Quiapo Church 3 December 2019 – 7am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-12-03 15-44-56-718.jpg

Holy Mass for the Memorial of Saint Francis Xavier

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 3 DECEMBER 2019

Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.

Kahapon sa Ebanghelyo na ibinigay sa atin ay ipinakilala yung isang kapitan ng Romano o Kapitang Romano na kung saan ay lumapit kay Kristo at idinulog niya yung kagalingan ng kanyang alipin. Kung kahapon sa katayuan ng isang Romano, tinuturuan tayo kung paano magpakumbaba at magmalasakit ay siyang ipinapakita sa atin ni Kristo. Ngayon naman, mismong si Kristo ang nagpapakita kung ano ba ang dapat natin na ‘attitude’ pag tayo po ay nasa harapan ng Panginoon, pag nasa harapan ng Poong Hesus Nazareno.

Sabi po dito “Pinasasalamatan kita Ama, Panginoon ng Langit at Lupa” para bang kahit si Kristo itinututing na natin at kahit si Kristo ang Anak ng Diyos, wala dito yung para bang “Anak ako eh” parang yung, paano ba natin sasabihin sa salita na dahil ikaw yung anak, parang lahat ng karapatan nasa iyo kaya nakakalimutan natin yung iappreciate yung ginagawa ng ating mga magulang.

Di ba kung makahingi na lang, pag anak pag makahingi na lang sa kanilang mga magulang talagang wagas, pag ibinigay kahit ‘thank you’ wala nang masasabi o hindi na nagsasabi kasi parang karapatan niya yung iprovide siya ng kanyang mga pangangailangan. Kaya dito si Kristo mismo, Anak ng Diyos pero nakukuha pa rin niya na magpasalamat sa kanyang Ama sa mga bagay na ipinakita sa kanya at ipinagagawa sa kanya.

Ang mahirap po mga kapatid, kung sana hindi naman lagi na kapag pumupunta tayo dito ay para humingi lang o hindi naman para magreklamo lang. Sana madalas din at dalasan din natin na pupunta tayo dito dahil marami nga talaga tayong dapat ipagpasalamat.

Sabihin niyo nga po “salamat”. Dito nga lang sa nangyayari sa atin, isang bagay na ipagpapasalamat natin na hindi pa tayo hinahagupit ng Bagyo, bagamat sa ibang lugar ay talagang nasa evacuation center laging binabagyo, laging hindi makatulog dahil sa lakas ng hangin pero tayo nandidito pa, nakapagsisimba pa tayo’t nakakapagmisa pa tayo.

Di ba isang bagay na ipagpapasalamat natin iyan pero siyempre hindi natututwa na yung iba nating kapatid ay naghihirap pero yung gusto natin makita dito na marami tayong pwedeng ipagpasalamat sa Diyos. Pupwede sabihin mo marami kang bagay na hinihingi sa Diyos na hindi mo pa nakukuha o hindi mo pa nakakamtan pero sana huwag mong makalimutan na marami kang bagay na natanggap na, na ngayon ay nakalimutan mo din magpasalamat.

Sana po katulad ni Kristo, bagamat siya ay Anak na ng Diyos, hindi siya nangiming magsabi ng ‘Thank you’ sa Diyos. Ganon din nawa sa atin. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s