Quiapo Church 7 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-07 12-08-57-283.jpg

Holy Mass for the 31st Thursday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 7 NOVEMBER 2019

Kung mayroong isang bagay na magpapasaya sa Diyos, ito ang mahanap ang mga nawawala. Kung may isang bagay na magpapasaya sa Diyos, ito ang mahanap ang mga nawawala. Ito ang nais ipahiwatig at sabihin ni Hesus sa dalawang talinhagang kanyang ibinahagi; yung talinhaga ng nawawalang tupa at talinhaga ng nawawalang barya.

Ipinakita dito na iiwan ng Pastol ang kanyan siyamnapu’t-siyam na tupa para lang sa isang nawawala. Ganon din yoong may-ari ng Pilak, hahanapin niya ang isang Pilak na nawawala kahit na mayroon siyang siyam na natitira. Ganito ang Panginoon, ganito ang Diyos, hahanapin ang kaisa-isang nawawala sapagkat ito ang pangunahing trabaho ng ating Diyos. Itong kanyang pangunahing gawain, ang hanapin ang nawawala.

Hindi sinasabi na hindi masaya ang Diyos na ikaw ay nagsisimba, hindi sinasabing hindi masaya ang Diyos kapag ikaw ay tumutuling sa kawpa, hindi sinasabing hindi masaya ang Diyos kapag ikaw ay nagororosaryo o nagnonobena o nagdedeboto, ang sinasabi lang masaya ang Diyos kapag nahanap niya ang nawawala. Kaya’t walang silbi ang pagdadasal kung hindi ka naman nangungumpisal, walang saysay ang pagsisimba mo kung hindi ka naman humihingi ng tawad sa Diyos, walang saysay ang pagdedeboto mo kung sa huli pasaway ka parin dahil ang gusto ng Diyos, ang maligtas tayong lahat.

Ang pagsisimba, pag hindi sinasamahan ng pangungumpisal, walang saysay. Ang pagdedeboto, walang saysay kung hindi nagbabagong buhay. Ang pagrorosaryo natin dapat maghatid sa atin sa pagbabago’t pagsisisi dahil ito ang pangunahing tungkulin ng ating Panginoon, ang maligtas ang bawat isa sa atin.

Totoo, sadyang mayroong taong mabubuti. Totoo sadyang may tao nang madasalin kaya’t ang tinututukan ng Panginoon ay ang mga nawawala. Huwag nang lumayo, magpahanap sa Diyos. Huwag nang magsumiksik kahit saan, magpahanap sa Diyos dahil ang pangunahing tungkulin niya, iligtas ang mga nawawala at ito ang magpapasaya sa kanya. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s