Holy Mass at Malolos Cathedral – 24 November 2019

bandicam 2019-11-25 00-36-15-461.jpg

Holy Mass for the Solemnity of Jesus Christ, King of the Universe

Homily of Most Rev. Dennis C. Villarojo, Bishop of Malolos

MALOLOS CATHEDRAL, 24 NOVEMBER 2019

Fr. Mening Salonga, Rektor ng ating Katedral.
Fr. Topi and Fr. Fidel.
Mga kapatid sa Pananampalataya,
magandang Gabi po sa inyong lahat.

Ayon sa binasa natin sa Ebanghelyo, saang dako, saang banda sa Banal na Kaulatan ipinahayag at itinanghal si Kristo na Hari. Ito yung noong ang ating Panginoon ay ipinako sa Krus at mayroong mga titulo na nakalagay sa bandang ulo ng ating Panginoon. Ito ang Hari ng mga Hudyo. Sa iba’t-ibang salita; Herbeo, Latin at Griyego na ibig sabihin, Hari siya ng mga Hudyo ngunit Hari din siya sa lahat ng Sanlibutan.

Ngunit kung atin pagnilay-nilayan ang isang Hari na nakapako sa Krus ay tila bagang tama yoong mga pangulo ng bayan na naglilibak kay Hesus. Paano siya maging Hari eh hindi nga man siya makanaog sa Krus na kanyang kinaroroonan. Paano siya maging Hari, wlaa man siyang kapangyarihan. Itong pagpapahayag at pagtanghal ni Hesus para sa atin bilang Hari ay hindi nagbibigay sa atin ng confidence. Paano tayo magkakaroon ng lakas-loob na siya ang ating Hari ay siya mismo ay walang kapangyarihan at mahina, marupok.

Siguro’y kinakailangan nating palalimin ang ating pagintindi sa diwa ng pagkahari ng aing Panginoon sapagkat nasa isip natin na kung Hari, iyan ay makapangyarihan. Kung Hari, pinupuntahan natin at nagbibigay solusyon, kalutasan ng ating mga problema. Kung iyan ay Hari, konting hinanaing lang natin ay papanigan tayo. Kung iyan ay Hari, pupuksain ang lahat ng ating mga kaaway. Iyun yong pagkikilala natin sa isang Hari.

Ngunit mga kapatid, di po kaya’y ang Hari na nasa isipan natin ay Hari na kung tawagin dito ay “Padrino” iyun bang hari-hari lang, padrino, padron sa kanyang mga tauhan parang Mafia na pinupuntahan ng lahat ng kanyang mga tauhan, nagbibigay kung ano-ano ang kinakailangan ng kanyang mga tauhan, pumapanig kung anuman ang kanilang hinaing at pumupuksa sa kanilang mga kaaway. Di po ba iyun ang tinitingala natin ay isang magaling na lider dahil nagproprotect, nagbigay proteksyon sa kanyang mga tauhan ngunit sa ganong pamamaraan, ang mga tauhan din ay sunud-sunuran na lang, walang responsibilidad, gumagawa ng kung anuman ang sasabihin ng Padrino kasi nagkakautang ng loob. Tinitingala ng mga tauhan na ito ang ating padrino, ito ang nagbigay proteksyon sa atin, ito ang nagpuksa sa ating kalaban ngunit tayo rin ay dapat sumunod sa kanya na kung kahit anong bagay ang kanyang gugustuhin dahil binayaran na niya ang ating gma kaluluwa. Iyon yung pag-iisip ng mga tau-tauhan ng mga padrino.

Tila baga gustong-gusto natin ng ganoong lider, kaya kung tayo’y may hinanaing pupunta tayo at papanigan kaagad tayo hindi tayo tinitignan kung tayo ay nasa tama o mali. Hindi na iniisip na kung nasa katwiran tayo o hindi, basta tau-tauhan tayo ng padrinong iyon, sinuman ang kalaban natin, tutugisin. Gustong gusto ang ganoong lider, aksyon agad, yung sunud-sunuran sa anuman ang nasa ating damdamin anuman ang gugustuhan natin.

Hindi ganon ang pagkahari ng ating Panginoon. Ang ating Panginoon ay hindi padrino na nagbibigay proteksyon sa kanyang tau-tauhan, na hindi tumitingin kung anuman ang katwiran kundi tinitgnan lang kung saan maitaguyod ang kanyang kapangyarihan. Ang ating Panginoon sa kanyang pagkahari ay may tatlong bagay at makikita natin ito sa kanyang pagkapako sa Krus. Ang isang magnanakaw, isang kriminal -dalawa pala- ang isa ay nagtutuligsa sa kanya, nagkukutya ngunit ang isang kriminal ay nagsabi “tayong dalawa ay nararapat sa ating parusa ngunit siya ay walang kasalanan.” Para sa kriminal na iyon, nang napagmasdan niya ang kalagayan ng ating Panginoon ay namulat ang kanyang konsensya. Namulat ang kanyang konsensya at inamin niya ang kanyang kasalanan, inangkin niya at dahil doon nakikilala niya kung ano ang tama at mali. Ito yung numero unong gampanin ng ating Panginoon bilang Hari. Hindi lang siya pumapanig kahit kanino, hindi siya pumapanig nung mga taong magsisilbi sa kanya, yung sunud-sunuran sa kanyang kalooban, pinapanigan niya ang sino ang may katwiran and more importantly, hindi lang nagpapanig, minumulat niya tayo sa ating konsensya kung saan ay malalaman natin kung tayo’y nagkasala, kung tayo’y may katwiran o wala, kung tayo’y nakagawa ng mali o kamalian sa kapwa.

And this is more important in a leader. A leader who does not simply side with anybody but a leader who awakens the conscience of his people, a leader who teaches us what is right and what is worng and upholds what is right. Hindi yung pinapatawa-tawa tayo, binobola kundi tinuturan tayo kung ano ang tama at ano ang mali.

Pangalawa, ang ating Panginoon ay nagtuturo sa atin ng responsibilidad na tayo ay may pananagutan sa isa’t-isa. There are times, meron tayong hinihingi sa ating Panginoon ngunit hindi ibinibigay. Kung ang ating hinahanap ay padrino, ang ating Panginoon ay hindi magaling na padrino kasi mayroong mga bagay-bagay na hinihingi natin pero hindi naman ibinibigay bakit ganon? Sapagkat ang ating Panginoon ay Hari na nagtuturo sa atin na magkakaroon ng pananagutan hindi lang sa ating sarili kundi sa kapwa. Kasi ang padrino na nagbibigay kung ano-anong bagay, kung anuman ang kailangan ng kanyang tau-tauhan ay hindi nagtuturo ng responsibilidad sa kanyang kawan.

Kaya mga kapatid, tinutulungan ntayo ng Panginoon, binibigyan tayo ng biyaya ngunit hindi sa paraan na wala man tayong ginagawa para sa ating sarili at hinding-hindi sa paraan na ang ating sarili lamang ang ating iniisip. Itutuon natin ang ating paningin sa ating mga kapatid, sa ating kapwa na kung ating makamit man ang ating pangangailan, tanungin natin ang ating sarili “okay ang pangangailangan ko, eh ano kaya ang aking kapitbahay? Itong bahay namin ay hindi binabaha pero dahil inangat ko lahat ng aking bakuran ay sila’y binabaha” tama po ba iyon, tama kaya iyon. Bahala na silang lumubog basta ang sa akin ay maka-ahon. Walang pananagutan. Hindi tayo matututo na magkakaroon ng pananagutan sa isa’t-isa kung binibigay na lang ng lahat para sa atin.

Pangatlo at panghuli, gustong-gusto natin ng Padrino na kung tayo’y may hinaing at may reklamo sa kapwa ay pinapanigan kaagad-agad tayo, hindi tinitignan kung sinong may katwiran, inuusig ang ating mga kalaban. Magaling iyan. Ngunit ang ating Panginoon ay hindi nagiging Hari sa ganoong paraan.

Minumulat niya tayo na hindi natin kalaban ang mga tao at ang ating mga kapitbahay at kung sinuman ang tinitingala at pinagiisipan natin na ating kalaban, ang ating Panginoon ay nagmumulat sa atin upang magkasundo tayo sa mga taong ayaw natin o ayaw sa atin.

God does not divide, God desires that all is children will be together, magkaisa at hindi siya pumapanig hangga’t mayroong pang pagkakataon na magpapanibago ang isang tao, binibigyan niya ng pagkakataon. Kaya minsan tayo’y nagigng mainitin, kailan kaya puksain ng Panginoon ang lahat ng taong masasama. Kaya kung mayroong Panginoon o merong Berdugo na pumupuksa sa mga taong inaakala nating masama, pumapalakpak tayo. Hindi ganoon ang pagkahari ng ating Panginoon sapagkat hangga’t maaari sisikapin niya na magkasundo tayo kung sino-sinoman ang may hidwaan upang magkakaroon ng pagkakaisa. That all maybe one, ayon sa ating Panginoon sa kanyang dasalin sa kanyang Ama.

Mga kapatid, ang ating Panginoon ay Hari, hindi Padrino. Siya ang tunay na Hari at siya’y nagtuturo sa atin kung ano ang tama at mali, minumulat niya ang ating konsensya upang magkakaroon ng pananagutan sa isa’t-isa at magsumikap na magkasundo sa mga taong mayroong hidwaan upang tayo’y maging isang kawan. Ang kanyang mga anak sa iisang Diyos at iisang kaharian.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s