Quiapo Church 13 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-14 12-20-55-652.jpg

Holy Mass for the 32nd Thursday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 14 NOVEMBER 2019

Magandang Umaga po sa inyong lahat.

Muling tinanong si Hesus ng mga Pariseo, ng mga may duda sa kanya. Ang tanong, kailan magsisimula ang paghaahri ng Diyos. Kailan? Kailan magsisimula ang paghahari ng Diyos. Muling sinusubok na naman si Hesus ng gma taong may duda, ng mga taong kumekwestyon sa kanya sapagkat nararamdaman na nila na si Hesus ay isang Propeta, na si Hesus ay gumagawa ng kababalaghan.

Kaya nga’t sinusubok nila ang galing ni Hesus pagdating sa Diyos. Ngunit malinaw ang sinabi ni Hesus sa kanila “nagsisimula nang maghari ang Diyos sa Puso ng tao.” Ang hinahanap kasi ng gma Pariseo ay lugar, ang hinahanap kasi nila ay isang lugar na kung saan maghaahri ang Diyos. Pero para kay Hesus ang paghahari ng Diyos ay hindi isang lugar, kundi isang desisyon na pagpili sa Diyos.

Naghari na ang Diyos sapagkat noong nilikha ng Diyos ang mundo, sa kanya ito. San kanya nagmula ang lahat kaya ito ang paghahari ng Diyos ngunit nawawala lang ang paghahari ng Diyos kapag pinipili nating maghari ang iba sa ating buhay. Halimbawa sa ating tahanan, sino ang pinaghahari ninyo sa inyong tahanan. Noong ikinasal kayo, humingi kayo ng basbas sa Panginoon. Binasbasan kayo ng Panginoon, ngunit ngayon kayo’y nagsasama na, siya pa rin ba ang naghahari o iba na? Siya ba ang pinupuntahan, siya ba ang tinatakbuhan pag may problema, siya ba ang hinihingan ng tulong o baka naman yoong kabit, o baka naman yung ibang tao na. Minsan kaya nasisira ang pamilya, iba ang pinaghahari natin.

Ganon din sa ating mga trabaho o negosyo, sino ba ang naghahari dito? Kung Diyos ang naghahari, bakit may korupsyon? Kung Diyos ang naghahari, bakit ka nandadaya? Bakit ka nangungupit? Bakit may panloloko? Sa ating komunidad, sino ba ang naghahari, ganon din sa Gobyerno. Kahit saan ang Diyos nagsimula nang maghari ngunit kadalasan nawawala ang paghahari ng Diyos dahil iba ang pinipili nating maghari sa atin.

Simulan, balikan ang paghahari ng Diyos dito sa ating mga puso para lahat ng ating gagawin ay paghahari ng Diyos. Yung ating mga mata, yung ating mga bibig, yung ating mga kamay sino ang naghahari sa mga ito? Diyos ba o ang Demonyo?

Malinaw ang sinasabi ni Hesus, ang paghahari ng Diyos ay hindi isang lugar kundi isang desisyon, sa pagtingin, sa kung nasaan ang Diyos. Nagsimula nang maghari ang Diyos nang simula nating likhain. Panatilihin nating itong naghahari sa pagpili sa Diyos at paggawa ng kabutihan sa iba. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s