Quiapo Church 24 October 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-24 13-12-40-186.jpg

Holy Mass for the 29th Thursday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 24 OCTOBER 2019

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Medyo nakakatakot yung mga pahayag o mga sinasabi ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon, sapagkat ang sabi niya “akala ba ninyo kapayapaan ang dulot ko? Hindi kundi pagkakabaha-bahagi.” Sabi niya, naparito daw siya para magdala ng apoy sa lupa, pero maganda bago tayo matakot, unawain muna natin, intindihin muna nating mabuti ang sinasabi ni Hesus.

Ano ba ang Apoy? Para sa iba, pag sinabing apoy karumal-dumal, kamatayan o kaya aksidente kapag may nasunog, pero kung titignan at uunawain natin ang isang Apoy, ano bang nagagaw nito? Una, nagbibigay ng liwanag ang Apoy, yung kandila may apoy, nagbibigay ng liwanag, yung gasera may apoy nagbibigay ng liwanag. Ano pa anng nagagawa ng Apoy, ang Apoy nagbibigay dalisay, it purifies kapag mayroong tubig sa gripo para maging malinis at puwedeng inuumin ano ginagawa? Pinapakuluan natin gamit ang apoy, dinadalisay, it purifies. Iyan ang nagagawa ng Apoy, nagbibigay liwanag, nagpapadalisay.

Ano pang gamit sa Kusina yung mga pagkain natin, pinapainit o kaya niluluto ang mga hilaw na pagkain, iyan ang ginagawa ng Apoy. Ngunit kasama nun, ang Apoy nakakapaso, nakakapanakit, aaay ka kapag ikaw ay nadikit. Ngayon dalhin naman ang konteksto ng apoy sa Bibliya, noong unang panahon, noong panahon ng Lumang Tipan ang Apoy ay ginamit ng Diyos para ipakita ang kanyang presensya. Tuwing magpapakita ang Panginoon, ito ay sa pamamagitan ng Apoy, hindi ba nung tinawag niya si Abraham [Moises] nagpakita siya sa Burning Bush, sa pamamgitan ng nagniningas na Apoy. Ang Apoy ay presensya ng Diyos sa atin. Ang Espiritu bumaba, Holy Spirit gamit pamamagitan ang apoy. Ang apoy presensya ng Diyos sa atin.

Ngayon kung dadalhin natin sa ating konteksto, totoo ang sinasabi ng Diyos, siya ay magadadala ng Apoy sa lupa, totoo yung presensya ng Diyos, yung salita ng Diyos, yung kanyang mga pangaral nakapagbibigay liwanag, nakakapagpadalisay sa atin ngunit minsan nakakapaso din. Kaya nga pag tinatamaan tayo sa sinasabi ng Diyos, umaaray tayo, nasasaktan tayo, kapag pinapangaralan tayo, nagkakahati-hati tayo, nagtatampo tayo. Ganyan ang sinasabi ni Hesus.

Ngunit ang kanyang hatid ay apoy na nagpapadalisay at kaliwanagan sa lahat. Alam niyo po kapag ako’y nangangaral sa bahay namin, kapag nakikita ko yung mga pamangkin ko na wala nang ginawa kundi mag cellphone, yan. Kasi kapag sinasabihan ko sila, nagagalit sila sa akin, nagtatampo. Kapag sinasabihan ko yung mga kapatid ko sa mali nilang ginagawa, hindi na nila ako kinakausap. Ganyan din yung mga lingkod namin, kapag tinatama ko sa mga nagagwa nila, nagagalit sabi “ang sungit-sungit naman yang Paring iyan” iyan mga nagagalit po iyan sa akin pero ganon naman, ang pagtatama ng Diyos nagbibigay liwanag sa mga maling ginagawa, nagpapadalisay sa atin, nagpapabuti sa atin pero totoo masakit kung minsan, totoo tinatamaan tayo, umaaray tayo.

Ganyan ang sinasabi ni Hesus, kapag nagtama siya, kapag nangaral siya, masakit man pero may pagpapadalisay, may kaliwanagang hatid. Kaya yung sinasabi niyang “Huwag lang papatay” yung iba umaaray, yung iba nagagalit. Yung sinasabi niya “huwag kang mangangalunya” yung mga nangangalunya nagagalit, tinatamaan pero masakit man, nagbibigay ito ng kaliwanagan, kabutihan sa buhay ng tao at higit sa lahat, nagpapadalisay. Ito ang hatid ni Hesus sa ating buhay, apoy na nagbibigay liwanag, nagpapadalisay at nagpapadala sa atin sa kabutihan. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s