Quiapo Church 23 October 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-23 12-13-24-630.jpg

Holy Mass for the Optional Memorial of Saint John of Capistrano
29th Wednesday in Ordinary Time

Homily of Fr. Paul Medina, OCarm

QUIAPO CHURCH, 23 OCTOBER 2019

Magandang umaga po mga Kapatid ko ni Kristo.

Nasa mga huling Linggo tayo bago yung Adbiyento, kaya ang ating mga pagbasa ay tungkol sa paghahanda. Gaano ba tayo kahanda? Upang tayo’y maging handa sa pagdating ng Panginoon sa buhay natin, una sa lahat pasakop tayo sa Diyos at paano po mapasakop tayo sa Diyos, ito’y ating napakinggan sa ating Unang Pagbasa sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma kabanata 6, talata 12-18 na kung saan huwag nating paghariin ang kasalanan dahil iniligtas na tayo ng Panginoon, maging alipin tayo hindi sa kasalanan bagkus maging alipin tayo sa Diyos na kung saan nasa kanya ang katwiran, nasa kanya ang katotohanan, nasa kanya ang kaligtasan muli’t sabi nasa kanya ang buhay na ganap at ikasiya-siya.

At dahil dito, ang atin pong pagpasakop sa ating Panginoon bilang kanyang Alagad, bilang alipin ng Panginoon, kailangan na tayo ay magpuri at magpupugay sa Diyos sapagkat siya ang magtanggol sa atin sa lahat ng ating kaaway, ito po’y ating napakinggan sa Salmo 123 na ating napakinggan na sa ating pagbasa. Kaya dapat po nating tignan ang pagiging matapat at pagiging handa ay ang paggawa ng ayon sa ibinibigay sa atin ng Panginoon. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang biyaya ng panahon, ng talento, ng kayamanan at ng responsibilidad at paano natin ginagawa sa isang maayos na paraan ang mga ipinagtitiwala sa atin ng Panginoon.

Kaya po sa ating Ebanghelyo ngayon ayon kay San Lukas kabanata 12, talata 39-48, sinasabi ng ating Panginoon sa bersikulo 48, kabanata 12, Ebanghelyo ni San Lukas “Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay, at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.” Bilang katiwala ng Panginoon, panano po natin ginagawa ang ating misyon, paano po natin ginagawa at tinutupad ang ating tungkulin upang maayon tayo sa kalooban ng Diyos, madali’t sabi “gaano po natin binubuhay ang ating pagiging mga alagad at sumusunod ng ating Panginoon Hesukristo.”

Una sa lahat, sinasabi ng ating Panginoon darating siya ng hindi natin alam, sa ating buhay araw-araw dumadalaw ang ating Panginoon at ang huling dalaw niya sa buhay natin ay ang huling sandali ng ating buhay dito sa mundo na tayo’y dalhin na sa paghuhukom. Bago tayo dalhin sa paghuhukom, kailangan muna natin tignan, ano ba ang ating nagawa habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo. Kung may nagawa tayong mga kasalanan, ang Panginoon ay handa ring magpatawad sa atin kung tayo ay nagbalik-loob at puspusan o tunay na nagbabago sa ating sarili na atin pong iwinaksi ang lahat ng kasamaan dahil ang ating buhay ay buhay ayon sa pagsunod sa kalooban ng Diyos..

Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos siyempre una sa lahat ay ang pagiging matapat, ngayon kapag sinabi natin “ang tagal-tagal pa” tagal-tagal pa na ang Panginoon ay sumasaakin o dalawin para ika’y kunin o dalhin sa kaharian ng Panginoon o matagal-tagal pa ang kamatayan at gumagawa tayo , kung ano ano ginagawa natin, hindi kaayaaya sa Panginoon, darating ang Panginoon ng hindi natin alam, darating ang Panginoon na baka hindi tayo handa, darating ang Panginoon na hindi natin akalain na anriyan na pala siya, kailangan natin ang tunay na pagkahanda.

Paano po tayo maghahanda? Mayroon po tayong siyempre “Physical preparedness” ang paghahanda sa ating Pysical o bahagi ng ating buhay. Mayroon pong tinatawag nating “Psycolohical” na paghahanda, yung ating mga relasyon, yung ating mga pag-iisip, yung ating mga pag-uugali, yung ating pamamaraan sa buhay, psyciolohical na paghahanda. Pangatlo at pinakamahalaga, ang “Espiritwal” na paghahanda yun po ang paghahanda sa ating kaluluwa, yun pong paghahanda sa buong pagkatao natin upang tayo ay matuto na bilang Kristiyano sa mga mithiin na dapat bubuhayin upang ating matutunan ang turo ng Panginoon sa kanyang Salita, sa kanyang Ebanghelyo, sa kanyang mga ibinahagi sa atin na kanyang mensahi upang ating isabuhay sa ating buhay paano tayo umibig sa Diyos higit sa lahat, at ibigin natin ang ating kapwa, paano tayo mabuhay na nagsasaksi sa katotohanan, paano tayo nangangalaga sa kalikasan at lahat ng nilikha ng Panginoon, paano tayo nabuhay ng ating ugali ay naayon sa mga mithiin at kulturang Kristiyano na ayon sa ating pananampalataya.

Sapagkat, sabihin mo ikaw, Kristiyano ngunit hindi naman kaaya-aya ang iyong ugali, nagmumura ka at sinusuportahan mo yung mga taong nagmumura at naglapastangan sa pangalan ng Diyos, paanong masabi ikaw ay Kristiyano na gumagalang sa buhay kung ikaw ay nagpahamak sa buhay ng iba o dili kaya nagsusuporta ka sa mga tao na pumapatay o gustong pumatay at magsasabi “patayin mo iyan, akong bahala sa iyo.” Paano ka maging Kristiyano kung ikaw ay dapat nabuhay sa pag-ibig pero ikaw ay napopoot, nagagalit sa iyong kapwa o mismo yung pamilya mo ay hindi maayos ang iyoong relasyon sa isa’t-isa. Kailangan ay isang ang physical, psycolohical at espiritwal na paghahanda ay nariyan na upang darating man ang Panginoon sa anong oras, tayo ay handa na sasama sa Panginoon dahil sa katapusan ng panahon, apat na bagay lang ang dapat nating alalahanin; una, sa kamatayan nariyan ang Diyos at mayroong paghukom at pang-apat, dalawa lang ang ating mapuntahan Impiyerno at Langit, saan kaya kayo mapabilang. Kailangan natin ng tunay na paghahanda ng buong buong pagkatao natin.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s