Quiapo Church 28 October 2019 – 12.15pm Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-30 17-15-18-295.jpg

Holy Mass for the 30th Wednesday in Ordinary Time

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 30 OCTOBER 2019

Isang magandang tanghali po sa inyong lahat.

May tanong po sa ating Ebanghelyo na ibinato kay Kristo, ang tanong “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?” kasi po sa pananaw ng mga Israelita dahil sila ang ‘chosen people of God’ bayang pinili ng Diyos na parang sila ay automatic na maliligtas. Maliit lang po ang bansang Israel, maliit lang po ito. Kaya yung pananaw nila dahil sila ang pinili, sila lang ang maliligtas.

Pero yung tanong na ito, maganda rin sagutin o sundan ng tanong “tayo ba ay kasama sa maliligtas?” pwedeng sa mas personal, “ako ba kasama sa maliligtas?” kung yung tanong “kakaunti po ba ang maliligtas?” susundan pa natin ito “ako ba kasama ba sa kakaunti na maliligtas” sa tingin niyo po, kayo ba ang sumagot, tayo ba makakasama dito. Kasi ang sagot ni Kristo, di niya sinagot “isangdaan, isang libo, isang milyon” hindi niya sinagot “kaunti lang” hindi rin niya sinagot na marami, hindi maraming maliligtas. Ang sagot niya sa tanong “pagsumikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan.”

So kung sino yung magsusumikap, kung sino yung magtitiyaga na makapasok sa langit, iyon. Kung konti man ito iyun lang ang nagsumikap. Kung marami, maraming nagsumikap. Paano nga ba lalo pa ngayon, dalawang araw na lang gugunitain na natin ang mga yumao nating mahal sa buhay, gugunitain natin ang gma Banal na nagtagumpay sa pagharap nila sa mga pagsubok at ngayon ay nasa langit na, mga nakapasok na sa langit. Kaya muli, sasabihin ko kung tayo ba susuriin natin ang ating mga sarili, makakasama ba tayo doon sa makakapasok sa langit. Alam niyo yung pakiramdam na ma “who you” yung sasabihing “o di ba kaibigan kita, who you kayo sa akin.” Kasi dito sabi kapag naisara na ang pinto, wala na tayong magagawa, pupwede nating ibida “Lord, araw-araw naman akong nagmimisa” “hindi kita kilala” “Lord, araw-araw naman  akong nagsisimba, nagrorosaryo pa nga ako eh, nagnonobena” hindi pala counted pagdating ng araw, kasi mas tinitignan ng Diyos hindi yung panglabas na gawain natin, hindi yung kung ano yung alam natin kung hindi kung ano ang nilalaman sa kalooban natin.

Kaya tignan natin, kung tayo ba papasok sa makipot na pintuan, ano ang mga dapat hindi dalhin, ano yung mga bagay sa buhay natin na kailangan alisin, kasi ito hindi tayo makapasok kasi ang dami nating dala-dala, ano yung mga dapat itanggal. Di ba minsan kung nagbibiyahe tayo limit lang yung baggage, kung sobra kailangang tanggalin kasi excess baggage, either magbayad ka o iiwanan mo iyan. Eh sa langit, wala talaga, ikaw lang. Para makapasok sa langit, ikaw lang.

Kaya masasagiot ba natin kung ngayon ba makakapasok ba tayo doon, makakasama ba tayo doon sa kakaunti n amkakapasok sa langit, simulan na po natin ngayon. Mahirap kung nasarhan tayo ng pinto, huli na ang lahat, ayaw naman ng Diyos iyon. Ang gusto ng Diyos, lahat tayo makapasok ng langit.

Kaya nga mayroong tulong, ang sabi sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma “tinutulungan tayo ng Espiritu sa atong mga kahinaan.” May tulong din naman, siya rin naman mismo ang nagpapadala at ang tutulong sa aatin para tayo makapasok sa langit. So ibig sabihin, gusto niya makapasok tayo sa langit. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s