Holy Mass for the Wednesday of the First Week of Advent
Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 4 DECEMBER 2019
Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.
Sa ating Ebanghelyong narinig, Milagro. Milagro ang nangyari.
Noong panahon ni Hesus, marami na siyang napagaling. Hindi na iba iyon sa mga nakita ng kanyang gma Alagad ngunit sa pagkakataong ito, pinamangha niya muli ang kanyang mga Alagad. Yung makakita ang bulag, makapagsalita ang pipi, makapaglakad ang mga pilay at magpalayas ng demonyo ay hindi na iba para sa kanyang mga Alagad sapagkat marami nang napagaling si Hesus ngunit sa pagkakataon naman ngayon, si Hesus nagparami ng mga pagkain.
Hindi niya hinayaang magutom yung mga tao, hindi na niya umali sang hindi busog at walang laman ang kanilang tiyan ngunit ang milagrong ito ay nangyari nang ang tao ay magbigay. Ang milagro ng Diyos ay isang tagpuan ng pagbibigay ng tao o gawa ng tao at gawa ng Diyos. Si Hesus nakapaggawa ng mialgro nang magbigay ang tao, inalay nung kanyang mga Alagad ang pitong tinapay at ilang piraso ng Isda at ito ang kanyang pinarami.
Magandang makita sa ating mga hinihiling na milaro sa ating mga buhay, kailangan may tagpuan ng pagbibigay ng tao at gawa ng Diyos. Marami tayong hinihiling, marami tayong pinapalangin at marami tayong inilalapit sa Diyos. Hindi lingid na bago ako magsimula ng Misa, may mga taong humihingi ng Panalangin. Marami nagmemessage sa akin “Father, ipagdasal mo naman ako. Father, mag-eexam na po ako. Father, ipagdasal mo naman yung Lola ko maysakit, yung Nanay ko.” Marami ngunit kasama ng Panalangin na aking inaalay, lagi kong sinasabi ‘íkaw din, magdasal. Ikaw din, magsimba. Ikaw din, magrosaryo. Sabay tayo.’ Hindi lang ako sapagkat kailangan laging may tagpuan ng pagbibigay ng tao at gawa ng Diyos.
Sinasabi natin “nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa” totoo, maawain ang Panginoon pero ang milagro mangyayari lang kapag nagtagpo ang gawa ng tao at gawa ng Diyos. Kung gusto mong pumasa sa exam, mag-aral ka rin. Kung gusto mong maka-angat sa buhay, magtrabaho ka rin. Kung gusto mong guminhawa sa karamdaman, itigil ang mga nagpapalabis sa ating mga katawan dahil may milagro sa huli kapag nagtagpo ang gawa ng tao at gawa ng Diyos.
Itong nangyari nang paramihin ni Hesus ang pagkain dahil nagawa niya ito nang magbigay ang tao. Amen.