Quiapo Church 1 November 2019 – 7am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-11-01 13-18-16-764.jpg

Holy Mass for the Solemnity of All Saints

Homily of Most Rev. Teodoro Bacani, DD
Bishop-emeritus of Novaliches

QUIAPO CHURCH, 1 NOVEMBER 2019

Mga minamahal kong kapatid sa Poong Hesus Nazareno, magandang umaga po sa inyong lahat.

Ngayon po ay napakahalagang Piyesta, Piyesta ng lahat ng mga Santo. Alam niyo po ba kung sino yung gma Santong iyon? Iyon ang mga nauna na sa atin na tinaggap na ng Panginoon sa kanyang Kaharian sa Langit na nagtatamasa na ngayon ng ganap na kaligayahan, wala nang tinitiis na hirap, wala na ring kasamaan sa kanilang gma puso’t kaluluwa, dinalisay na sila ng Diyos sa pamamagitan ng Biyaya ng Diyos at sa pamamagitan naman ng kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa tao. Yung milyong-milyong mga kaluluwa na kapiling na ngayon ng Diyos, mga nagtagupay na at kailan hindi na muling madadapa o matatalo, ang mga iyon ang ating pinagpupugay ngayon at pinangangaralan, ang mga Santo ng Panginoon. Palakpakan po natin sila ng malakas. [applause]

Alam niyo po, pagka first Friday, si Msgr. Coronel ang ating Parish Priest dito na napakabait ay sinasabi po niya sa akin “Bishop, ang daming mga tao, ang daming mga deboto ni Hesus Nazareno” tuwang-tuwa siya. Pag kayo at ako ay pumasok sa Langit, sasabihin natin “naku, higit pa palang marami ang naririto, hindi lang pala milyon kundi bilyon” napakaraming ng mga Banal na kapiling ng Diyos, Amen (crowd responds “Amen”). At alam niyo, iyong mga iyon, ang kanilang pinakamimithi ngayon ay ang makasama nila tayo upang tayo rin ay maging tagumpay na katulad nila at magtamasa ng kaligayahang walang hanggan na kasama nila balang araw, tayo rin, champion din tayo na kasama nila. Palakpakan natin ang Panginoon. [applause]

Inaasam-asam po ba ninyo iyon na kayo balang araw, ako, tayong lahat, magkasama-sama sa Kaharian ng Langit, inaasam ba ninyo? Gusto niyo bang makapasok sa Kaharian ng Langit? Gusto ba ninyong makapiling ang Diyos magpakailanman? Gusto niyo bang magtagumpay kasama ang Panginoong Hesukristo? Iyan ay magiging atin, mga minamahal na kapatid, isipin ninyo nung kayo ay lalangin, nung kayo’y binyagan, itinalaga na kayo ng Diyos para magtamasa niyan. Narinig ninyo, ikalawang pagbasa ngayon, narinig ba ninyo, pinakinggan ba ninyo sabi “tignan ninyo kung gaanong kalaking pagmamahal ang binigay sa atin ng Ama na tayo ay tawaging Anak ng Diyos at tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos.” “mga minamahal” dugtong pa “tayo ay mga anak ng Diyos ngunit hindi pa natin nalaalman ngayon kung ano ang ating magiging kalagayan sapagkat pag dumating siya matutulad tayo sa kanya, sapagkat makikita natin siya.” Matutulad tayo sa Panginoong Hesukristo. Amen.

Masaya po ba kayo? Dapat lamang -akalain ninyo, pagnagkasama-sama tayo sa Kaharian ng Langit, wala nang magmumura doon. Akalain ba ninyo pagnagkasama-sama tayo doon, wala nang tsismoso’t tsismosa doon, wala nang nangbubugbog, wala nang nangdadaya, wala nang sinungaling, tayong lahat ay pawang gma mabaabit na, dalisay ang puso, maaliwalas ang kaluluwa sapagkat kasama na tayo ng Diyos sa kanyang Kaharian. Amen.

Nakatutuwa, pag nagkita-kita tayo doon, kalabitin ninyo ako at sabihin ninyo “hoy Bishop, mabuti’t nandito ka na” sasabihin ko “sino ka ba?” “kasama po ako sa mga nagsisimba sa Quiapo noon, Deboto ng Poong Hesus Nazareno. Sumama ako sa kanyang paghihirap, ngayon kasama ako sa kanyang ginhawa at tagumpay.” Amen.

Ayan po ang ating asam-asam at sikapin natin ang sinasabi dito. Oh susubukan ko po, alam niyo naman ang sinabi ng Panginoon, mapapalad. Isa lang bagay ang inihihingi ko sa inyo, halimbawa sabi dito “Mapapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos.” okay, sabihin naman ninyo “Mapapalad ako na aba na walang inaasahan kundi ang Diyos” Amen. O subukan nga po natin, isa-isahin natin, sabi “Mapapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos.” sabihin naman ninyo “Mapalad ako” tayong lahat “Mapalad ako na aba at wala nang inaasahan kundi ang Diyos” ulitin natin naman, isa “Mapapalad ang mga mapagkumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.” Sabihin ninyo “Mapalad akong mapagpakumbaba sapagkat tatamuhin nila ang pangako ng Diyos.” “Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” Sabihin natin “Mapalad akong malinis ang Puso sapagkat makikita ko ang Diyos.” “Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo.” Ulitin natin “Mapalad akong gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo.” Tayong lahat [crowd repeats the sentence].

Ayan po, isa-isahin natin sapagkat balang araw, matatamo natin ng ganap iyon, ang Pagpapala ng Diyos. Tandaan ninyo, ngayon ipinagpipyesta natin sila, tayo Amen, darating ang araw kasama tayo sa ipagpipyesta ng mga Deboto ng Poong hesus Nazareno. Amen. Asamin natin ang araw na iyon.

Kung tignan ninyo ang mga kasama ninyo ngayon, hindi pa mukhang mga Santo ano? King minsan siguro, galit kayo sabihin niyo “mukhang demonyo” pero sa katunayan lang, kayo at ako ginagawa ng Diyos na maging Banal upang sa ganon, magkasama-sama tayo sa kaligayahan. Amen.

Ayan po ang asamin natin at hilingin natin sa ating Panginoong Hesukristo, mamayang tatanggapin natin ang kanyang Katawan at Dugo sabihin natin sa kanya “Panginoon, kasama na kita ngayon ngunit hindi kita nakikita. Darating ang panahon, magpapakita ka sa akin, ako’y liligaya ng lubos.” Amen.

Purihin po natin ang Panginoon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s