Quiapo Church 20 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-20 11-45-14-968.jpg

Holy Mass for the 33rd Wednesday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 20 NOVEMBER 2019

Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.

Mabuti ang Diyos, amen. Ito ang nais sabihin ng ating Ebanghelyo ngayon, mabuti ang Diyos. Sabihin mo sa katabi mo “mabuti ang Diyos.” Huwag nating kalilimutan ang kabutihan ng Diyos. Kung mayroon tayong isang bagay na maalala lagi tungkol sa Diyos, ito ang kanyang kabutihan.

Katulad noong Panginoon sa talinhagang ibinahagi ni Hesus, nagbigay ng iba’t-ibang biyaya sa mga alipin ang Panginoon. Lahat binigyan, hindi man pantay-pantay pero lahat meron. Lahat nagkaroon, yung isa nabigyan ng Lima, yung iba naman nabigyan ng Sampu, yung iba nabigyan ng Isa pero lahat mayroon. Ganyan kabuti ang Diyos, lahat magkakaroon, hindi man pantay-pantay pero lahat mayroon.

Ngunit hindi lang tungkol sa kabutihan ng Diyos ang sinasabi ng Ebanghelyo dahil ang Ebanghelyo pinapatungkol sa atin, pinapatungkol sa mga taong nakatanggap ng biyaya mula sa Diyos. Ang tanong, anong ginawa mo para pagyamanin ang biyaya ng Diyos?

Sino po sa inyo may dalawang kamay, itaas ang kamay. Sino po sa inyo may dalawang mata, taas ang kamay. Pantay-pantay ba tayo? Hindi lahat may dalawang kamay, tama? Yung iba isa, mayroon namang iba wala pero hindi nangangahulugang walang binigay sa kanila. Yung iba mayroong dalawang mata, yung iba walang paningin pero hindi nangangahulugang walang ibinigay sa kanila ngunit ang tanong, paano natin ginamit ang dalawang kamay? Paano pinagyaman ang ating dalawang mga mata? Ito ang hamon sa atin na biniyayaan ng Diyos. Kailanman hindi na madadagdagan ang Dalawang kamay, dalawa lang iyan pero pwede mo itong paramihin sa pag-gamit ng kabutihan.

Dalawa man ang kamay mo, dadami ito kung marami kang natutulungan, dadami ito kung ginagamit mo ito sa kabutihan.huwag tayong tumulad doon sa isang alipin na binigyan ng yaman, biniyayaan ng Diyos pero hindi ginamit. Kung minsan ito yung kulang sa atin, yung gamitin ang yaman na binigay ng Diyos. Paano mo ginamit ang katalinuhan, pansarili ba o naipasa mo sa iba. Nung nagturo ka ng karunugan, nung nagturo ka ng aralin, paano mo giamit ang iyong boses, ito ba ay ginamit mo nung ikaw ay naglingkod sa simbahan o ginamit mo lang kakapangsermon mo sa iyong anak. Paano mo ginamit yung mga paa, ito ba ay nakatulong para pagyamanin ang iyong pamilya o para lang sa iyong sarili.

Ang Diyos mabuti, nagbibigay sa lahat ngunit ang tanong “paano natin pinagyayaman ang biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin?” isa lang ang tatanungin sa atin sa huli “anong gagawin mo sa biyayang ibinigay ko?” ang hamon pagyamanin, ibahagi sa iba at gumawa ng kabutihan galing sa biyaya at kabutihan ng Diyos na ibinigay sa atin. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s