Quiapo Church 25 October 2019 – 9am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-25 13-41-41-401.jpg

Holy Mass for the 29th Friday in Ordinary Time

Homily of Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 25 OCTOBER 2019

Isang Magandang umaga po sa inyong lahat. Palakpakan po natin ang Poong Hesus Nazareno.

Ngayon po ang huling Biyernes ng Oktubre, sa susunod nating pagkikita, unang Biyernes na ng Nobyembre at November 1, yung tradisyon natin at kultura na tayo po ay dumadalaw sa puntod ng ating mahal sa buhay pero next week natin pag-usapan iyan.

Sabihin niyo nga po “gusto kong bumait” sino ba ang gusting bumait dito, para wala namang gustong bumait, ulit “gusto kong bumait, pero hindi ko ginagawa” tama ba yung aking sentence, kasi sa Unang sulat ni San Pablo sabi niya yung karanasan ni San Pablo gusti kong gunawa ng mabuti pero hindi ko magawa-gawa, hindi ko nagagawa pero kapag pinagninilayan ko din, pwede rin namang sigurin “gusto kong bumait pero hindi ko ginagawa” alam naman natin na mali yung ating ginagawa pero ayaw nating itama, alam naman natin mali pero ayaw nating itigil kasi nagkakaroon ng paglalaban sa sarili, yung sarili mo na alam mong gusti mong magpakabait, pero habagn nagpapakabait ka, dun naman lalong sumasama. Ibig sabihin, doon naman mas malakas ang tukso.

Pero nasaan nga ba talaga tayo, nandon ba tayo sa gusto nating bumait, gusto nating gumawa ng mabuti pero hindi natin magawa o gusto natin gumawa ng mabuti pero ayaw nating gawin.

Medyo, kala mo malapit pero may pagkakaiba, kaya nga ang sabi ni Kristo sa ating Ebanghelyo, sabi niya alam niyo, magaling na kayo eh, malaki na ang ipinagbago ninyo, malaki na yung narating ninyo, malayo na kasi sabi nababasa na ninyo ang kalikasan, ang panahon, kapag umihip sinasabi niyo umiinit, kapag ganito sinasabi niyo uulan, ang galing. Nababasa rin ninyo sa bituin lang, kaya na ninyong iinterpret kung ano ang mangyayari, ang galing. pero ang sabi, “bakit hindi ninyo mabasa ang kasalukuyang panahon?”

May nagcomment, “Father, parang hindi maganda na” kasi yung expression ko, may expression ako na, kapag medyo tulala na kayo sasabihin ko “Huy” eh meron daw po kasing naooffend kasi para bang “Hoy!” parang pangit pakinggan, kapag tinatawag pero sabi ko “hindi ko naman tinatawag na ‘Hoy!’ pero ‘huy’” pero pasensya na po ano kung kayo ay na-ooffend kung ganon ang dating pero hindi po iyon para alisin yung respeto kundi parang lang naging expression lang na “to call your attention” kasi yung iba sa inyo, unti-unti gumaganon (acts to bow head in sleep) di ba, pero pasensya na po dun sa mga na-ooffend. Syempre yun nga kailangan din maging aware, kailangan din maging mapagmasid baka mamaya, meron akong nasasabi na minsan hindi ko na nakokontrol kaya paumanhin na po doon.

Kaya balik natin dito, ito yung mga bagay na kailanagn aware din tayo kasi magaling na tayo eh, malaki na yung inimprove natin pero bakit na maliliit na bagay, hindi natin pinapansin. Kaya nating iinterpret kung uulan, kung aaraw, pero bakit yung kasalukuyang panahon, hindi painterpret, yung mga signs, bakit hindi ninyo makita, kasi di ba tinatanggihan si Kristo, ito yung konteksto na tinatanggihan si Kristo, matapos niyang magpakita ng signs na siya ang Mesiyas, na siya nga ang Anak ng Diyos na ipinadala dito para iligtas tayo para iahon sa pagkakasala, in the end patuloy pa rin silang humihingi ng palantandaan, patuloy pa rin nilang dinedeny yung mga palantandaang nakita nila kay Kristo. Kaya sabi, kaya niyo nang iinterpret yung gma palatandaang nangyayari pero bakit itong nasa harapan ninyo, hindi ninyo makita? Hindi sa hindi natin nakikita kung hindi, ayaw nating tingnan ang nangyayari sa kasalukuyang panahon.

Dito na nga lang sa paligid, at least sa ngayon sa paligid natin sa Manila nakikita natin, kaya naman pala nating maglinis, kaya naman palang maging maayos ang trapiko, kung marunong tayong magbasa ng signs. Minsan, may nakalagay na dito “No loading, no unloading” pero doon kamismo nakatayo, doon mo gusto “bahala kayo, gusto ko dito sumakay, dito ko gustong bumaba” hindi mo ba nakikita, gusto nating maayos ang traffic, pero ikaw ayaw mong tumulong, ayaw mong gawin. Alam mo na, ang laki-laki, hindi ka ba marunong magbasa? May mga ganong simpleng bagay hindi natin makita, yung mga palatandaan may nangyayari na o yung mga palatandaan o baka ma-offend itong gma ito ano, mga palatandaan kapag sumasakit na yung kasu-kasuan, palatandaan na iyan, tumatanda na tayo, kapag nagiging bugnutin na, nagkakaroon na tayo ng mid-life crisis, so kung alam mong may ganyang sintomas na, ano ang dapat gawin di ba, magtanong na kung may RightMed ba dito [laughs]. Kasi dinedeny natin lagi, nakikita mo na yung sign, pero dinedeny mo.

Sabihin natin, nakikita mo na yung palatandaan, medyo nanlalamig na kayong mag-asawa, nawawala na yung usap-usapan ninyo, yung mag-usap kayo. Kung nandiyan na yung signing bago pa kayo magkasira, itigil mo na yung pakikipagchat mo sign na kasi iyan na hindi na kayo nag-uusap ng asawa mo, mas gusto mong kausap yung nandodoon sa virtual. Kaya mong iinterpret, pambihira, nakikialam ka sa mga Baretto pero yung away niyo, ayaw mong pansinin, pambihira national issue. Mga sign na nandidyaan, sign na nakikita kapag nagsissimula na kayong hindi na magdasa, magsimbang mag-asawa, sign na iyan na baka pasukin na kayo ng tukso.

Hindi niyo ba nakikita yung sign, maganda na yun eh, yung technology natin okay na kasi anytime, pwede nang makipagusap, makicommunicate ka kahit saan, kahit anong oras, pero hindi mo ba nakikita, ang daming may depression sa mga kabataan, baka isa na yung anak mo hindi mo pinapansin kasi masyado kang abala sa gadget. Hindi mo nakikita pero yung issue ng mga Baretto nakikita mo ano pero yung issue ng anak mo, yung signs na nagkakaroon na siya ng depression, hindi mo pinapansin. Minsan punahin niyo rin ano ba yung pinopost ng inyong mga anak, ano ba yung sinusulat nila diyan na mga comment, pansinin mo. Naghahanap ng atensyon, naghahanap ng pagmamahal, naghahanap ng kakalinga sa kanila pero minsan ginagamit natin, wala dedma kasi “Biyernes ngayon eh, dapat nasa Quiapo ako” Ang sabi ni Kristo “hindi mo ba nakikita yung kasalukuyan” hindi naman natin sinasabi na huwag na kayo dito pero sabi lang maging mas malawak sana, mas bukas ang ating mga kaisipan sa nangyayari sa kasalukuyan lalo na sa buhay mo, sa buhay ng pamilya mo, may mga signs.

Bago pa mahuli ang lahat, di ba sabi “bago mahuli ang lahat, bago ka pa kaladkarin sa hukuman, ayusin mo na ngayon.” Mga kabataan po lagi, lagi ang sisi nito, ang bato nito sa mga magulang. Ang nangyayari sa kanila dahil sa kapabayaan ng mga magulang. Kasi ang sitwasyon ang tatay, busy sa kalaguyo, yung nanay busy din sa pakikipag chinchingan, ang naiiwan yung bata eh pero hindi mo tinitignan iyon kasi masyado tayo doon nakatingin sa iba, nakatingin sa malayo.

Sana kayo po, kayong mga naririto na talagang nagdedebosyon sa Poong Nazareno, ito yung mensahe na kailangan natin, alam natin ang palatandaan na si Kristo ang dakilang tanda ng pag-ibig at pagmamahal ng Diyos at kahit kailan, hangga’t nandidiyaan ang Imahen ng Poong Nazareno, hindi tayo pinababayaan at hindi dapat nating maramdaman iyon, nandiyan mismo ang tanda. Pero tayo din dapat yung maging tanda na totoong may Diyos. Tayo’y nagiging mukha ng tanda ng pag-ibig ng Diyos. Kung tayo din mismo magiging pabaya, para saan itong ating ginagawa?

Hmmm, o iba na iyon ha, buntong hininga na iyon ha [laughs] hangga’t hindi mo imumulat ang mga mata mo sa nangyayari sa paligid mo, sana po ano hindi mahuli anglahat, sana po bagama’t kahit huli na, kayang-kaya naman tayong tulungan ng Poong Nazareno. Amen po ba? kayang kaya niya tayong saklolohan kaya lang mararanasin natin yung kumplikadong buhay, yung problema mararanasan natin ng matindi kapag pinagpatuloy nating dedmahin ang mga nangyayari sa kasalukuyang panahon. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s