Quiapo Church 21 October 2019 – 9am Misa Nazareno Homily

bandicam 2019-10-21 13-41-18-238

Holy Mass for the 29th Monday in Ordinary Time

Homily of Fr. Paul Medina, OCarm

QUIAPO CHURCH, 21 OCTOBER 2019

Magandang umaga po mga Kapatid ko ni Kristo.

Ang tao ay hindi lang kaluluwa, mayroon ding katawan at ang katawan na materyal na bagay na bahagi ng tao ay nangangailangan din ng mga materyal na pangangailangan.

Habang lumalago ang kabiyasnan ng tao, nagkaroon ng iba’t-ibang pagunlad sa kaibang antas ng mga hangarin ng tao, paano kanya pong mapawi ang kanyang pagkauhaw o ang sinabi ng ating Panginoon, ang kanyang kasakiman para sa kayamanan, sa ginto, pilak, kayamanan na sinabi “sa lahat ng materyal na kayamanan.”

Nakaligtaan ng mga tao kung ano yung mahalaga sa buhay, kaya sa atin pong Unang pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa taga-Roma kabanata 4, talata 20-25 ibinabalik sa atin ang ala-ala sa kahalagahan ng mga bagay na maka-langit at maka-Diyos na yun ang bigyan natin ng pansi, yun ang dapat ang mabigyan natin ng kahalagahan dahil mas mahalaga na tayo ay mapabilang sa Kaharian ng Diyos. Kaya dapat atin pong tupdin ang pangako ng Diyos dahil itong pangako na ito ay talagang tutuparin ng Diyos na tayo ay mapabilang sa kanyang Kaharian sa Langit dahil binyaran na ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo kaya masasayang lang ang langit kapagka tayo’y nagpahalaga sa materyal na bagay.

Kaya tayo’y iniligtas na, ayon pa sa ating Salmong tugunan na mula sa Ebanghelyo ni San Lukas kabanata 1, talata 69 at sumusunod na siyang awitin ng Papuri ni Maria, nagpaalala na hindi po tayo pinababayaan ng Diyos at dahil hindi tayo pinabayaan ng Diyos, ibinigay na po ng Diyos ang lahat ng kinakailangan natin na sapat na at yung ating mga natanggap na mga materyal na bagay dito sa mundo habambuhay ay hindi po iyan atin, iyan ay nagmula sa Diyos.

Nagmula sa Diyos sapagkat wala pong ni-isa sa atin ang makapagsabi na nung ika’y ipinanganak, dala-dala mo ang titulo ng iyong lupa, dala-dala mo ang mga ginto at pilak, dala-dala mo ang Passbook mo sa iyong bangko o dili kaya ang iyong appointment sa iyong trabaho, pinanganak tayo na hubo’t-hubad, walang wala, wala po tayong nadadala nung tayo’y ipinanganak at bakit mayroong mayaman at bakit mayroong mahirap? Dahil sa kagagawan ng tao sa tinatawag na “balangkas ng kasakiman”. Sa balangkas ng kasakiman, kung sino yung mayaman, kung sino yung makapangyarihan at kung sino yung matanyag ay siya’y masusunod sa kanyang pamamaraang balangkas na siya ay magkamit ng mas maraming bagay kaysa iba,  ito yung tinatawag na hindi makatarungan na balangkas o inhustisya dahil sa balangkas ng kasakiman.

Kung pagtipunin ang sampung katao na pinakamayamang tao sa mundo, ang kanilang kalahati sa kayamanan ay makapag-tugon na sa pangangailangan ng lahat ng mahirap sa buong mundo, mabigyan na ng sapat na buhay, bahay, hanapbuhay at suporta na kinakailangan pero dahil sa kasakiman ng tao, ang ating pag-iisip, mahalaga ang pera. Kaya tayong mga Pilipino minsan nakalimutan natin ito kung ano ang mahalaga na kailangan pang magpunta sa ibang bansa upang makapagtrabaho at makapagsuporta sa pamilya, kailangan pang magkayod ng husto para mabuhay at mayroon namang iba na mapagsamantala na ginawang negosyo ang pagserbisyo sa pamahalaan kaya 25 Million pesos taon-taon ang nilustay sa kaban ng bayan na ilan sana sa mahihirap ang mabigyan ng tunay na paglilingkod.

Kaya sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas kabanata 12, talata 13-21, noong ang ating Panginoon ay nilapitan ng isa, sabi “Guro, iutos po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko ng mana.” Anong sagot ng ating Panginoon, ang sagot niya sa bersikulo katorse, kapitulo dose, Ebanghelyo ni San Lukas “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.” Saan ba ang buhay ng tao? Kung atin pong tignan, ang kayamanan lalo na kapagka ito’y mana, magkaroon pa ito ng resulta sa gulo at alam po natin na kung minsan may mga Court cases pa ang mga magkakapatid, ang mga magkakamag-anak dahil sa mga mana nila na lupa o kung anong kayamanan.

Totoo naman na mahalaga ang pag-aari o ang materyal na bagay o materyal na kayamanan ayon pa sa Unang aklat ng mga Hari kabanata 21 talata 1-3 na ito’y makapagbigay ng identity ng isang tao, makilala ka kapagka may pag-aari ka na bahay o bagay at ito rin ay para sa ating survival na tayo ay mabuhay, kailangan nating kakain, hindi naman tayo kakain ng hangin, hindi tayo kakain ng ideya, ang kinakain natin ay materyal na kanin at mga pagkain na materyal, mga ulam na materyal. Kaya’t kailangan sa ating survival atin pong mabasa iyan sa aklat ng Numero kabanata 27, talata 1-11.

Kaya dahil po dito sa tradisyon ng gma Hudyo, ang pinaka matanda o yung kaka o yung pinakapanganay ay magkaroon ng dalawang mana, bakit po dalawang mana ang bahagi sa kanya, upang kung mawala na iyung Ama, yung Ina, ang panglawang mana, dahil dalawa yung kanyang mana, ang pangalawang mana ay para sa pag-suporta ng kanyang mga kapatid. Dito po makikita ang kahalagahan na ang kayamanan, ang materyal na bagay magkaroon ng kahalagahan kapagka ito’y ipamahagi sa mga nangangailangan. Kung gaano kalaki ang iyong panahon, ang iyong kayamanan, gaano man kadami ang iyong talento, hindi po iyan para sa iyo, para po iyan ay sa nangangailangan.

Ikaw ay isang katiwala lang ng Diyos, isang ihip lang o isang tawag lang ng Diyos kaya nang sinabi ng ating Ebanghelyo “ngayong gabi, kukunin na kita, wala na ang iyong kayamanan.” Ang kamatayan ay siyang makapagsabi sa atin hindi ang kayamanang materyal ang mahalaga, hindi ang mga talento ang mahalaga, hindi kung gaano kadami ang iyong naipon ang mahalaga, ang mahalaga gaano kalalim, gaano kasigla, gaano kabuhay na buhay ang iyong pananalig sa Diyos. Sapagkat ang lahat ay lumilipas lamang, ayon pa ni Santa Teresa de Avila “lahat ng bagay ay nagbabago, lahat ng bagay ay lumilipas, Diyos lang at ang mga bagay na maka-Diyos ang hindi lilipas. Diyos lang ang sapat.”

At dahil dito, atin pong malaman ang ating Panginoom ay nagtuturo sa atin na itong kayamanan na bigay sa atin, hindi para sa atin, para sa Diyos, sa pagpupuri at pagpupugay sa kanya at tayo’y nagbigay pagpupugay at pagpuri sa Diyos ng ating kayamanan ay ating ipamahagi sa iba na nangangailangan upang ang tinuturo ng ating Panginoon na pagpapakumbaba, ang pagiging simple na pamumuhay, ang pagiging huli sa lahat ay ating maisabuhay sapagkat sinabi niya sa Ebanghelyo ni San Mateo kabanata 20, talata 27 “kung sinuman ang gustong mauna ay siya dapat ang mahuli.” at “kung sino man ang gustong magiging pinakadakila sa lahat ay siyang pinakamaliit.” Ebanghelyo ni San Mateo kapitulo 18, bersikulo 4; “ang siyang mag-alay ng kanyang buhay para sa akin ay siyang magkamit nito” Ebanghelyo ni San Lukas kapitulo 9, bersikulo 24; sapagkat sinabi ng Panginoon “mas maganda ang magbigay kaysa tatanggap.” Sa Gawa ng Apostol kabanata 20, talata 35. Dahil dito, ang kahalagahan ng ating buhay, ang kahalagahan ng lahat ng ating mga pinupursige sa buhay ay nasa kamay ng Diyos at sa kanyang kalooban.

Tanungin po natin ang ating sarili, iyun bang ginagawa mo ngayon ay para sa Diyos? O para sa sarili mo at sa sarili mong pamilya?

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s