Quiapo Church 27 October 2019 – 6am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-27 15-09-48-123.jpg

Holy Mass for the 30th Sunday in Ordinary Time (Year C)

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 27 OCTOBER 2019

Parieso: Nagmalaki at Nagyabang
Publikano: Awa ng D’yos, nakinabang.

Mayroon po na pinuno ng ating Hijos del Nazareno, matagal na po siyang naglingkod sa Senor. Dekada na, pati ang kanyang mga magulang ay anglingkod sa Senor, siya sy si Pres. Boy. At sa langit, binigyan siya ng -bilang gantimpala- Limousine na may chaffeur. Nakita ito ni Fr. Douglas, naisip niya “siguro, ang gantimpala ko sa Langit, mas maganda kaysa sa tinaggap ni Pres. Boy”. Kaya pumunta siya kay San Juan Bautista, alam niyo hindi pa computerized ang langit, de-pahina pa naglalaway pa si San Juan Bautista “Badong, Douglas gantimpala mo Jeepney” “Jeepney! Baka may pagkakamali dito” magrereklamo na sana si Fr. Douglas kay Nazareno, didiretso na siya kay Nazareno, tumigil lamang siya, hindi na siya nagreklamo dahil nakita niya si Cardinal Luis Antonio “Chito” Tagle, DD, nakasakay ng bisikleta.

Alam niyo po dito sa Simbahan may hierarkiya; Cardinal, Monsignor, Pari, kayong mga Laiko, sinasabi ko san inyo itong ating Unang Pagbasa, ang Katarungan ng Diyos, ang kaayusan dito sa lupa, ibang-iba kaysa sa kaayusan sa kabila. At idugtong ko na kaagad ang Ebanghelyo sinabi “ang nasa ibaba ay itataas, ang mga nasa taan ibababa” narinig niyo. Ang katarungan ng Diyos, aayusin niya ang lahat, itutuwid niya ang lahat, itatama niya ang lahat.

Kaya narinig natin sa Unang Pagbasa pinapakinggan, malapit sa kanyang puso ang gma dukha, ang mga inaapi, ang mga inaaalipusta, ang mga napapagiwanan, ang mga pinagsamantalahan, ang mga tinitignan ng lipunan na walang kuwenta, sila ang may halaga sa Panginoon at sya’y nasa panig na nila. Kaya nga yung gma may disabilidad, dadalhin niya sa kanyang kaharian, katarungan ng Diyos baka hindi natin ito napapansin sapagkat pamamaraan ng Diyos minsan mabagal at ang mga hakbang ang liliit. Ngunit darating ang katarungan niya itutuwid niya iyan. Ang mga may disabilidad, ang mga lumpo, bingi, bulag, sila’y makakakita, sila’y aawit, sila’y lulundag para bang gma atleta. Yung mga pinagsamantalahan, yung mga umiyak sa buhay na ito, ang kalangitan ay apgtitipon at humanda kayo, kayong mga umapi, kayong gma umalipusta, kayong mga nagisa sa kapwa, ginamit niyo ang impluwensya’t poder ninyo para isahan ang iba, yari kayo, itutuwid niya at kung bumaligtad ang lahat, ang kasaklapan na binigay mo sa kapwa, iyon ang eternal mong mararanasan. Ganyan, babaligtad, itataob ang lahat.

Kaya nga naman sa ating Ebanghelyo, may dalawang taong lumapit sa Diyos, ang isa’y mayabang. Alam niyo sa buhay natin, ang realidad may mas magaling sa iyo “o Panginoon, salamat na lang ako ay hindi katulad ng iba diyan. Iyan nambababae, iyan sugarol, o alam ko ang bisyo nito. Di ako katulad ng lalo na iyan, ako ay nagbibigay sa Simbahan ng malaking kontribusyon.” Ang yabang. Ganyan ba natin kausapin ang Diyos? Kung ikaw kausapin kita niyan, puro na lang ako sarili ko, “hindi kita inintindi “o kita mo, ang galing-galing ko, ang husay-husay ko, bilib ka na ba” kung tayo matuturn-off sa yabang, ano pa kaya yung Diyos, paano ba natin kausapin ang Diyos?

Ang Senor, kaya nga siya’y Senor, iniligtas niya tayo mula sa ating kasalanan. Pumunta ang Anak ng Tao upang pagalingin ang mga maysakit. At ang Publikano, hindi man siya makatingin sa langit, nahihiya siya, nagpapakumbaba siya, dinadagukan ang dibdib, nagsisisi siya, nagbabalik-loob siya “o Diyos, patawarin mo ako, ako’y makasalanan” hindi ba iyan ang sincero, hindi ba iyan ang tunay. Iyan ang totoo, maging totoo tayo sa harap ng Diyos, kausapin natin siya, kaibiganin natin siya, maging malapit ang ating -mararamdaman tayong lahat ay naghahanap ng kaugnayan base sa pag-ibig at pakikipagkaibigan. Iyan po ang tamang pagdadasal. At iyun pong nagpapakababa “huwag kang magalala, pinapatawad kita, sige, ako na ang bahala sa iyo. Ikaw na mayabang ka, kala mo kung sino ka, ang yabang-yabang mo.” Ayan, alam na natin kung ano ang gagawin ng Diyos, alam na natin kung papaano lalapitan ang Panginoon.

Tutula na po ako, kung maaari

Tayo’y napatawad
Poon s’yang nagbayad
Balik loob agad
‘Wag kang magbaligtad
Sa Santo matulad
Sa Grasya lumakad
Loob nya’y matupad
Sa Langit lumipad
Ang ibon may pugad
Wala ang Alagad
Umusbong umunlad
Buhay dekalidad
Pag-ibig ilunsad
Mabuti’y isaad
Pariseo’y huwad
Kumbaba’y mapalad

Kumbaba, ispelengin ang kumbaba; K-U-M-B-A-B-A

Kilalanin na D’yos ang lahat
Umasa sa Senor
Magdasal nang tunay
Balikloob sa kanya
Alisin ang yabang
Baguhin ang buhay
Aminin ang kasalanan

Sa tulong po ni Maria, ngayon po ay buwan ng Santo Rosaryo, ni San Jose, nawa lagi tayong mapagkumbaba at tayo’y laging lingko na humihingi ng kapatawaran ng ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s