Quiapo Church 14 March 2020 – 5am Misa Nazareno Homily

 

bandicam 2020-03-14 09-16-05-037

Holy Mass for the 2nd Saturday of Lent (Year A)

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 14 MARCH 2020

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Sa atin pong Ebanghelyo na ating narinig kung saan yung kwento ng isang Ama na may dalawang anak na ngayon ay kanyang sinusuyo na kung saan dito ipinapakita kung gaano kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin. Lahat ay Mahal ng diyos. Ganon din naman kung gaano kabuti at yung pagiging generous ng Diyos sa bawat isa sa lahat.

Sa kwento, ang bunsong anak ay nagdesisyon at nagkamali ng kanyang desisyon. Ito po yung magandang bahagi na kung saan maganda na pagtuonan natin ng pansin at pagnilayan lalo pa’t sa konteksto ng atin pong pinagdaraanan sa ngayon. Itong bunsong lalaking ito o bunsong anak, hiningi ang kanyang kayamanan o ang kanyang mana, nilustay, nagkaroon ng krisis, nagkaroon ng tag-gutom at doon naubos ang lahat ng meron siya. Pero dito narealize niya, nasabi niya nagkamali siya. Napagisip-isip niya bumalik sa kanyang ama, Hindi para ituring na isang anak kundi para isang alipin na lang. Pero maganda yung bahagi doon na sinabi at “tumindig siya at pumaroon sa kanyang Ama”. Pagdating pa lang niya, normally kapag nagkakamali ang inyong anak, nagkakamali ang mga bata, ang naiisip natin kung sinong nagkamali, siya ang dapat na lumapit. Lumayas siya, natuto siyang bumalik. Pero dito, nakita pa lang nung Ama, mismo ng yung Ama yung patakbo, sumalubong sa nagkamaling anak. Hindi naghintay na dumating o lumapit kundi ng makita niya na parating, siya mismo ang sumalubong sa kanyang anak na nagkamali, wala nang kung ano pa mang sinabi basta ang ginawa lang ay niyakap, hinalikan, pinagdamitan ng damit.

Sa panahon natin ngayon na tayo po ay nasa krisis dahil hindi ko alam kung sino, kanino nagmula pero dahil dito lahat apektado. Meron tayong krisis bunga rin ng mga maling desisyon natin na kala natin tama, akala natin maayos pero nagkaroon ng malaking bunga na lahat tayo ay apektado na nararapat din na itong pagkilos ng bunsing anak ang atin pong tularan. Magbalik tayo, tumindig tayo, at pumaroon tayo ulit sa Ama.

Sabi ko nga po, sa panahon ng krisis, hindi na kailangan ng pride. Sa panahon ng krisis ang kailangan natin, magpakumbaba, aminin ang ating pagkakasala, aminin natin ang ating pagkakamali at muli tayong magbalik sa Diyos.

Ngayon mararamdaman natin na kung gaano tayo kamahal ng Diyos at ngayon mararamdaman natin kung gaano natin kailangan nag Diyos sa mga panahong ito. Wag tayong matakot dahil kahit anong nagawa natin, kung sino man tayo, ano pa man tayo, magbalik lang tayo sa Diyos, handa tayong yakapin at tanggaping muli ng Diyos. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s