Quiapo Church 22 October 2019 – 8am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-22 12-46-45-368.jpg

Holy Mass for the (Optional) Memorial of Saint John Paul II, Pope

Homily of Fr. Paul Medina, OCarm

QUIAPO CHURCH, 22 OCTOBER 2019

Magandang umaga po mga Kapatid ko ni Kristo.

Gaano ba tayo kahanda? Gaano ba tayo kabukas sa ating kalooban sa pagtanggap ng Pangnoon. Sa atin pong mga pagbasa ngayon, tinuturuan tayo na kung paano maghahanda. Kung tayo ay mayroong isang pagdiriwang na napakahalaga, pinahandaan po natin, meron po tayong tinatawag na “physical” na paghahanda, yung paghahanda sa mga bagay-bagay sa ating sarili para mapaghandaan yung napakahalaga na panahon o pagdiriwang. Meron tayong tinatawag na “psycolohical” na paghahanda ng ating isipan, ang ating damdamin ay ating ipinaghanda at kung ano ang ating nasa loob ay atin ring pinaghandaan sa napakahalaga na pagdiriwang. At mayroon tayong tinatawag na “Espiritwal” na paghahanda, itong paghahanda na espiritwal na ang ating kaluluwa, ang ating kalooban ng pagkatao na ating tunay o ang tinatawag nating “Inner person” yung espiritwal na bahagi sa ating pagkatao, ng ating kaluluwa ay ating pinaghanda din sa pinakamahalagang panahon para sa atin.

Dito po natin tignan ang ating mga pagbasa, ang ating unang pagbasa nsa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma kabanata 5, talata 12 hanggang 21 na ito yung pinaghandaan nating lahat, ang ating pakikipagugnayan sa ating Poong Hesus na una sa lahat, pinawi niya ang malaking salot ng buhay ng tao at ito yung salot ng kamatayan, ang salot na dulot ng hindi pag sang-ayon ni Adan, ang unang tao kaya nakapasok ang kasalanan at dahil sa kasalanan, nakapasok ang kamatayan sa ating buhay at dahil pumasok ang kamatayan sa ating buhay, nagkaroon na ng pagkagulo at nagkaroon na rin ng karahasan, nagkaroon na rin ng kahirpaan ang tao na nilikha na ayon sa kawangis at larawan ng Diyos, aklat ng Genesis kapitulo 1, versikulo 26.

At dahil dito and unang Adan na sumuway sa ating Panginoon ay binago ngayon sa pamamagitan ng pagsunod ng ating Poong Hesus Nazareno hanggang kamatayan na kanya pong inaalay ang kanyang buhay upang siya na bagong Adan sa ating buhay, siya ay nagbigay ng malaking pagbabago gaano man kalaki at kabigat ang kasalanan ng mundo, ng lahat ng sangkatauhan, mas higit pa na mas dakila at mas higit pa ang ginawa na biyaya ng kaligtasan dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

Dahil sa dakilang pag-ibig na ito, wala pong dapat matakot, gaano man kalaki ang iyong kasalanang ginawa, kapag ika’y nagsisisi, magbabalik loob, mangumpisal, magkaroon ng isang buhay na matuwid at sumunod sa Panginoon, hindi po ipagkakait sa iyo ang pag-ibig ng Diyos dahil gaya ng isang ama ng isang alibughang anak, siya ay handang tatanggap sa iyo na bukas ang kanyang palad, bukas ang kanyang puso, bukas ang kanyang looban upang manumbalik tayo sa kanya at ang ating panumbalik sa kanya ay isang pagtanggap na handa tayong sumunod sa kalooban ng Diyos, ayon pa sa Salmo 39 natin ngayon.

At itong paghanda sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, ayun pa sa ating Ebanghelyo ni San Lukas kabanata 12, talata 35 hanggang 38, itinuturing tayo na parang isang alagad o isang alipin ng ating Panginoon na nagbantay sa pagdating ng Panginoon. Maugnay po natin itong ating Ebanghelyo sa sampung dalaga na ang lima ay marunong at ang lima ay hangal, na ang marunong ay naghahanda sa pagdating ng taong ikakasal. At itong ating Pangnoon sa ating Ebanghelyo, dumating na siya na mapalad yaong nagtatanod, mapalad ang nagbabantay, mapalad yung hindi natutulog kaya natutuwa pa ako nabago po ang upuan natin dito sa harapan, dati-rati natutulog po yung mga Seniro Citizen, ngayon gising na gising na po kayo ngayon. Kailangan tayong gising sa pagkinig sa Salita ng Diyos, sa pagtanggap sa ating Poong Hesus Nazareno, sa pagsaloob sa aitng puso sa kanyang presensya upang maging marugdog ang ating panananmpalataya sa kanya at makarating sa pinakarurok ang ating pamimintuho sa kanya upang ating tugunan ang pag-ibig niyang wagas, ang pag-ibig niyang dakila na hindi po natin mapapantayan anuman ang ating gagawin sa buhay spaagkat sinasabi ng ating Panginoon na “mapalad ang mga alipin naabutang nagbabantay pagdating man ng kanilang Panginoon” pero dapat handa tayo.

Ang kamatayan ay siyang magtuturo sa atin, ano ba ang tunay na paghahandaan? ano ba ang tunay na paghahanda? ano ba ang mahalaga na ito yung maging baon kung tayo ay bawiin na sa ating Panginoon. Hindi po natin madala ang napakaraming Nobena, hindi po natin madala ang mga napakalaking donation mo sa Simbahan, hindi po natin madala ang magandang bahay, ang iyong magandang sasakyang, ang iyong napakagandang lupa o napakalaking na impok sa bangko. Ang madala po natin ay ang ating pananalig at pananampalatayang tunay, ang ating taimtim na panalangin, ang ating pag-ibig sa Diyos higit sa lahat at pag-ibig sa kapwa tao, ang pag-ibig ng ating sarili, ang ating marugdog na debosyon at pananampalataya sa ating Panginoon na napahayag natin sa kumpleto na pagsasaksi nito sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa na atin pong pigilin ang ginagawa ng kapangyarihan ng demonyo o ang kapangyarihan na dala ng pag-suway ni Adan sa atin na kanya pong dinala ang “cycle of violence” o “ang daloy ng karahasan” na maraming tao ang naniwala na kailangang pumatay ang maraming tao,  naniwala na kapagka nasa kapangyarihan sila, pwede nilang pumatay, pwede nilang magmumura, pwede nilang maglapastangan sa pangalan ng Diyos, pwede maging mayabang, pwede maging matigas na ulo pero tinuturo po sa atin ng Panginoon na hindi ganyan.

Dahil ang pagsunod sa kalooban ng Ama ay ang pagwaksi sa kasamaan at kung sino man ang gumagawa ng masama, iwasan natin, huwag natin siyang suportahan kahit man siya ay nakaluklok sa mataas na posisyon sapagakat ang ating suportahan ay ang Diyos at yung maka-Diyos na mga tao na gumagawa sa kalooban ng Diyos, na hindi sumusuway sa Diyos, na gumagawa ng kabutihan sa kapwa-tao, na nagpapahayag ng kanilang Pananampalataya sa pamamagitan ng pag-gawa ng paraan upang mayroon tayong kapayapaan at katarungan, upang ang lahat ng tao ay magiging magkakapatid sa isa’t-isa at magkaisa tayo sa pangalan ng Diyos na ating ibuklod at ating itayo ang isang panibagong mundo, panibagong sambayanan na naka-sentro sa Diyos at ga tao na hindi sumusuway bagkus sumusunod sa Panginoon kaya makibuhay o “Pro-Life”, makisambayanan o para sa kabutihan ng sambayanan at maki-Diyos para sa Diyos.

Ikaw ba ay para sa Diyos at sumunod sa kanyang kalooban o ikaw ay nagsusuporta pa rin sa mga mamatay-tao o gumagawa ng masama?

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s