Holy Mass for the 29th Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 20 OCTOBER 2019
Upang maging Banal, kailangan na Magdasal.
Upang maging Banal, kailangan na Magdasal. Ang Salita ng Diyos ay ukol sa Panalangin, pagdarasal, kinakausap ang Panginoon araw-araw, may panahon para sa kanya upang makipag-usap.
Ating Unang pagbasa po sa Aklat ng Exodo, mga halimbawa ito. Ang Israel ay may kalaban, nakikipagdigma, nandon si Moises at may -si Joshua, mga pinuno ng Israel. Tuwing nagdadasal si Moises, tinataas ang kamay, nananalangin sa Diyos, nanalo ang Israel sa digmaan. Syempre matagal ang digmaan, nangangala na, matanda na si Moises nangawit na, masakit na, sa umpisa malakas ka, eh nanghihina na. Tuwing bumababa na yung kamay ni Moises, aba natatalo sila, napapansin, nakikita nila. Kaya ang ginawa nila “Moises, hahawakan namin ang kamay mo tapos pwede ka nang umupo dito sa ” -kasi kung nakatayo ka, eh ako gusto ko nang umupo na, matanda na ako- “umupo po kayo sa bato, kami na hahawak ng kamay mo” at sila’y nagwagi, nanalo, nagtagumpay bakit? Laging patuloy ang dasal, laging tuloy-tuloy ang Panalangin.
Sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, mayroon ping isang hukom na napakasama, kurap, puro katiwalian at may isang nangungulit na balo nangagambala, nakaiinis, perwisyo, bwiset pero alam niyo kahit napakasama itong hukom na ito dahil sa, lagi na lang diyang “hukom, yung kaso ko” naku nandiyan na naman. Kahit sa kanyang kasamaan, pagbibigyan niya bakit? Laging nandiyan eh. Masamang tao na iyan, ito’y halimbawa. Paano pa kaya ang Diyos? Ang Diyos napakabait po, kahit araw-gabi tayong dumadaing, 24/7 ay nandiyan siya, pagbibigyan ang atin agad, sinabi dito “agad kong ibibigay ang katarungang hinihingi nila.”
Kaya po mga kapatid, tayo po’y magdasal at ang dasal natin “oh, alam naman ng Diyos ang gusto ko” di namang pupwedeng minsanan lang, trapik-trapik. Alam niyo po kung may hinihingi tayo ay tayo’y maaga, kung mayroon kayong pupuntahan, mangunguna kayo, nandiyan kayo, oras di ba? lalo na kung sa Diyos, kung meron tayong hinihingi, kaya palagian, balik-balik po tayo. At ito pa, kung tayo’y isa lamang, indibidwal lamang, personal, kung tayo’y magdadasal sa isa’t-isa. Itong Sermon ko, sa dasal, yung sama-samang nananalangin sa isa’t-isa, ang kapangyarihan ng mga taong nagdadasal para sa isa’t-isa napakalakas na positibong bagabat, indisible, hindi nakikita, magdadamayan, mapaparating mo kahit nasa taong malayo itong positibong impluwensya’t lakas ng kapangyarihan ng dasal. “Ano ba yung dasal-dasal” yung iba. Totoo po ang dasal, kung tayo’y nakikipagusap sa Panginoon.
Kahapon po, may nakalimutan nga, susi ko nakalimutan ko, tumatanda na ako kasi maraming pumapasok na tao, mayroon pa akong pupuntahan na pinaburan ko rin, bigla na lang mayroon itong tao, hindi ko na babanggitin yung pangalan, kahapon lamang ito, yung disposiyon ko marami pang gagawin dito, hindi ko na babanggitin yung pangalan niya, sasabihin ko na lang tumulong siya sa paghahanda natin at ang pagdiriwang natin ng Traslacion. Ang kanyang kahilingan kasi tumatanda na siya, wala pa siyang apo, ang kanyang anak na babae dinala dito, eh walang anak, araw-gabi nananalangin “Panginoon, baka mamatay na ako, wala pang anak ang aking anak, gawin mo naman akong lolo.” Natupad, binigyan siya ng apo, babanggitin ko nayung pangalan ng apo si Kenrick. So ako’y nagbinyag, matagal na iyang answered prayers, matagal na kuwento ko, niregaluhan natin yung tumulong sa Traslacion ng imahe natin ng Nazareno. Alam niyo ba nung Huwebes may sunog, kareretiro lang naman, may sunog sa bahay niya, nagsisismula na tapos yung bininyagan ko, yung apo noya nasa taas. Ito yung kuwento niya, yung ibinigay nating regalo ng Nazareno, dinala niya dito, sinakripisyo ng Nazareno ang sarili niya para yung yung pumatay ng apoy. Biro mo, pinundar mo bahay, pinagdasal mo apo, umiiyak sila. Ako may marami pa akong gagawin, umiyak na yung tao, di mo mapapaalis ng “o sige, bahala na kayo” nagpapasalamat. Alam niyo ba yung mawalan, baka mawala sa iyo ang bahay mo, baka mawala sa iyo ang mahal mo sa buhay, alam niyo ba iyan? Muntikan na kaya umiiyak sila, nagpapasalamat kasi maaring paggising mo na lang. Iyan ang pagdadasal, mga kapatid, ganyan.
Tama na ba sermon, okay ba, gisingin mo naito (pinpoints at someone and laughs). Okay, cue ko na iyan para tumula.
Dasal
Ang D’yos syang maykapal
D’yos ang pagmamahal
D’yos ang umiiral
D’yos ang suma total
Tayo’y mga Banal
Umiwas sa bawal
Budhing parang kristal
Kaloobang bakal
Ito ang aral
Ibaba sa lokal
Ang Hustisya sosyal
Pronto ‘wag magtagal
Bilis ‘wag mabagal
Baguhin ang asal
Palagiang magdasal.
Dasal, ispelengin natin ang Dasal,
D-A-S-A-L.
Dumadalangin;
Ama namin;
Sambahin ang ngalan mo;
Araw-araw bigyan mo kami; at huling letra
Loob mo sundin.
Sa tulong, ay nakalimutan ko nga pala, ipagdadasal din natin ang lahat ng misyonero, tuloy ang ating pagpapalaganap sa Mabuting Balita.
Sa tulong ni Maria at buwan ngayon ng Santo Rosaryo, magdadasal tayo ng Santo Rosaryo sapagkat “the Family that prays together” (crowd responds “stays together”). Ang pamilyang nagdadasal ng sama-sama, mananatiling sama-sama.
Sa tulong ni Maria, Ina ng Santo Rosaryo at ni San Jose, mlagi po tayong magdadasal, lagi po tayong mananalangin, gugugol po tayo ng oras kinakausap ang ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.