Quiapo Church 4 November 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-04 11-41-43-725

Holy Mass for the Memorial of St. Charles Borromeo

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 4 NOVEMBER 2019

Mayroong tatlong dahilan kung bakit gumagawa ng mabuti, nagbibigay o tumutulong ang isang tao.

Una, yung unang dahilan siguro ito yung pinaka-common o madalas nating ginagawa o madalas na dahilan natin kung bakit tayo tumutulong, nagbibigay o gumagawa ng mabuti sa iba.

Una ay para magantihan, makakuha ng kapalit. Yung ikaw ay nagbigay, naghihintay ng kapalit. Malapit na ang Pasko, uso ngayon ang exchange gift hindi ba? yung nagbigay ka dahil alam mong mayroon kang tatanggapin. Yung tumulong ka dahil alam mo kapag ikaw ay nangailangan, may tatakbuhan ka. Yung nagpautang ka kasi alam mo babayaran din. Ito yung unang dahilan kung bakit tumutulong, nagbibigay o gumagawa ng mabuti ang isang tao, para makakuha ng kapalit.

Pangalawa, pangalawang dahilan kung bakit tumutulong o nagbibigay ang tao ay para makilala. Marami na sa atin ang gumawa ng kabutihan, tumulong at nakilala, yung iba nga nagkaroon pa ng titolo, yung iba naging lider pa natin, yung iba sumikat, nagkapangalan dahil sa tumulong. Yung nagdonate lang pero nakalagay naman yung pangalan niya sa kanyang donation. Di ba? o kaya naman yung nagpatayo ng eskwelahan ang isang Mayor pero titik naman yung pangalan niya ang nakalagay doon sa eskwelahan. Kung ano-anong mga ginagawa natin na kabutihan at pagtuliong pero ang nais naman nating ay makilala.

Ngunit yung pangatlo, pangatlong dahilan ito yung hindi madalas sa atin at magandang ito rin yung maging hamon sa atin sa twing tayo gagawa ng mabuti, sa tuwing tayo magbibigay at tutulong sa kapwa at ito rin yung tinuturo ni Hesus, yoong hindi naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay tutulong, kalimutan mo ang kapalit. Kung ikaw ay magbibigay, kalimutan mo yung sukli. Kung ikaw ay gagawa ng kabutihan, huwag mong isipin kung ano ang babalik sa iyo sapagkat malinaw ang tinuturo ni Hesus sa ating Ebanghelyo, gagantimpalaan tayo ng Diyos sa kabilang buhay.

Hindi mo man makuha ang sukli dito sa buhay, hindi mo man makuha ang kabutihan dito sa mundo pero sa kabilang buhay, mayroong ganting naghihintay sa iyo. Ito ang gantimpala na nagmumula sa Diyos.

Tatlong bagay, tatlong dahilan ang pwedeng makita sa twing tayo’y nagbibigay. Ang tanong, alin sa tatlo ang dahilan mo kung bakuit ka nagbibigay, tumutulong at gumagawa ng mabuti. Ito ba ay para makakuha ng kapalit o ito ba ay para ikaw ay makilala o ang panghuli, ito ba ay para makatulong sa iba? Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s