Quiapo Church 28 November 2019 – 7am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-28 12-15-25-553.jpg

Holy Mass for the Thursday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 28 NOVEMBER 2019

Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.

Kung napakinggan ninyo po ng mabuti ang atin pong Ebanghelyo, ano po ba ang inyong pakiramdam? Kung napakinggan ninyo ng mabuti. Ano po ba ang inyong mararamdaman kung ngayon na, sinasabi nga dito yung bansang Herusalem maging yung Templo ay sasakupin na, magkakaroon ng giyera. Di ba nagkaroon na ng mga giyera, di ko alam kung sinong naka-abot sa giyera ng panahon ng Hapon, panahon ng Kastila, panahon ng Amerikano, World War I, II and III o kung ano pa man. Di ko alam kung ilan dito ang nakaranas na makarinig ng kabi-kabilaang pagsabog, di ba ang Manila talagang sinakop din ito at dito sa Intramuros nandiyan pa rin yung mga ruins ng mga pagsabog na iyan.

Pero sa Ebanghelyo, ganon pa rin ay ipinapaalala ni Kristo na may mga pangyayaring mararanasan ang mga tao, kahit noong mga panahon pa niya, noong siya’y nandidito pa at magpasahanggang ngayon ay ipinapaalala ito sa atin.

Kaya nga di ba meron tayong lagi sinasabi “o kailangan nating paghandaan ang the ‘Big One’” sabi naman na mayroon tayong mga Fault Line kung saan yung mga lulubog, kung saan yung mga di dapat puntahan pero wala naman gumagawa, wala namang kumikilos ngayon di ba. Pero alam natin na mangyayari yung ‘the Big one’ wala paring umaalis doon sa mga Fault line kasi may mga bahay na nakatayo. Pero sa simula pa lang, alam na man nila na mayroong ganon pero inaprubahan pa rin, tayuan pa rin ng tayuan ng mga building. Tapos pag sinabi na lumindol na naman, nag-earthquake na naman, nag-tsunami, doon tayo mas lalong natatakot.

Pero ito ay sinasabi ni Kristo hindi para takutin, kundi para magbigay ng babala, paalala at kung ano ang dapat nating maging pag-kilos o pag-uugali. Kung nakita na, grabe nga dito kasi sabi kahit ang mga planeta, mga bituin madidisalign, magkakaroon ng mga pangyayari sa kalawakaan, pwedeng bumagsak ang gma Asteroid dito o kung ano pa man “uy, nakakatakot” saan tayo magtatago niyan? Sabi huwag na, di mo na kailangan magtago. Ang sabi nga sa dulo ni Kristo “kapag nagsimula na na mangyari ang mga bagay na ito” hindi niya sinabing matakot na kayo kundi ang sinabi niya “magalak kayo” so hindi dapat matakot kundi magpasalamat pa tayo kasi ito na yung pinakahihintay natin. Kaya nga sa bawat Misa ipinapahayag natin yung ating Pananampalataya “si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si Kristo’y babalik sa wakas ng Panahon” at hinihintay natin ang kanyang pagbabalik. So pag nangyayari na ang mga bagay na ito, malapit na ang paghahari ng Diyos so dapat mas maging masaya na tayo, magalak na tayo kasi parating na.

Kaya ilang araw na lang, papasok na tayo sa panibagong panahon, panahon ng Adbiyento, panahon ng paghihintay. At sana nga dumating na ang Diyos.

Isa na lang, tutal lagi naman tayo nagrereklamo sa Diyos, puro problema, hindi na natapos-tapos ang problema, puro na lang sakit, hindi na mawala-wala yung sakit, o sandali na lang, matatapos na rin ang lahat, mararanasan natin ito. Pero muli ang sabi ni Kristo at isa siyang taong punong-puno ng pananampalataya “hindi tayo dapat matakot bagkus mas maging excited tayo sa pagdating ng Diyos.” Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s