Holy Mass for the Memorial of Saint Ignatius of Antioch
Homily of Fr. Bongbong Darondon, MMSJ
QUIAPO CHURCH, 17 OCTOBER 2019
Sa mundong ating ginagalawan, sa mundong punong-puno ng kasinungalingan, mahirap na sa atin alamin kung ano ba talaga ang katotohanan.
Maraming lumapit sa akin at nagtanong “Father, ano ba talaga ang katotohanan? Ano na ba talaga ang totoo?” kasi bawat isa sa aitn ay amrami ang intepretasyon. Bawat isa sa atin ay marimi ang sinasabi pero isa lang ang masasabi ko “the truth will set you free.”
Mapagpalaya ang katotohanan, tunay itong mapagpalaya mula sa kasinungalingan, sa kamalian at kadiliman ng kasalanan. Pero mas mahirap ang paglaya kung mas binibigyan natin ng atensyon ang pangangailangan nating protektahan ang ating sarili. Dito makaramdam tayo ng pangambang mapahiya, masaktan, unawain o mawalan ng krebilidad kahit minsan alam na natin ang mali pero patuloy pa rin nating tinatakpan.
Ito ang ginagawa natin, alam na natin mali, alam na nating ang ginagawa ng anak natin ay mali, ang ginagawa natin tinatakpan pa rin natin, tinotolerate pa rin natin yung gawain ng ating mga anak. Ganon din minsan sa ating mga asawa at anak, alam natin na mali ang ginagawa pero patuloy pa rin natin silang tinatakpan. Kahit sa trabaho natin, alam natin mali ang gianagawa ng kasamahan natin, nagbulag-bulagan tayo sa katotohanan. Hindi natin pinapansin, tinatakpan natin ito. Kaya minsan, mas lalo tayong nahihirapan pag dumating na ang panahon.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, sa nais patunayan ng mga Pariseo na itama ang kanilang pagkakamali, naka-sentro na ngayon ang katotohanan para sa kanilang personal na buhay, nawala na tuloy ang katotohanan dahil mas tinatakpan nila, mas pianniniwalaaan na nila ang kamalian sa katotohanan.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, sa Misang ito, hingiin natin ang grasya ng Diyos na tayo nawa ay magtutuon sa ating puso at isipan.