Holy Mass for the 32nd Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 10 NOVEMBER 2019
Si Kristo’y namatay, upang tayo’y mabuhay.
Si Kristo’y namatay, upang tayo’y mabuhay. Kahapon po ay nagbahay-bahay ako, bumisita ako kahapon ng hapon dito sa ating komunidad, nag-iikot po ako. Inililipat po namin ang Birhen ng Fatima upang magrosaryo at pinakain ako doon kasama na ang mga kasama ko dito sa formation team sa ating Family in light. Tapos dalawa sa mga bata, naalala nila ako, aba kumakanta sila. Yung ewan ko ba kung saan, kinakanta nila itong kantang ito, kaya sumbaya ako (sings) “Mga Banal / nasa langit / mga Banal nasa Langit. / nawa tayong lahat mapabilang / mga Banal na sa Langit.” Ayan. Pati yung mga bata kumakanta, nagkantahan kami, ano yung kantang ito “Mga Banal sa Langit” nawa tayong lahat mapabilang, mga Banal na sa langit.
Ngayong Nobyembre, ginugunita natin ang “Todos los Santos” at nagdadasal para sa ating mga yumao. Dito sa Quiapo, marami po tayong pinagdadasal. Sa harapan po ninyo, mga pangalan ng mga ating mahal na yumao. Mahalaga ang tema para sa ikatatlumpu’t dalawang Linggo. Sa mga nagmamahal sa Senor, sa mga naglilingkod sa Senor, sa mga tapat sa kanya, muli silang bubuhayin. Bubuhayin ang mga lingkod na tumugon sa kalooban ng Senor. Ito po pinakamahalaga, ang sentro ng ating pananampalataya, pinarusahan ang Senor, nagdala siya ng Krus ngunit sa ikatlong araw, siya’y muling binuhay at kung tayo’y mga taga-sunod sa Senor, kung ano ang nangyari sa kanya, tayo din ay muli niyang bubuhayin, mga kapatid.
Sa ating unang pagbasa mula sa ikalawang libro ng mga Macabeo, sinabi dito, meron isang pamilya, pito ang anak. Sinubukan sila ngunit sila’y naging tapat. Sabi ng nanay “Hijo, anak, maging tapat tayo sa Panginoon kahit na ang buhay mo ay hihingin sa iyo. Kahit ang pinakabunso, musmos. Ako’y magiging tapat” at ang pangako sa pamilyang tapat, muli silang bubuhayin sa huling araw. Maging modelo, pinagdadasal natin ang pamilya, lahat tayo maging isang malaking pamiliya po tayo, ating komunidad ng Nazareno. Nawa wala pong maiiwan, lahat tayo’y muling bubuhayin sapagkat ang Senor na nagpasan ng Krus at namatay para sa atin, muling binuhay.
At sa Ebanghelyo natin ayon kay San Lukas, maikling bersyon po ang aking binasa. Ano yung mahabang bersyon? May isang babae, napangasawa unang lalaki, namatay. Napangasawa pangalawang lalaki, namatay. Napangasawa ikatlong lalaki -meron bang babae dito na ganon ang nangyari? Kasi ito yung buhay dito, naghahanap ng mapapangasawa. Yung iba nga hindi pa namamatay, alam na natin iyan.
Sabi ng Senor baka inaatupag natin ganyang klase ng buhay. Ba’t nauubo yung iba sa inyo. Baka dito sa daigdig na ito, iyan ang inaatupag mo, naghahanap ka ng panibagong mapapangasawa. Ang sabi ng senor “ano ba ung buhay natin sa kabila” wala pong mag-aasawa doon, wala pong maghahanap ng panibagong mapapangasawa sa kabila. Tayo po’y mga magkakapatid at ang buhay natin -kasi wala nang manganganak doon- ang buhay natin, katulad ng mga anghel. Yung mga yumao ay mapupunta sa kaluwalhatian, iyan ang ating panalangin. Kaya yung mga kasama nating nauna, sila po’y magiging kapatid natin, nauna lamang sila at sila ay magiging maligaya, maluwalhati, naglulundag, nagsasaya, umaawit, sumasayaw at susunod tayo. At ang mga anghel na nagsisiawit, yung mga sintonado sa inyo, yung bagsak sa musika, naku! Ang mga anghel ay umaawit. Papasa dapat kayo donn sa “The Voice: kids” [laughs] nag-advertise pa ako. Parang gma bata tayong magaganda ang awit para sa Senor, iyan ang buhay natin. Tayo’y mga musmos na nag-aawit ng dalisay at napakagandang tono na kaaya-aya, kalugod-lugod, kasaya-saya. Hindi po ba?
At kasama natin, sabi ni Moises, ang Diyos ay Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. Sila’y mga buhay at sila’y mga Santo, ito’y mga Santa, ito’y mga Banal. Nawa tayo’y mapabilang sa kanila at dudugtungan iyan, Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, Diyos ni Jacob, Diyos ng pangalan mo, Diyos ng pangalan mo, Diyos ng pangalan ko. Sapagkat tayo’y buhay, buhay.
Maari bang tumula na ako
Ang Diyos ating tatay
Lumikha ng bagay
Kristo siyang patnubay
Espiritu’y gabay
Birhen ating nanay
Sa Langit ang bahay
Sarili’y ibigay
Sarili’y ialay.
Tumulong sa pilay
Magbigay ng saklay
Gumawa ng tulay
Grasya’y matataglay
Pag-asa’y sumilay
Mundo ko’y makulay
Loob ko’y matibay
Walang hanggang buhay.
BUHAY, ispelengin natin, B-U-H-A-Y
Bangketa sa Langit
Ugnayan sa kanya
Halik ng inang Maria
Awit ng gma Anghel
Yakap ng ama.
Sa tulong ni Maria at ni San Jose at ang Santo para sa araw na ito, Papa Leo Magno, nawa’y lagi tayong muling buubuhayin sa huling araw ng ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.