Quiapo Church 2 November 2019 – 7am Misa Nazareno Homily

 

bandicam 2019-11-02 16-27-51-457.jpg

Holy Mass for the Commemoration of All the Faithful Departed

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 2 NOVEMBER 2019

Isang magandang Umaga po sa inyong lahat.

Ngayon po ang pagmimisa natin para sa mga yumao nating mga mahal sa buhay, mga kaibigan at maging yung mga hindi natin kakilala na mga Kristiyano, atin po silang idinadalangin at ipinagdarasal.

Sino na po ang nagpunta sa Sementeryo? … nakapunta na po kayo? Hindi naman ito yung isang beses na nakapunta kayo sa libingan kung saan naroon ang labi ng inyo pong mga mahal sa buhay. Naisip niyo ba na, na pagdumadalaw sa sementeryo kayo kaya, ako kaya, kailan kaya ako ilalagay diyan. Parang gaano kalaki, kayaamn o kahirap ang siang tao, yun lang minsan kapiraso na ganyan, kasya ka o sabihin natin yung mahaba, iyun lang ang kailangan natin pagdating ng muli. Pero minsan o kadalasan, tayo, takot tayong pag-usapan ang oras ng ating kamatayan.

Sabihin niyo nga po sa katabi niyo “kailangan mong mamatay” yung iba ayaw ano, mag knock on wood pa nga iyan eh, ano gusto niyo ba maiwan kayo sa mundong ito, wala na pati apo niyo, kayo buhay pa. Yun yung gma bagay na pagsinasabi’t pinag-uusapan, ayaw natin. Kaya nga lagi nating pinapaalala kahit si Kristo paghandaan, dapat laging handa kasi ito yung bahagi na buhay natin na hindi pwedeng takasan, hindi pwedeng ayawan kasi haharap at haharap tayo sa punto at oras na tayo po ay kinakailangang mamatay kasi kung hindi tayo mamamtay, hindi tayo mabubuhay. Kung hindi tayo mamamatay, hindi tayo mabubuhay o bubuhayin ni Kristo, thats the only way. Hindi tayo mamamatay, hindi tayo mapabibigyan ng buhay na walang hanggan.

Sa Unang pagbasa, sa aklat ng Karunungan sinabi po doon ay akala ng mga tao parusa sa tao ang mamatay. Sa aklat ng Karunungan, hindi parusa ng Diyos ang kamatayan kundi dahil doon sa kamatayan mararanasan nila ang isang buhay na wagas, masaya at buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos. Ano na? Ayaw pa rin, di pa rin kumbinsido? Gusto pa “Lord, pagkalooban mo pa ako ng mahabang buhay, Lord. Meron pa akong misyon Lord” iyun ba yung mga dialogue ninyo kaya pagnagdadasal kayo sa harap ng Nazareno “Lord, sige na pagalingin mo pa ako Lord kasi meron pa akong misyon, marami pa akong gustong gawin” misnan, gusto na tayong makasama ng Diyos eh. Kaya isang mentality natin di ba ano, kapag nandon tayo sa eksena ng nag-aagaw buhay o kaya namatay, ang sinasabi natin sa mga tao, sa mga naiwan “okay na iyon, buti pa nga eh hindi na siya makakaranas ng gutom, hindi na siya maghihirap” iyun yung mga consuelo na kailangan nating marinig. Ngayon kung saka-sakali, hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na wala na iyung tao sa buhay mo, hindi ka makamove-on, hintay ka lang susunod ka na. Minsan ayaw mong mag move-on, ayaw mo naman sumunod, saan tayo pupunta?

Kaya nga ngayon, hindi natin dapat kalimutan ang mga mahal natin sa buhay pero hindi ibig sabihin, titigil na ang mundo natin. Hindi ibig sabihin titigil na tayo at wala na tayong pakialam sa mga taong naiwan sa paligid natin. Kasi habang hinihintay natin yung panahon natin, naghahanda na tayo, pinasasaya antin, inaayos na ang mga buhay natin. Wala pa rin, ayaw pa rin? Kasi sabi nga po sa Ebanghelyo ang hangad ni Kristo, ang gusto ni Kristo kasi ang bilin ng Diyos Ama, wala ni isa sa atin ang mapahamak kaya’t gumagawa siya ng lahat ng paraan maging ang magbigay ng sarili niyang buhay, maging ang mamatay para sa atin, ginawa niya para lamang tayo maibalik sa langit, doon sa tahanan ng ating Ama.

Tanungin niyo nga ang sarili ninyo “handa na ba ako?” kausapin niyo naman ako, tulala ba kayo?, nalulungkot ba kayo? hindi naman. Eh kung nalulungkot kayo, baka pwede na mamaya kunin na ni Lord kasi nalulungkot ka naman pala eh, buhay ka pa pero wala ka namang buhay. Buhay ka pa pero puro ka problema. Buti pa yung mga patay, wala nang pinoproblema iyan. Kaya dapat maexcite tayo pero habang -ang sabi nga- tayo po ay patuloy na munang mag-aalay ng panalangin para sa mga yumao natin kasi ito ang kailangan na kailangan nila. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s