Quiapo Church 6 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-06 10-49-48-021.jpg

Holy Mass for the 31st Wednesday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 6 NOVEMBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Medyo radikal at medyo nakakatakot ang mga pahayag at sinasabi ni Hesus sapagkat malinaw ang kanyang sinabi “hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.” Kaya nga sabi niya ang sinumang nagmamahal sa kanyang ama at ina, sa kanyang asawa o mga anak, sa kanyang mga kapatid o kahit na sino man nang higit sa kanya ay hindi puwedeng maging alagad ni Hesus.

Hindi sinasabi ni Hesus, huwag mong mahalin ang iyong asawa. Hindi sinasabi ni Hesus huwag mong mahalin ang iyong anak, kapatid, pamilya, ama at ina, hindi po iyon ang punto. Sinasabi ni Hesus kung mamahalin mo sila ng higit sa kanya, hindi ka puwedeng maging alagad. Sapagkat walang alagad na hindi nagmamahal kay Hesus ng higit dahil ang gusto ni Hesus, higit nating mahal ang Diyos, higit nating mahal siya kaysa sinuman at kaysa anuman.

Walang duda, mahal natin ang ating pamilya. Walang tanong, mahal mo ang iyong asawa, mahal mo ang iyong anak, walang duda doon. Ginagawa natin ang lahat para sa kanila; nagtratrabaho tayo, nagsasakripsiyo, kaya mong huwag kumain para lang sa iyong anak, walang duda doon. Pero minsan ang duda, mahal mo ba ang Diyos? Ang duda, mahal ba natin ang Diyos?

Kung para sa anak, kaya mong huwag kumain, kaya mo rin bang huwag kumain para sa Diyos? Kung sa anak mo ibinibigay mo ang iyong panahon, yung isang oras na pagsisimba, kaya mo ba ibigay sa Diyos? Iyan minsan ang duda, diyan mismo tayo pinagdududahan sapagkat sinasabi nating mahal natin ang Diyos pero wala namang tayong kayang isakripisyo sa Diyos.

Ito ang nais makita ni Hesus, ang sakripisyo natin para sa Diyos. Ang pagtalikdan sa sarili ay ibig sabihin pagbibigay ng sakripisyo. Kaya mo bang pumunta sa Quiapo tuwing Biyernes at maging deboto? Kaya mo bang magsimba lingg-linggo, walang patid kahit na mayroong trabaho, kahit pa mayroong labada, kahit pa mayroong anumang dahilan, kaya mo bang panindigan, kaya mo bang sumunod sa Diyos, kaya mo bang sundin ang kanyang mga utos, kaya mo bang maglingkod.

Mga kapatid, hindi sinasabi ng ating Poong Hesus Nazareno na huwag ibigin ang ating mga mahal sa buhay sapagkat alam na niya, walang duda doon ngunit minsan ang pinagdududahan sa atin kung paano natin mahalin ang Diyos. Hindi ibig sabihing nagbibigay ka ng pera, tumutulong ka, mahal mo na ang diyos dahil agn dusto niyang makita, talikdan ang sarili at magsakripisyo. Walang duda kaya nating gawin ito sa mga mahal natin sa buhay pero ang tanong, kaya mo rong bang ibigay at magsakripisyo para sa Diyos. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s