Holy Mass for the 30th Thursday in Ordinary Time
Homily of Fr. Paul Medina, OCarm
QUIAPO CHURCH, 31 OCTOBER 2019
Magandang umaga po mga Kapatid ko ni Kristo.
Ang buhay ng tao ay punong-puno ng question o mga katanungan. Mga katanungan na iilan lang ang ating masasagot, iilan lang ang ating masakyan o mauunawan sapagkat may mga malalim na katanungan sa buhay na dapat nating itanong; una, sino ba talaga tayo at ano ba ang saysay at tunguhin ng ating pagkatao at buhay.
Dito natin tignan ang mga katanungan sa ating mga pagbasa ngayon. Una na pagbasa ay mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma kabanta 8, talata 31 hanggang 39. Una nagtanong si San Pablo “kung ang Diyos ay panig natin, sino ang kalaban natin?” ibig sabihin, kung tayo ay nasa Diyos, naririto tayo sa Simbahan, ang kalaban natin ay yung nagmumura, nanlalait sa mga taong Simbahan at naglapastangan sa pangalan ng Diyos, klaro po at klaro din kung sino ang ating isuporta, klaro din na kung ikaw ay nagsuporta sa mga nagmumura at naglapastangan sa pangalan ng Diyos, kalaban ka ng Diyos.
Pangalawang katanungan na ibinigay ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma na para din sa ating buhay ngayon, sinasabi niya “sino bang makakapaghihiwalay sa pagmamahal o sa pag-ibig ng Diyos sa atin?” kung ang pag-ibig ng Diyos ay nakita po sa tanda ng pag-alay ng buhay ng ating Poong Hesus Nazareno na hindi po ipinagkait ng Diyos na ama, hindi po sinagip ng Diyos na Ama ang buhay ng kanyang Bugtong na Anak upang tayo maligtas ngunit ang buhay ng Anak ni Abraham na si Isaac ay sinagip ng Diyos na Ama para kay Abraham pero mismo ang kanyang bugtong na Anak ay hindi sinagip, bakit kaya? Dahil ito yung pagtubos sa atin, redemption. Pinabayaran tayo dahil naalipin tayo sa utang sa kasalanan at kamatayan at dahil dito kinakailangan napakadakila ang pambayad at walang ibang pambayad na pinakadakila liban sa isang Diyos na nagkatawang-tao, ang ating Poong Hesus Nazareno.
Hindi po mapapantayan kahit ano ang ating gawin upang ating maipahayag ang ating pag-ibig at pananalig o pananampalataya sa ating Poong Hesus Nazareno. Kahit anuman ang ating gawin, may mga Martir na nag-alay ng kanilang buhay, mga Propeta na nag-alay ng buhay, mga taong Banal na nag-alay ng kanilang panahon, kakayahan para sa Panginoon pero iyan ay kulang pa dahil ang Panginoon ayon sa Salmo 108, siya ay ang ating tagapagligtas, kaya ang Salmista sa Salmo 108 ay sumigaw “para mo nang Awa, Diyos ko, ako’y ipagsanggalang mo.”
Itong pagsanggalang ay isang tugon ng katanungan na maaring katanungan din “bakit kaya kinakailangan na ipagpatuloy ng ating Panginoong Hesus ang kanyang paglalakbay tungo sa Herusalem?”maari naman siyang pupunta sa ibang lugar upang siya’y maging ligtas at maari naman tayong iligtas niya, hindi sa pamamagitan ng pagdaan ng kamatayan sa Krus pero kanya pong ginusto na siya’y sumailalim sa balangkas ng karahasan na gawa ng tao upang kanyang ipahayag na ayaw ng Diyos ang balangkas ng karahasan, ayaw ng Diyos na iclaim ang buhay ng kapwa tao sapagkat napakabanal, napakasagrado ang kanyang biyaya na buhay na mismo siya na Diyos ay mag-alay nito upang sa paglaya niya mula sa kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli.
Matauhan tayo na hindi na tayo magsuporta ng death penalty, hindi tayo magsuporta ng mga taong nagpalaganap ng patayan, hindi tayo magsuporta sa mga taong naglapastangan sa karapatan ng tao na siya’y nilikha na kawangis at larawan ng Diyos, Genesis kapitulo 1, versikulo 26 nilikha po tayo na kawangis at larawan ng Diyos kaya lang igalang po natin ang ating kapwa at dahil dito, hindi po pag-aari ng kahit sino man, pinuno man siya gaya ni Herodes, hindi niya pag-aari ang buhay ng kanino mang tao kaya sinabi ng ating Panginoon sa ating Ebanghelyo ngayon ayon kay San Lukas kabanata 13, talata 31 noong pinagsabihan siya “umalis ka dito sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes” sumagot ang Panginoon “Sabihin ninyo sa alamid” sinong alamid iyon, ibig sabihin si Herodes “na nagpapalayas ako ngayon ng demonyo” ibig sabihin si Herodes ay tinuturing na demonyo. Bakit po itinuturing itong pinuno na demonyo? Sapagkat siya’y mamamatay-tao. Lahat po ng pinuno na gustong pumatay at mamamatay-tao ay itinuturing na demonyo. Ibig sabihin pag kayo’y sumuporta sa mga ganito na mga tao, nagsuporta kayo ng demonyo, hindi kayo nagsuporta sa Diyos sapagkat ang Diyos ay para sa buhay.
At dahil dito, sinabi ng ating Panginoon na ipagpatuloy niya ang kanyang gawain at pupunta siya sa Herusalem, ang kanya pong dahilan sabi niya na “hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta” bakit po, ang Herusalem ay isang banal na lungsod, kailangan ng mga banal na tao doon rin mag-alay ng buhay. Ngayon meron na po tayong bagong Herusalem, ang bagong Herusalem ay ang Simabahan, hindi po dapat mamatay sa labas ng Simbahan ang lahat ng taong Sibahan at miyembro ng taong Simbahan, hindi rin tayo lalabas sa panunungkulan at sa panindigan ng Simbahan na tayo ay “pro-life” para sa buhay, hindi po natin hayaan na mayroong magpalakad ng batas na ibalik ang death penalty, ayaw po natin ng programa na patayan ng tap, ayaw rin natin ang pagkitil ng buhay ng mga musmos pa na mga bata sa pamaamgitan ng aborsyon, ayaw rin natin na hamakin ang buhay ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng masama na bisyo gaya ng pagsususgal, pagdodroga o mga mahalay na bisyo na umiiral sa ating panibagong panahon. Napakarami na ang biktima sa ating sambayanan, sa iba’t-ibang krimen. Namayagpag ang negosyo ng droga, ang ating buhay ay nagpapairal ng tinatawag na “casino mentality” o mentalidad ng sugal ang ating buhay ay laging napahamak dahil sa mga sinungaling, mayabang at mga nasa kapangyarihan na walang ginagawa kundi lustayin ang kayamanan ng bansa o ng sambayanan.
Kaya kinakailangan natin ng isang responsable ngunit isang mapanuri na paningin sa ating sambayanan upang tayo ay magiging propeta sa panibagong panahon na sinasabi ng ating Panginoong Hesukristo, kanya pong sinasabi sa mga taga-Herusalem “Herusalem, Herusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo.” Gusto ng Diyos ang kabutihan, ibig ng Diyos na iligtas ang lahat, gusto ng Diyos na tayo ay mabuhay sa kapayapaan at pag-iibigan o pagmamahalan, wala pong makapaghiwalay sa atin sa Diyos, liban sa ating mali na pag-iisip at mali na sinusuporta sa buhay.
Ano po yung mali na pag-iisip? Mali na pag-iisip na basta yung kung ano gusto natin at kung happy tayo puweda na, hindi po pwede at mali na panindigan at pananaw na kahit na isang taoi ay mamatay tao ay suporta pa rin natin, kailangan natin ang isang maka-Diyos na paningin sa buhay, kailanagan natin ang isang makatao na pagtingin sa ating kapwa, kailangan natin na mabuhay sa kautusan ng Diyos at wala pong ibang utos ng Diyos upang siya’y maghari “ibigin ang Diyos higit sa lahat, ibigin ang kapwa tao gaya ng pag-ibig sa sarili.” Mateo kapitulo 22, verso 37 hanggang 39.
Ito ang mga nasasaad na tayo ay para kay Kristo hesus. Kung ikaw ay para sa kanya, amnindigan ka sa kautusan ng Diyos at huwag suportahin ang mga kumokontra sa kanya, yung pumapanig sa kamatayan, yung gma pumapaniug sa karahasan. Ikaw ay Kristiyano para ka kay Kristo, ikaw ay nanampalataya’t nanalig at Deboto ng Poong Hesus Nazareno. Ang panindigan mo ay ang kanyang Ebanghelyo.