Holy Mass for the 2nd Sunday of Advent (Year A)
Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 8 DECEMBER 2019
Pasko’y inilawan ng Bautistang si Juan.
Nasa ikalawang Linggo po tayo ng Adbiyento at kung mapapansin ninyo sa ating korona ng Adbiyento sa Dambana sa inyong harapan nakasindi na ang ilang kandila, dalawang kandila ang nakasindi upang ipaalala sa atin na malapit na ang Pasko. Bukas kasi ngayon ay ika-walo ng Disyembre, Kapistahan sana ng Immaculada Concepcion bukas po natin ipagdiriwang sapagkat mas matimbang itong Pangalawang Linggo ng Adbiyento at sa susunod na Linggo, sa Gabi, simula ng Simbang Gabi at isang buwan na lamang, mga kapatid ay Traslacion na! Kaya paalala na maghanda na tayo.
Kahapon po, ako po’y dumalaw, nagbahay-bahay po ako, ginagaya po ako ng mga kabataan narinig ko kahapon, door to door, house to house, rain or shine. Ginagaya ako ng mga kabataan dito at yung mga tumanggap at nagdasal ng Santo Rosaryo, tinaggap ang Birhen ng Fatima sa kanilang tahanan, pinagkakalooban po namin, binibigyan namin ng regalo ng imahen ni San Juan Bautista. Paulit-ulit po ang aking mensahe kasi pare-pareho yung dinadalaw ko, ito ang sinasabi ko “tanggapin po ninyo aming regalo si San Juan Bautista, lagi po kayong kaugnay, lagi po kayong konektado sa aming Parokya. Kaisa po kayo ng aming komunidad”.
Iyan po Si San Juan Bautista [sings] Juan ang kanyang pangalan. Siya po ang ating Patron at siya po ang modelo sa ating Ebanghelyo. Kaya sariwain natin ang kanyang mga magagandang katangian.
Una, mensahe. “Talikdan ninyo ang inyong mga kasalanan, magsisi na kayo, mangumpisal na kayo. Iwanan na natin ang bisyo” nagalit si San Juan Bautista, maraming nagpabinyag sa ilog Jordan galing pa sa magkabilang-panig ng Jordan, mga taga-Herusalem, mga taga-Hudea. May mga Pariseo magpapabinyag din “sino ang nagsabi sa inyong magpapabinyag kayo, mga ulupong, mga balatkayo. Sasabihin niyo ‘kami anak ni Abraham’ kahit na ang Diyos kayang gawing anak ni Abraham itong mga batong ito.” Magsisi kayo, patunayan ninyo sa inyong pamumuhay na kayo’y dapat ngang Anak ng Diyos. Magsisis po tayo mga kapatid. Mensahe di lang sa Sermon po.
Pangalawa, pamumuhay. Simple ang pamumuhay. Hindi po siya naka-signature na mamahalin, hindi po yung sasakyan niya’y mamahalin. Ang kanyang damit ay yung balat ng Kamelyo, ang sasakyan po niya ay paa, yung naglalakad pero meron naman siyang baston para tulungan siya medyo matanda na rin at tsaka medyo ang kanyang tuhod ay uugod-ugod na rin pero kinakayanan niya. At ang kanyang pagkain, hindi po ito buffet, hindi po ito yung sa hotel magkano ba yung sa hotel, mahal na ano. Simple lang siya, yung gma insekto, yung mga balang, mga pulutpukyutan mula sa mga bubuyog, iyun lang ang kanyang gma pagkain. Ewan ko baka papayat tayong lahat kung yun ang papakain ko sa inyo, matutuwa si San Juan Bautista pero maghihimagsikan kayo kungiyon ang ating pagkain.
Simple laman ang kanyang pamumuhay; una, mensahe ng pagsisisi; pangalawa pamumuhay ng payak at simple at pangatlo, pagpapakumbaba. “May darating sa akin, ako nagbinyag ng tubig pero may magdarating pagkatapos ko. Magbibinyag sa inyo ng Espiritu Santo at Apoy. Hindi ako karapat-dapat na kalagin yung kanyang sintas sa kanyang panyapak, hindi po ako karapat-dapat kailangan mawala ako, siya’y lumaganap at makilala.” Tayo “yabang, yabang” inalalagay natin sa Facebook, yabang tayo para yung makakita, inggit. Diyan po tayo, hindi nga mayaman, yabang naman. Matawa kayo, natawa ang ilan.
Ilang paalala lang mga kapatid, si San Juan Bautista ang ating Patron nandiyan siya. Una, magsisi po tayo. Pangalawa, marami pong naghihirap, makiisa po tayo pagkapayak ng pamumuhay. Pwede din tayong kumain ng masarap-sarap paminsan-minsan. At pangatlo, mapagkumbaba.
Tula na po ako
Juan
Ibig ang aliwan
Anong kabaliwan
Bawal ang mag-iwan
Bawal ang nakawan
Sagot hindi ewan
Dasal di’ laktawan
Tapang na larawan
Ang bautistang si Juan.
Ako’y kinatawan
Di pang karaniwan
Tapat sa arawan
Tapat kada buwan
Tayo’y kanyang kawan
Sa kanyang katawan
Hesus ang ilawan
Pasko’y kaarawan.
Juan, ispelengin natin. J-U-A-N
Jesus ang lahat
Umpisa muli tayo
Alisin ang bisyo
Ngayon tumulong tayo
Sa tulong ni Maria at ni San Jose, ipaghanda po natin bilang isang komunidad ang nalalapit na kaarawan ng ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.