Quiapo Church 2 December 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-12-02 22-56-31-891.jpg

Holy Mass for the 1st Monday of Advent

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 2 DECEMBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Pamilyar sa atin yung mga salita na binanggit ng isang kapitan sa ating Ebangelyo, yung mga katagang “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na punatahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling ang aking alipin.” Kailan niyo ba narinig itong mga salitang ito, tuwing ikaw ay nagsisisimba at bago mangomunyon lagi nating sinasabi “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Itong mga katagang ito ay katagang nagpamangha kay Hesus, nagpabilib kay Hesus sapagkat isang pannampalatayang puno ng pagpapakumbaba.

Noong panahon ni Hesus, kapag mayroong maysakit, hindi basta-vasta pinupuntahan sapagkat ang mga maysakit ay itinuturing na makasalanan at sa bahay noong Kapitang Romano, mayroong isang maysakit at humiling ito ng kagalingan mula kay Hesus. Si hesus handa at gustong pumunta sa tahanan ng Romano para mapagaling ang may sakit.

Magandang ito ang paanyaya sa atin ngayong tayo ay nasa Panahon na ng Adbiyento. Ang ating paghahanda kadalasan sa mga panahon na ito, handa na yung ibang mga bahay. May mga palamuti na ng Pasko, may mga unti-unti nang binibiling mga regalo, pinupuno na natin ang ating tahanan ng mga dekorasyon para maging handa sa Pasko. Ngunit ang Panahon ng Adbiyento ay hindi lang paghahanda sa Kapaskuhan kundi paghahanda ng pagdating ni Hesus sa ating mga buhay.

Yung tahanan, pinaka mahalagang tahanan na dapat nating pinaghahandaan ay ating mga katawan. Kung papapasukin lang natin si Hesus sa ating mga katawan, kung pananahanin lang natin si Hesus sa ating mga buhay mawawala, magagamot ang ating mga karamdaman. Ang kasalanan, isang karamdaman noong panahon ni Hesus, kaya naman magandang tignan ngayong nalalapit na Kapaskuhan, paghandaan ang pinakaimportanteng tahanan sa lahat, ang ating katawan. Linisin para pagdating ng Pasko, ating tatanggapin si Hesus na magpapagaling ng ating karamdaman. Si Hesus sa Ebanghelyo, namangha sapagkat isang karangalan sa kanya magpagaling ngunit isang mataas ang nagpakumbaba at humingi ng kagalingan.

Sa bawat pagtanggap natin ng Komunyon, isang pagpapatuloy kay Hesus sa ating mga katawan, kaya’t magandang ihanda, linisin at ayusin natin ang ating mga katawan para sa ganon, pagpasok ni Hesus maayos at malilinis natin ang ating mga karamdaman. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s