Quiapo Church 1 December 2019 – 6am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-12-02 21-21-37-383.jpg

Holy Mass for the 1st Sunday of Advent (Year A)

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 1 DECEMBER 2019

Pasko na kay ganda, tayo na’t maghanda.

Mga kapatid, kinasisiyahan natin ngayon ang unang araw ng Disyembre, unang Linggo ng Adbiyento. Ito na ang pinakahihintay ng lahat, lalong-lao na ang mga bata sapagkat Pasko na, ang pinakamasayang panahon sa buhay ng bawat Pilipino. Pero aminin ko po, sa sarili ko ay iba ang nararamdaman ko sapagkat malapit na ang Traslacion, mga kapatid. Sa kabilang kanto ay natutuwa ako na masaya ang Pasko para sa atin pero ako ay nangangatog sapagkat malapit na ang ating pinakaaabangang Pasko at Traslacion.

Kaya mga kasama, ang Kapaskuhan, ang pagsilang ng bata. Sino ba talagang tunay na gagabay sa atin sa pagsilang ng kanyang Anak kung hindi ang mismong Ina. Mamaya po mayroon po tayong Birhen ng Guadalupe, isang linggo siyang kasama natin at mamaya magpapaalam, sasama sa Marian Procession dito sa Intramuros. Birhen ng Guadalupe, nandiyan si Juan Diego. At kasalukuyang may Nobenaryo tayo sa Inmaculada Concepcion at kahapon, dumalaw ang Anak sa Ina sa Antipolo [sings] “Tayo na sa Antipolo.” Ang ating komunidad, mahal na mahal ang Birheng Maria sapagkat ang Mahal na Birheng Maria ay ituturo ang daan sa Sabsaban ng nanay na magsisilang sa kanyang Anak, siya ang ating magiging modelo at halimbawa.

Sa ating gma pagbasa, Isaias, sulat sa mga taga-Roma at hindi na po Ebanghelyo ni -ano yung nakaraang taon- Ebanghelyo ni… dati San Lukas, ngayon San Mateo. Tutulungan tayo, ito’y kapayapaan, kaliwanagan at panalangin. Ito po ang paghahanda natin para sa kapaskuhan.

Una ay kapayapaan. Si Hesus ay prinsipe ng kapayapaan. Aawit ang mga Anghel sa gabi ng Pasko “Papuri sa Diyos sa kaitaasan at kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya” kapayapaan. At sa Propesiya ng Propeta Isaias, sinabi dito “iiwan ang mga panangga, iiwan ang mga tabak at espada at gagawin itong araro, sudsod para hindi na mag-gigiyera, magiging magsasaka ka na lang.” Hindi na po Baril, hindi na digmaan, dugo kundi kapayapaan. Iiwan na ang gma sibat at gagawing itong karit. Magsasaka sapagkat ang karit ay kagamitan ng isang mangingisda. Kapayapaan. Kaya iwan na ang mga paninira, iwan na natin ang mga magpapasira. Tayo po’y bumuo, tayo po’y magtayo. Iyan po ang hamon sa atin, maging mga tao ng kapayapaan. Iwan na ang pamamaraan ng pagtutunggali, gumawa tayo ng tulay ng kapayapaan sapagkat ang Senor, Prinsipe ng Kapayapaan. Kapyapaan sa Puso.

Pangalawa, sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, kaliwanagan. Meron tayong Bituin ng Bethlehem na tuturo sa mga Mago. Marami tayong mga Parol, mga dekorasyon, Christmas tree at sinindihan natin ang -nakasindi na ang unang kandila ng Adbiyento- liwanag. Huwag na po iyong kadiliman, iwan na po natin ang mga madidilim at tinatago at makasalanan at nakahihiyang mga gawain. Yung ginagamit pa rin dito yung pagiging sundalo, di ba yung mga sundalo mayroon kang mga armas, sabi dito sa ingles “put on the armor of light” sa ingles, hindi ito nakuha sa Tagalog. Ganon din maging militante ka, maging matapang ka, maging sundalo ka, maging saksi ka at isuot mo ang mga kagamitan, instrumento ng kaliwanagan at yung armor, yung makintab, nakasisilaw, ikaw ang repleksyon ng kabutihan. So una kapayapaan sa puso, sa pamilya, sa komunidad natin, maganda iyan, pagsikapan iyan kaysa naman gulo. Pangalawa, kaliwanagan. Halimbawa ka , inspirasyon, naakit sa iyo, pumupunta sa iyo ang mga tao, nakikita sa inyo ang Senor at hindi naman yung ‘kasuklam-suklam, ang baho kasi ng kaluluwa mo, alam mo iyon’ papaano ka maakit sa iyo yung baho ng kasalanan, kailangan yung bango ng kabanalan.

At sa ating Ebanghelyo ayon kay San Mateo. Mateo na po tayo, bagong taon na, maririnig natin “ang Mabuting Balita ayon kay San Mateo.” Panalangin. Yung mga panahon ni Noe, sila’y nag-aasawa, nagliligawan, nagtatrabaho, sumasakay sa sasakyan, gumigiling, nag-aararo, lahat ng trabaho na ginagawa ng karaniwang tao, hindi naman nagdadasal, hindi naman malapit sa Diyos, hindi naman nagpapasalamat sa kanyang biyaya, si Noe lang at ang kanyang pamilya ang naligtas nung pumasok sila sa daong. Nalunod silang lahat sapagkat hindi nila pinaghandaan sa pamamgitan ng pagiging malapit sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin. Si Noe ay isang taong mapagkumbaba, alam niya ang lahat ay galing sa Panginoon, nagkakawang-gawa, sumusunod,pinagtawanan siya “haha anong ginagawa mo, sira ulo ka ba?” ayan nung dumating na ang baha, nalunod silang lahat sapagkat si Noe ay tapat sa ating Panginoon.

Kaya mga kapatid, bilang buod kapayapaan, kaliwanagan at panalangin. Ito po’y suhestiyon ko po para sa nalalapit na Kapaskuhan at Traslacion.

Tutula na po ako.

Handa

Bago ang lapida
Kahit may Yolanda
Lakad bawat yarda
At kada pulgada
‘di sundin ang moda
Buong Luzviminda
Sa bawat dekada
Kristo’y abakada.

Ito’y nakatakda
Anghel pumarada
Pastol sa kalsada
Sabsaban ang tanda
San Hoseng matanda
Mariang maganda
Emmanuel ang lagda
Pasko’y ipaghanda.

Handa. Ispelengin nag Handa, H-A-N-D-A

Hintay
Abangan
Nagmamatyag
Dumadasal
Aantabay.

Maging handa po tayo sa tulong ni Maria at ni San Jose sa darating na kapanganakan, pagsilang at kaarawan ng ating Nuestro Padre Hesus Nazareno. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s