you have been here.” Hindi, Jesus has always been with us, with or without the virus. Kaya lang po noong wala pa po ang virus, iilan sa atin ang nagbigay-pugay sa kanyang presensya in a sacramental, real presence. In the spiritual presence, coming together in his name and in his rational and logical presence na gumagamit tayo ng tama at wastong pag-iisip at ang pag-iisip na ito ay binibigyan gabay sa kanyang mga itinuturo at mga pangaral sa atin.

Mga kapatid, huwag natin itanong “Panginoon, nasaan po kayo?” andito siya kasama natin. Nawa’y umiiral sa ating isip at puso ang kanyang presensya nang tayong lahat ay magabayan sa tamang gawain at tamang pag-iisip.

bandicam 2020-03-29 23-53-55-737

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s