Quiapo Church 18 October 2019 – 7am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-18 11-41-44-162.jpg

Holy Mass for the Memorial of Saint Ignatius of Antioch

Homily of Most Rev. Teodoro Bacani, DD
Bishop-emeritus of Novaliches

QUIAPO CHURCH, 17 OCTOBER 2019

Mga minamahal na kapatid sa Poong Nazareno, magandang umaga po sa inyong lahat.

Kapistahan po ngayon ni San Lukas, isa sa apat na Ebanghelista, si San Mateo, San Markos, San Lukas at saka si San Juan. Sila ang mga sumulat ng Magandang Balita ng ating Panginoon na tuwing nagmimisa naman ay binabasa natin.

Si San Lukas po sinasabi ay isang mang-gamot daw. Kasama siya ni San Pablo sa kanyang paglalakbay, hindi siya isa sa mga Apostol, ngunit isa siya sa mga naunang Alagad at ang ibinibigay na kaloob sa kanya, karisma niya ay ang isulat ang Magandang balita kaya katulad po ngayon, binasa ko sa inyo ang Magandang Balita ayon kay San Lukas. Isinulat ito ni San Lukas sa patnubay ng Banal na Espiritu.

Pasalamat tayo sa Diyos at natanggap natin ang Magandang Balita sa pamamagitan ng taong ito. Ngunit alam niyo ba isinulat niya ang Magandang Balita upang ito’y ating mabasa, upang ito naman ay atong marinig mula sa mga bumabasa at upang ang Magandang Balita ay ating tanggapin, sampalatayanan at tayo katulad ni San Lukas ay maging Alagad din ng Panginoon. Kaya po ang Ebanghelyo ay siunulat para tayo ay maniwala sa Magandang Balita at maging Alagad din nga ating Panginoon Hesukristo.

Hari nawa, kayo at ako maging mapagmahal tayong magbasa o makinig sa pagbasa ng Magandang Balita sapagkat dito natin nakikita’t naririnig ang larawan ng ating Panginoon.

Ikalawa, si San Lukas po, naghatid sa atin ng Magandang Balita upang ating tanggapin, sampalatayanan maging Alagad tayo ng Panginoon ngunit ito po’y napakahalagang karagdagan, alam po ba ninyo karamihan ng mga taong sumundo, hindi nakakabasa ng Magandang Balita ngunit maari po nilang makita, hindi man mabasa ang Magandang Balita. Paano makikita ang Magandang Balita? Sa pamamagitan niyo, sa pamamagitan ko, tayo na nakaririnig ng Magandang Balita, tayo na pinagpala ng Panginoon na makasampalataya sa Mabuting Balita. Hari nawa, tayo naman maging buhay na Magandang Balita na hindi man makabasa ang tao, makikita naman.

Iyan po may magandang Balitang nakasulat katulad ng kay San Lukas, may Magandang Balitang hindi man nakasulat, isinasabuhay at dahil sa isinasabuhay, hindi man naririnig, nakikita naman. At kung ganon, ang Magandang Balita ni San Lukas ay makabuti din sa iba sa pamamagitan ng Magandang Balita na dala ninyo’t dala ko, dala nating lahat sa pamamagitan maganda nating pamumuhay.

Alam po ninyo, isa sa mga espesiyalidad ni San Lukas; pagmamahal sa mga dukha. Kung kayo po at ako, mapagmahal, mapagmalasakit sa maralita, sa mga taong nangangailangan, sa mga taong kailangan ng tulong natin, naghahatid din tayo ng Magandang Balita. Meron pong magandang kuwento si Cardinal Sin, bagay na bagay ngayong magpapasko, minsan daw malapit na ang Pasko, yung mga tao, shopping ng shopping, nagmamadali at meoon namang isang lalaki, meron namang tinda sa isang Bilao. Itong lalaking ito na nagtitinda, bulag pero sinisikap niyang maghanap-buhay pa rin. Isang araw, tumatawid siya, nung sabi “go” tawid siyang kasama ang marami, eh nagmamadali yung mga tao, nasagi siya, natapon ang mga dala-dala niyang paninda. Yung mga tao nagmamadali, di man siya pinansin, tuloy-tuloy ngunit may isang taong tumigil, pinulot ang mga paninda niya, inilagay sa kanyang Bilao muli. Yung taong bulag sabi nya “sino po kayo? Kayo ba si Hesukristo?” kayo ba si Hesukristo.

Kahit bulag nararamdaman ng ating Panginoon pagka may mga taong nmay malasakit na dumaramay sa mga nangangailangan. Hari nawa po, tayo hindi man sumusulat ng Magandang Balita, maging Magandang Balita naman sa lahat.

Kung ang pangalan niyo halimbawa ay Leonor, ang Magandang Balita ayon kay Leonor. Kung ang Pangalan niyo ay Susana, ang Magandang Balita ayon kay Susana. Kung ang pangalan niyo ay Macario, ang Magandang Balita ayon kay Macario. Iyan ang gusto ng Panginoon.

Tayong lahat tagapaghatid ng Mabuting Balita hindi man sumusulat, nabubuhay ng marangal, mabuti, mapagmalasakit sa kapuwa tao. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s