Holy Mass for the Tuesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time
Homily of Fr. Romy Mendoza
QUIAPO CHURCH, 26 NOVEMBER 2019
Purihi’t pasalamatan ang Poong Hesus Nazareno, palakpakan po natin. [appluase] Kaisa ang Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Diyos, ang Ina ng Poong Hesus Nazareno at Ina natin.
Minamahal kong mga kapatid, plano po ako ang makiki-concelebrate, ibig sabihin si Fr. Danichi ang siyang nakasuot nitong kulay Berde at siya ang namumuno sa pagdiriwang subulat ako ang siyang pinapamuno niya. Maraming salamat po Fr. Danichi. Ako po’y huling napapunta rito sa Basilica ng Poong Hesus Nazareno noong ihatid namin ang Imahen na naglalakabay ng Poong Hesus Nazareno na galing sa amin sa Parokya ng Inmaculada Concepcion sa Bauan, Batangas.
Ako po’y deboto ng Poong Hesus Nazareno, iyon po ay naganap noong panahon pa rin ng Kwaresma, ikalawang Linggo ng Kwaresma, ito rin hong taong ito. Subalit dahilan sa mga pangyayaring naganap sa buhay ko na hindi namang inaasahan, ako po’y inatake sa Puso sa pagitan ng Unang Biyernes at Unang Sabado ng Buwan ng Abril at ako po ay isang buwan sa ospital at binypass kaya ako’y doon nag Holy Week sa Cardinal Santos Medical Center at mga pangyayari po ay naganap na talaga naman hindi ko sukat-akalain sapagkat tagumpay naman po ang limang ugat na bypass sa Puso ko subalit pagkatapos nga noon ay nagkaroon ng kumplikasyon pagkat ang kaliwang Baga ko pala ay nung X-rayin ay puting-puti ibig sabihin nagkaroon ng Pneumonia kaya naman halos po ay hindi lang 50-50, 40-30 at kung baga sa nakita ko na po ang kamatayan, hahagipin ko lang ang bola ng kamatayan subalit ako’y nagising. Salamat sa Diyos sapagkat ika nga’y may misyon pa raw nga
Minamahal kong mga kapatid, tunay na ang ating buhay sa ating panahong ito, sa Linggong ito, mga araw na pangkaraniwan ay nasa pagitan ntayo ng katapusan at ng simula. We are in the midst of the end and the new beginning pagkat nung nagdaang Linggo, Kapistahan ng Kristong Hari, iyun po ang katapusang Linggo sa Liturhikal na Kalendaryo ng Simbahan at sa darating na Linggo ay magsisismula naman ang Linggo ng Adbiyento, iyon ang simula ng taong pang-simbahan. At tunay nga po mga kapatid, sabi nga sa isang awitin “and now the end is near and so i face the final curtain” kala ko nga po’y katapusan na ng lahat sa buhay ko pero sabi ng Doktor “hindi pa po Father, lalaban kayo, may misyon kayo” at tunay nga po mga kapatid, ako at kayo, tayo ang Simbahan.
Kung ang pahayag dito sa Mabuting Balita, sabi nga “ay walang bato na nakapatong sa kapwa bato” sa Templo ng Herusalem noon. At ito po naman ngayon naganap noong ika-pitompung taon, year 70 sa “siege of Jerusalem” nung lumusob ang Imperyong Romano sa Israel at nilukob ang Banal na lungsod ng Herusalem.
At dahil nga doon minamahal kong mga kapatid, may mga pangyayaring naganap, hindi sukat-akalain at gayun din naman sa buhay natin, hindi ako nanakot at totoo naman may mga mangyayari’t magaganap sa ating buhay na ika nga baga’y hindi natin maiiwasan.
Una, harapin natin na hindi maiiwasan ang pagtanda. Syempre, mas bata po ako kahapon kaysa ngayon, gayun din kayo.
Ikalawa, hindi maiiwasan ang pagkaaksakit. Kung ito man halimbawa ay kahit sakit sa ngipin, sakit sa kuko dahil may ingrown o kaya naman malubhang sakit na Kasner tulad nga nung nangyari sa akin. Hindi rin natin maiiwasan ang problema, walang taong nabubuhay dito sa mundo na “problem-free” at hindi rin natin maiiwasan ang kamatayan. Hindi po ako nananakot pero ito ang katotohanan.
Pero minamahal kong mga kapatid kung tayo’y handa, at ito ang mabuting Balita ang saligan ng ating buhay, si Kristo ay naghahayag sa atin ng katotohanan na sa kanya dapat tayo nakasandig, dapat tayo sa kanya nagtitiwala. Sabi nga sa Divine Mercy na ipinalagay nga ng Panginoong Hesus kay Santa Faustina “Jesus, I trust in you” yung trust, T-R-U-S-T, “total reliance upon saving truth.” Buong buong pagsandig sa nagliligtas na katotohanan. At ang Panginoong Hesuskristo po, siya ang katotohanan. Katotohanan na siya’y Diyos ng pag-ibig at awa, ang mahalga’y tayo’y sa kanya manalig at magtiwala pero kinakailangan din ang patuloy nating paghahanda, paghihintay pagkat nais ng Diyos na sumibol sa ating puso at kalooban ang pag-asa, iyon po daw ang tema ng rekoleksyon mamayang gabi na pangungunahan naman ni Fr. Douglas Badong.
Minamahal kong mga kapatid, tayong lahat ay nagklalakbay lang dito sa daigdig at patuloy na nais ng Panginoon na ang ating pagsandig sa ating Panginoon, pananalangin at patuloy ding pagsikap na laging konektado sa kanya. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa kung may dumadating na pagsubok pagkat ako po, sabi nga ng Chaplain doon sa Cardinal Santos ay “Father, you will be a living testimony of God’s love and mercy” pagkat nung mga sandaling iyon, hawak na hawak ko lagi ang Poong Santa Cruz, kaisa ng Medalyon Milagrosa, ang Medalya ng Immaculada Concepcion, kaisa’t kasama rin naman katabi ko rin ang imahen ng Divine Mercy subalit minamahal kong mga kapatid, lalo’t higit sa puso at kalooban natin ang Panginoon. Dapat lagi nating taglayin at huwag tayong para bagang sisisihin ang Diyos sa mga pangyayari na nagaganap na waring pagsubok. Pagka ho dumadating iyon at para bagang tinatanong natin ang Diyos na “Bakit Panginoon?”
Kagaya ng Mahal na Birheng Maria, binaliktad ang papel na ginampanan ng unang baabe dito sa lupa, si Eba. Si Maria’y sumunod, si Eba’y sumuway. Si Maria’y punong-puno ng grasya, sabi nga si Eba ay pinagmulan ng disgrasya. Kaya’t binaliktad ni Maria ang papel na ginampanan ni Eba at iyong bakit pagka dumadating sa atin ang pagkakataon na para bagang natutukso tayo, baliktarin na rin natin. Pagka binaligtad ang bakit ay tikab, T-I-K-A-B, tanging ikaw Kristo ang Buhay. At ang bakit sa ingles ay “why” pagka nagtatanong tayo ng “why, Lord” baligtarin natin ang why, magiging “yhw, Lord” ‘You’re Holy with Lord’ ang iyong banal na kalooban at hindi akin. Kayua tayo po’y buong kabaabng loob na ipaubaya ang ating sarili sa kapangyarihan ng Panginoong Hesus, ang Poong Hesus Nazareno. Amen.