Holy Mass for the 31st Tuesday in Ordinary Time
Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 5 NOVEMBER 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa atin pong Ebanghelyo, ay pinapaliwanag sa atin ni Kristo kung ano ba ang mangyayari pagdating ng wakas. Mayroon tayong paghahandaan o tayo ay pinaghahandaan ng Diyos ng isang malaking piging. Sabi nga natin, ito ay ‘heavenly banquet’ na tinatawag, handaan doon sa langit, pinaghahandaan ito ng Diyos.
Pero dito sa kwento natin, mayroong mga invitation na ibinigay o ipinaguutos ang may-ari o yung nagpahanda at nais niya mayroon siyang, di ba pag tayo naman meron tayong preferred, sila yung gusto nating kasalo, sila yung gusto natin kasama sa mga pagdiriwang at nakakalungkot kapag tayo po ay hindi pinuntahan, binigyan mo ng invitation card, ang ganda-ganda ng invitation card mo pero pagdating ng araw, wala sila at pag tinanong mo, marami silang mga dahilan. Di ba nga pag-gusto may paraan, pag-ayaw maraming dahilan. Ang hirap pilitin pag-ayaw. Pero sabi dito, mayroong gustong anyayahan si Kristo pero tinanggihan siya at ito rin madalas ang pinapa-alala sa atin, lagi tayong inaanyayahan na magsimba kasi ito ay salo-salo, inihahanda ng Diyos ang hapag para sa atin pero kadalasan bakit wala tayo kapag araw ng Linggo? Anong dahilan natin, bakit ayaw nating magsomba ng Linggo o kaya naman tinatamad tayong magsimba.
Dito may tatlong dahilan o excuses na ibinibigay. Una, ang sabi nga dito ay “nakabili ako ng bukid, kailangan ko munanag asikasuhin.” Isang humahadlang para tayo tumugon sa paanyaya ng Diyos ay mga material possesion, hindi natin maiwan-iwan ang mga bagay na sa atin kaya hindi tayo makapgsimba o makapunta kay Kristo.
Pangalawang dahilan ay atin pong mga career. Minsan pagpinapili ka between the two; magsisimba ka ba o yung career mo? magsisimba ka ba o yung business transaction mo na nakaschedule o inischedule ng Linggo? “sayang yung kita Father eh kaya okay lang, huwag na muna, hindi naman masyadong importante iyan eh, dito na muna ako, kikita kasi ako dito eh.”
Pangatlong dahilan na narinig natin ay sabi “ikakasal na siya.” Minsan ginagamit nating excuses ang pamilya. “hindi ako makapagsimba kasi inaalagaan ko ang magulang ko, may inaalagaan akong maysakit, hindi ako makapagsimba kasi may reuninon kami, hindi ako makapagsimba kasi may outing kami.” So parang laging “andyan lang naman yan eh” nawawala yung importance, nawawala yung feeling na “wow” inimbitahan ako kaya ganun na lang dapat yung excited natin na makapunta kasi big time, big time yung nagiimbita sa atin at big time din tayo kung tutuusin pero yun nga, nararamdaman ba natin iyon na ‘big time’ tayo dahil inimbitahan tayo o normal na lang kasi obligasyon na anting magsimba, obligasyon lang.
Kaya kahit nandidito, minsan physically present but ayan wala, wala yung isip, tulala at kung pwede nga lang magpaalam na, kung pwede nga lang umalis na lang agad, magpapakita ka lang. Ang gusto ng Diyos, yung may quality time.
Sana po, pag-isipan natin kasi ang invitation, one time lang. Pagtinanggihan mo, kung dito sa konteksto nating ito, hindi ka na ulit iimbitahan, wala na. Gustohin mo man, nagtampo na yung nag-imbita sa atin, mayroon na siyang ibang naimbitahan, wala na tayong buang sa kanya. Amen.