Quiapo Church 28 October 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-28 11-44-36-350.jpg

Holy Mass for the Feast of St. Simon and St. Jude Thaddeus, Apostles

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 28 OCTOBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa paghirang ni Hesus ng labingdalawang Apostol. Noong panahon ni Hesus, marimi na ang nagiging alagad niya, marami na sapagkat marami nang naniniwala, marami nang nakakakita ng milagro at kadakilaan ni Hesus. Maraming nakakarinig ng kanyang pangaral, maraming namamangha sapagkat maraming napapagaling sa kanilang mga karamdaman.kaya naman marami na ang sumusunod at nagnanais maging Alagad ni Hesus ngunit sa karamihang iyon, labindalawala lang ang kanyang pinili.

Labingdalawa, siguro ang hirap mammili, siguro paano aalamin kung sino sa libo-libong sumusunod sa iyo ang karapat-dapat. Labindalawa lang, hindi pwedeng isandaan, labindalawa lang ang kanyang pinili. Kaya nga amganda yung ginawa ni Hesus duito, maganda yung ipinakita ng Ebanghelyo sinabi “umakyat si Hesus sa isang burol at nanalangin ng magdamag.” Si Hesus bago gumawa ng desisyon, nanalangin, nagdasal, humingi ng tulong sa Diyos.

Magandang matuto sa mga gawaing iyon ni Hesus na kapag mayroon kang desisyong gagawin, kapag mayroon kang pasya, kapag mayroon kang pinagiisipan, isama ang Diyos, magdasal sa Diyos, humingi ng tulong sa Diyos. Kung ikaw ay nag-iisip magpakasal magdasal ka muna, yung iba kaya nagkakamali hindi naman pinagdasalan yung napiling asawa, ayan, diyan nagkakamali kapag hindi isinasama ang Diyos sa mga pasya, sa mga desisyon. Kung nag-iisip nang lumipat ng trabaho o mag-aply sa abroad o mag-resign, magdasal muna, maghunos-dili ka muna huwag puro emosyon ang iyong pairalin, maghunos-dili ka muna, tanungin mo ang Diyos “Lord, makakatulong ba ito?, talaga bang uunlad ang buhay namin? O mas lalong masisira ang pamilya ko?” kapag ikaw ay nag-iisip ng iyong kurso, ano nga ba talaga ang buhay na gusto mo tahakin, ano ba ang gustoo mong pag-aralan, magdasal ka muna. Minsan kaya tayo nagkakamali, kaya nasisisra ang buhay dahil sa maling desisyon, sa mga maling pasya na hindi isinama ang Diyos.

Kung mayroon kang gagawin sa buhay mo, kung mayroon kang desisyon o pasya na magbabago ng buhay mo, isama mo ang Diyos at sigurado hindi ka magkakamali at sigurado hindi magiging mali ang iyong pipiliin.

Ngayong araw na ito ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan nina San Simon at ni San Hudas. Si Hudas hindi yung Iscariote na nagkanulo kundi si St. Jude, may simbahan sila diyan sa tabi ng Malacanang, sila’y nagdiriwang ng kanilang kapistahan at magandang lumapit kay St. Jude. Si St. Jude ang Patron ng mga Hopeless Cases. Kung mayroon kang desisyon na gagawin at tingin mo hopeless na, lumapit kay St. Jude, humingi ng tulong kay St. Jude, si St. Jude ang tutulong sa iyo para manalangin sa Diyos.

Kung mayroon kang pasya at desisyong gagawin na magbabago ng iyong buhay, huwag kalimutang isama ang Diyos dahil kapag kasama ang Diyos sa iyong desisyon at pasya kailanman hindi ka magkakamali. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s