Quiapo Church 9 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-09 13-01-36-450.jpg

Holy Mass for the Feast of the Dedication of the Lateran Basilica

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 9 NOVEMBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Ngayon po ang Kapistahan ng Pagtatalaga o Dedication ng Simbahan sa Laterano, Roma o Lateran Church na kung saan dito nakaupo bilang obispo ang Santo Papa, dito po nasasakupan nito. At ang Sambahang ito ay dinonate noon ng isang mayaman na may-ari nitong palasyong ito at nong panahon ni constantino ay ipinagkatiwala na ito sa Simbahan para maging Katedral sa Roma at siyang magpasahanggang ngayon ay nanatiling upuan ng ating Santo Papa bilang Obispo.

Sa ating Ebanghelyo, narinig natin na nagalit si Kristo sa mga tao na ginawang hanapbuhay ang Templo, yung pinahahalagahan dahil ang Simbahan itunuturing natin na dito nananahan ang presensya ng Diyos na dapat itong panatilihin sa kanyang kabanalan, panatilihin kung bakit siya itinayo o para saan talaga siya. Ang Simbahan, tahanan ng Diyos, bahay-dalanginan.

Kaya nagalit si Kristo dahil sa pagbisita niyang muli sa Simbahan o sa Temple sa Herusalem, masyadong nang magulo, masyado nang marumi, hindi na nakakapagdasal ang mga tao dahil ang naririnig mo ay yung gma nagtitinda na, yung mga hayop na siguro lumagpas na sila sa dapat na pwesto. Imbes na sa labas, sila mismo ay nasa loob na ng Templo.

Kaya ganon na lang yung malasakit ni Kristo para linisin, para ipahayag yung kanyang sentimiento na ang tahanan ng kanyang Ama ay binaboy na. At syang panawagan din naman sa atin na amgkaroon tayo ng malasakit sa ating Simbahan.

Una, sa Simbahang ito napapansin niyo po na sa mga nakalipas na araw, mayroon tayong dinagdag na upuan sa tulong ng mga nag-donate para mas marami tayong maaccomodate na mga Senior na maupo diyan sa inyong kinalalagyan. Ang ating Simbahan ay may on-going na pagpapapintura para pagdating naman ng Kapistahan, ng Traslacion mas maaliwalas tayo loob at labas at pinagsusumikapan pa natin na sa pamamagitan ng inyong malasakit sa inyong mga tulong ay mas maging kumportable tayo, gaya nung napapansin niyo dati, lahat kayo nagpapaypay pero sa tulong ng tatlong malaking electric fan, medyo maaliwalas na ng konti kasi ganon naman talaga dapat yung maging pakiramdam natin kkapag pumapasok tayo sa isang tahanan. So ulitin ko, ito ay tahanan ng Diyos.

At nawa, amramdaman natin na tayo talaga ay nasa loob ng isang tahanan at kapag sa isang tahanan hindi nagkakasundo, hindi nagkakaugnay-ugnay ang bawat isa, magagalit yung may-ari ng bahay. Kaya bukod sa haliging bato, syempre tayo mismo na hinihiling na magmalasakit ay tayo rin, kailangan nating suriin, tayo ba ay nakakadumi sa Simbahang ito o tayo ba ay tumutulong mapanatili ang kaayusan ng Simbahang ito.

Minsan, wala eh, kapag kayo po ay may dalang pagkain, inumin, iiwanan niyo lang diyan sa loob, dumating kayong malinis, aalis kayong marumi. Yung gma simpleng bagay na pagsinuri natin ang ating gma sarili, tayo ba ay may pakialam sa simbahan? Tayo ba may pakialam sa mga namumuno sa Simbahan o nandito lang tayo basta hihingi lang tayo sa Diyos, magdadasal lang tayo dito, di wala na. May nangyayari na sa loob ng Simabahan pero wala tayong pakialam o kaya naman hindi natin pinapansin, isa pala tayo doon sa nagiging karumihan ng Simbahan. So may pananagutan ang bawat isa sa atin.

Mayroon tayong obligasyon at responsibilidad na dapat gampanan na nawa sa tulong ng bawat isa, na sa tuwing papasok ka dito sa Simbahang ito, sa tahanan ng Poong Hesus Nazareno ay mas maramdaman natin ang kanyang presensya. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s