Holy Mass for the Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time
Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 30 NOVEMBER 2019
Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.
Ngayon po ay November 30 sa atin pong kalendaryo ay ginugunita natin ang kabayanihan ni Andres Bonifacio na kung saan itinuturing natin na isa sa mga nagtanggol para makamit natin yung kalayaan mula sa mga dayuhan na sumasakop sa atin.
Sa kalendaryo naman ng Simbahan, ngayon po ay Kapistahan ng isa sa labidalawang alagad na pinili ni Kristo. Iyan ay si San Andres, Saint Andrew na kapatid ni Simon Pedro. Si Andres ang kanyang gawain o kanyang propesyon o trabaho ay mangingisda, iyun ang kanyang ikinabubuhay pero sa Ebanghelyo narinig natin na siya ay pinili at tinawag ng Poong Nazareno para turuan at tubugin at ihanda sa isang mas kakaibang misyon. Ang sabi nga po siya ay mangingisda na talagang isda pero sabi ni Kristo “simula ngayon, gagawin ko kayong mamalakaya, mangingisda ng mga tao.” Pero kailangan muna na sumunod si Andres, kailangan niya munang makasama si Kristo, kailangan niyang makilala si Kristo, kailangan niya munang makinig kay Kristo para maging Handa si Andres sa misyon na nakaatang sa kanya.
Kaya maganda po itong sabi sa Unang Pagbasa, sabi “Panginoon sino ang maniniwala o naniwala sa sinabi namin?” ang sabi dito kaya’t ang “pananampalataya ay bung ang pakiknig at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristo.” Kaya napakahalaga na kinikilala muna si Kristo bago ito magpahayag. Hindi tayo sabi nga ‘we cannot win what we don’t have’ so kung tayo din, maaring bawat isa sa atin ay tinatawag ni Kristo para sumunod sa kanya sa iba’t-ibang pamamaraan. Hindi ko alam kung ano po yung sa inyo pero sa amin malinaw sa ganitong katayuan, estado ng buhay, kami tinatawag.
Ang tanging layunin upang makilala si Kristo, magpahayag ng Mabuting Balita. Pag sinabing rin natin Mabuting Balita, magpahayag ng katotohanan. Sa ngayon po ba, marami pa ba ang matapang kasi kapag nagsalita ka ng katotohanan, makakarinig ka ng maling paratang. Kung dito sa pinagdiriwang natin, si San Andres, isa sa mga Alagad, isama natin si Andres Bonifacio, isa sa mga Bayani. Sabi nga “hindi lahat ng Bayani, Banal. Pero lahat ng mga Banal, naging Bayani.” Ano ang sukatan ng katapangan, sinabi bang matapang kasi handa kang lumaban, handa kang makipagpatayan, makipagsuntukan, makiapagharapan. Ang sukatan kung sa atin pinagdiriwang, ang sukatan ng katapangan ay kung paano ka naninindigan sa iyong pananampalataya. Kung paano mo pinaninindigan ang pagkakilala mo kay Kristo. Ang sukatan ng totoong matalino, ng totoong magaling ay kung paano din talaga nakikilala si Kristo.
Balewala kung gaano karami ang titulo mo sa iyong pangalan nakadikit diyan, kung hindi mo kinikilala si Kristo para sa kanya, balewala iyon. Balewala din kung gaano ka man karaming pera, gaano ka man kayaman, kung wala naman si Kristo, mahirap ka parin. Mahirap ka man pero nasa iyo si Kristo, mayaman ka. Ito yung halimbawa, ito yung pinapakilala, ito yung pinapakita sa atin pero sana nga ang unang hakbang, kasi ay tayo po ay makinig kay Kristo. Si Kristo ang lumapit, si Kristo ang lumalapit, si Kristo ang tumatawag. Kapag tumawag si Kristo, pakinggan lang natin.
Kapag sinabi niyang sumunod ka, sumunod ka. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Kristo para sa inyo. Pero sana po, sa kontekstong ito, tinawag ni Kristo sina Andres at iba pang mga Alagad at ang mga Alagad naman ay nakinig at sumunod.
Kaya ngayon sila ay ipinagdiriwang natin na mga Banal, isa sa mga Banal na doon sa Langit ay tinatamasa ang kaligayahan na talagang inaasam ng mga tao. Sana po tayo din ay huwag nang magbingi-bingihan, huwag nang dedmahin. Kung tinatawag ka ni Kristo, tumugon ka na. Amen.