Quiapo Church 3 November 2019 – 6am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-03 12-43-47-778.jpg

Holy Mass for the 31st Sunday in Ordinary Time (Year C)

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 3 NOVEMBER 2019

Kinaawaan si Zakeo, patawarin nawa tayo.

Sa ating pangalawang pagbasa hango sa ikalawang sulat ni Timoteo, pangaralan ang pangalan ng Panginoon. Sa ating komunidad dito sa Quiapo at nasa likuran ko ang mga letrang (points to the Holy Name on his back) IHS, ito ang kabanal-banalang ngalan ni Hesus, sa Latin “Iesus Hominum Salvator” Tagalugin po natin para maintindihan “iligtas Hesus sangkatauhan” mahalaga po iyan sa ating komunidad sa mahabang kasaysayang ito, mahabang kasaysayan noong nakaraan pa.

Mga kapatid, may isang bata, estudantye dito sa Nazarene Catholic School, siya po’y may malubhang sakit at noong nakaraang Miyerkulas ng Gabi kinakailangan siya, tumawag dito upang humingi ng panalangin at pumunta ang isa sa mga Pari natin, nandon na yung panyo ng Nazareno, binigyan na siya ng huling Sakramento yung pagpapahid ng Langis at dinala ang kamay ng Nazareno. Ito, noong Miyerkules ng gabi at nagtext sa akin si Fr. Leo (Ignacio) asistenteng direktor ng Nazarene Catholic School noong madaling-araw, kinabukasan bigla na lang naging normal ang kondisyin ng batang ito, ang pangalan ng bata ay si Zenit. Sabi ng Nanay “milagro! milagro!” sapagkat lalagyan na ng tubo, nandon na yung mga doktor akala nga ay malapit na sa kamatayan, sampung taon lang itong bata. Hindi lamang iyan, unang kaso ito’y Linggo lamang ito. Yung pangalawa y yung kapatid ni Fr. Raul (Salgado), nandito sa San Juan de Dios (Hospital) naku, abalang-abala si Fr. Raul, nanghihingi ng dasal, alam niyo naman kung gaano kaaktibo sa Facebook si Fr. Raul, delikadong-delikado na ang kalagayan, hamak na mas bata sa atin, tayong matatanda na, ang kapatid ni Fr. Raul. Umiiyak na siya ngunit ang huling balita ay normal na, balita na, salamat sa Poong Senor. Palakpakan natin ang Poong Senor mga kapatid. Parangaln natin ang kabanal-banalang ngalan ni Hesus.

Pangalawang pagbasa pa lang iyon, hindi ko pa naipapaliwanag ang unang pagbasa at ang Ebanghelyo natin pero iyon ang pinakamahalaga. Gumawa ng milagro ang Senor, parangalan natin, sambahin natin, luwalhatiin natin, papurihin natin, mahalin natin, paglingkuran natin siya.

Tama na po pero mahalaga ang sa ating unang pagbasa, karunungan at Ebanghelyo ayon kay San Lukas, ito’y kay Zakeo. At itong Nobyembre, pinagdadasal natin ang mga kaluluwa sa Purgatoryo at sana din tayo at ang mga nasa Purgatoryo mapunta sa Kaharian sa Langit, iyan po ang pinagninilayan natin ngayong mga araw na ito. Itong sinabi ni Hesus kay Zakeo at sana sa atin, bawat isa sa atin “ang Kaligtasan ay dumating na sa sambahayang ito.” Kung sinabi ng Senor “ligtas ang pamilya mo, ligtas ang komunidad natin” alam niyo ba ang ibig sabihin ng kapahamakan’ na hindi maligtas, yung dalawang halimbawang totoo na nabanggit ko. Kung mawala sa iyo ang 10 taong anyos na anak mo, kung mawala sa iyo ang 40-pasadong anoyos na kapatid mo, alam nyo ba ang hindi ligtas, nandon ka na, inaagaw na ng kapahamakan sa buhay mo at sinabi ng Panginoon “ligtas ka, ligtas ang sambayanan mo, ligtas ang pamilya mo” ligtas ang komunidad natin.

Ating unang pagbasa, tayong matitigas ang ulo, tayong pasaway, tayong paulit-ulit na nagkakasala, mabait ang Diyos, siya’y mapagpatawad. At kay Zakeo, alam niyo naman sa Langit mapupuno ito ng mga maralita, ng gma mahihirap, ng mga dukha. Iyan ang paborito ng Panginoon ngunit hindi ibig sabihin walang mayaman, may eksepsyon din. Ganyan ang Diyos, hinahanap niya yung partikular, hindi ito yung pangkalahatan, pang-heneral, ika nga sa bentahan “whole sale” lahat na, bahala na. Nakita niya si Zakeo, baka mas banal ka pa kay Zakeo, baka mas mabait ka kay Zakeo. Kaya nga yung ating past-time “tsismis” sila’y nagbulung-bulungan. Eh bakit siya pupunta sa bahay niya? Hindi ba mas magaling ako? Hindi ba mas naglelektor ako? Di ba nangongolekta ako? Di ba anglilingkod ako? Mas banal ako diyan, eh bakit sa taong iyan? (whispers) tsismis, tsismis.

Tayong mapaghusga, sinabi nga ng Senor, makinig kayo sa huling linya “ang Anak ng Tao ay dumating para iligtas ang makasalanan.” “zakeo, bumaba ka” pasensya na lang, wala akong pinapatamaan, nakita ni Hesus kahit siya napaka -salita dito- pandak, sabihin natin kulang sa height. Nakita ni Hesus, ang sabi niya “kailangan ko” sa dami-dami ng tao, kailangan kong bumaba sa bahay na ito at si Zakeo naman tuwang-tuwa at yung mga tao mapanuri, mapanghusga. Ito ang maganda kay Zakeo “Panginoon” kasi kinasusuklaman siya, publikano siya, corrupt, mandudugas ng kaban, maraming pera, puro pagnanakaw, “kalahati ng ari-arian ko sa mahirap, Panginoon at kung may nadaya ako sa inyo, apat na ibayo.” Ito maganda kay Zakeo, handa niyang iwan ang lahat. Ano ba ang kayamanan? Maubos na ang lahat ng kayamanan’t ari-arian kasi nakita na ni hesus ang desisyon niya, iiwana niya ang lahat para sa Panginoon. Okay na ba? Tutula na po ako.

Zakeo

Ikalat sa Dyaryo/ ikalat sa Radyo
Dalawang Milenyo/ ating Hubileyo
Magsisaya tayo/ sa anibersaryo
Makinig s apayo/ langit ang tropeo
Santantlong misteryo/ nagpatawad sa ‘yo
Hesus sa Kalbaryo/ kanyang Sakripisyo
Birhen tuwing Mayo/ dasal ng Rosaryo
Tulad ni Mateo/ buhay ni Zakeo

Salamat po.

Zakeo, ispelengin natin ang Zekeo, may Z
Z-A-K-E-O

Zero ang babayaran
Awa ng Diyos, abswelto tayo
Kasalanan ay tinaggal
Espesyal na pagtrato
O patawad

Sa tulong po ni Maria at ni San Jose at ng Santo para sa araw na ito, si San Martin de Porres, nawa’y tayo’y magsisi at magbalik loob, magbagong buhay ni Zakeo alang-alang sa ating Nuestro Padre Hesus Nazareno. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s