Quiapo Church 29 November 2019 – 7am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-29 12-43-41-211.jpg

Holy Mass for the Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 29 NOVEMBER 2019

Isang magandang Umaga po sa inyong lahat. Pakibati naman yung katabi mo ng “Magandang Umaga” magandang Araw din sa lahat ng nakatutok sa iba’t-ibang panig ng Mundo’t nagsisimba gamit ang kanilang mga Facebook account, magandang Araw po, kayo po’y kabilang namin sa pagdiriwang namin sa pagdiriwang ng Banal na Misa dito sa Quiapo Church, Manila.

Papurihan muna natin at palakpakan ang ating Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Nais kong simulan ang ating pagninilay sa isang Kuwento. Ito’y kuwento ng isang Ama. Itong tatay na ito medyo may kaya. Kaya naman dahil siya ay may kayamanan, medyo napalaki niya ang kanyang mga anak sa layaw. Maluwag ang bulsa kaya medyo maluwag din ang pagpapalaki ngunit nakita niyang hindi nagiging maganda ang epekto nito kaya minsan humingi siya ng tulong sa isang matandang Guro. Lumapit siya rito at nagtanong kung paano ba niya mapapalaki ang kanyang mga anak. Paano ba maging magulang? Sa panahon ngayon ang hirap, ano po. Iba na ang mga bata ngayon, yung mga pamamaraan noon maaring hindi na bagay sa ngayon. Kung noon, sagana sa pagalit, sagana sa sermon, napapalo, parang ngayon di nauubra kasi pag-ginawa mo malulungkot ang bata at pag nalungkot madedepressed, pag nadepressed yung iba nagsusuicide. Kaya parang ankaaktakot na magpalaki ng mga bata sa panahon ngayon.

Kaya nga humingi na ng tulong ang tatay na ito at niyaya siya nuong matandang guro na maglakad sa hardin. Habang sila’y naglalakad sa hardin, nakita ng matandang guro ang damo, sabi niya doon sa tatay “pakibunot mo nga yung isang damong iyan.” Ginawa ng ama, binunot at dahil maliit na dama lang ito at dahil madali, nabunot niya ito sa pamamagitan ng dalawang daliri. Nagpatuloy sila sa paglalakad at natika ng matandang guro ang isang halaman. Sinabi niya muli doon sa tatay “pakibunot mo nga ang halaman na ito.” Nabunot pa rin ng Ama ngunit dito ginamit niya ang isang kamay at habang sila pa’y naglalakad, nakita ng matandang guro ang isang bugkos na halaman kaya sinabi niya doon sa tatay “nakikita mo ba iyang isang bugkos ng halaman na iyan, pakibunot mo nga.”  Binunot ng ama, medyo sa pagkakataong ito nahirapan na sapagkat maraming halaman na ito dikit-dikit kaya ang ginamit ng ama, dalawang kamay sa pagbunot. Medyo nahirapan pero nabunot. At ng parang naubos na ang halaman sa hardin, nakita ng guro ang isang puno ng Bayabas, sinabi niya doon sa ama “itong bayabas na ito, ilang taon na dito.” Sabi ng Ama “medyo matagal-tagal na. Kung kailan natayo ang aming bahay, doon din ito tumubo.” Sinabi ng guro “pakibunot mo nga” sabi ng ama “tila naman imposible iyang gusto mo. Parang hindi ko na ka iyan, hindi na kaya ng dalawang kamay kong bunutin yaan, siguro dapat iyan putulin dahil hindi kaaya ng kamay kong bunutin.”

Nagtataka ang ama at sinabi sa guro “ano bang gusto mong sabihin, bakit mo pinagawa ang lahat ng ito sa akin?” sinabi ng guro “yung ginawa natin, ganito dapat ang pagpapalaki sa mga bata, ganito dapat tinitignan ang ating pag-uugali. Sa murang edad, habang bata pa,  bunutin na ang kayang bunutin dahil pagtanda nito mahihirapan ka nang tanggalin.” Tignan mo nga iyang katabi mo, matanda na ba? sabihin mo “mahirap nang bunutin iyan.”

Ito ang mensahe sa atin ng ating Ebanghelyo ngayon, ito ang sinasabi ni Hesus na sadyang may mga bagay na dapat alisin sa ating buhay at ang tanging ititira lamang ay yung mga bagay na hindi naluluma na magdadala sa atin sa kabutihan.

Mga kaptid, ang ating mga pagbasa sa Linggong ito y tungkol sa katapusan. Ngayon, malapit nang matapos ang Karaniwang Panahon sa ating Liturhiya at papasok tayo sa Panahon ng Adbiyento, panahon ng paghahanda dahil tungkol sa katapusan ng lahat, tinuturuan tayo kung anong klaseng paghahanda ang dapat nating ginagawa. Alisin ang mga bagay na hindi nakakatulong sa atin at itanim ang mga bagay na magdadala sa atin sa kabutihan. Kung sa mga damit nga, kapag tingin natin hindi na maganda. Kung sa damit nga tingin natin hindi na kaaya-aya, wala na sa uso o luma na, pinapalitan natin. Iba ito sa Salita ng Diyos dahil ang Salita ng Diyos, hindi kailanman mapapalitan at mananatiling laging bago dahil ito’y nagtuturo ng kabutihan.

Yung mga pag-uugali natin magandang suriin natin, alin ba ang dapat alisin? Baka yung selos mo, yung pagiging magagalitin mo, baka yung inggit sa katawan, baka yung mga bagay na hindi na nakakatulong sa atin kailangan alisin at pasibulin, patubuin ang mga bagay na magdadala sa atin sa kabutihan.

Ito ang paanyaya sa atin ng ating Poong Hesus Nazareno, na sa ating paghahanda kailangan suriin ang sarili, tignan ang pag-uugali, alisin ang mga kabulukan at pasibulin ang mga bagay na magdadala sa atin sa kabutihan. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s