Quiapo Church 15 October 2019 – 7am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-15 10-30-00-562

Holy Mass for the Memorial of St. Teresa of Avila

Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 15 OCTOBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Sa buhay ng pagmimisyon ni Kristo, madalas nating naririnig ang pangalan ng mga grup ng mga Pariseo at isa ito sa kumbaga tinatawag na mga “bashers” ni Kristo, mga laging kontra, laging naghahanap ng butas para kung ano yung mali na gagawin o ginagawa ni Kristo. Sa puntong ito, tinaggap ni Kristo yung paanyaya ng isang Pariseo. Sabihin natin, may mga naririnig si Kristo na sinasabi ng mga Pariseo, pero nang siya ay imbitahan, binigyan niya ng pagkakataon kasi nga si Kristo, laging bukas para sa lahat ng gustong tumanggap sa kanya, anuman ang katayuan, anuman ang kasarian, sino ka man, mabuti ka man o masama, pag-tinaggap mo o inanyayahan mo si Kristo, tatanggapin iyan.

Pero yun nga lang, makikita natin yung talagang hindi maalis-alis ang mga pag-iisip at pag-uugali ng Pariseo na yung kapangitan at -ito rin yung isang magandang bagay na mapaalahanan tayo kasi dito, bagamat tinaggap ni Kristo ang kanyang paanyaya, kinuha rin na pagkakataon ni Kristo para maturuan niya itong Pariseong ito, nileksyunan, pinangaralan kasi itong Pariseong ito ay hindi naging hospitable, hindi -para bang syempre bisita, isemahin mo muna yung bisita dahil iba yung kultura niya, iba yung ginagawa niya kailangan mong irespeto din iyun. Pero dito, sabi nga parang sa isip ng Pariseo, sabi ay bawal yung ginawa ni Kristo, bakit hindi muna siya naghugas ng kamay eh napakastrikto ng mga Pariseo sa pagsunod sa mga kautusan kabilang na diyan ang paghuhugas ng kamay bago kumain.

Kaya ito yung pinapaala ni Kristo sa Pariseo at maging sa ating lahat ngayon na nakikinig nito. Malinaw ano bang motivation natin, bakit ba tayo nagsisimba araw-araw? Ano bang dahilan nito? Kasi sa Pariseo malinaw, inimbitahan niya si Kristo hindi para yung kabutihang loob kundi maraming dahilan siguro para patunayan na tama iyong mga observation nila o kaya para talagang makahanap ng mali kay Kristo, kaya maganda yung pagkakataong ito na sabi “kayong mga Pariseo, hinugasan ninyo ang labas pero hindi ang loob.” Masyadong naka-focus ang mga Pariseo sa external, nakalimutan na yung kalooban, kaya ang sabi niya mas mahalaga ang nasa loob kaysa nasa labas, bagamat tayo po bilang tao, mas madali tayong humusga agad-agad sa panlabas na nakikita.

Minsan nga madalas mag-comment tayo sa mga Facebook post nang hindi natin inaalam kung ano ang dahilan, kung ano lang ang nakita mo, kung pangit, iyun na siya. Kung ano lang yung napanood mo, huhusgahan mo na agad na parang minsan hindi mo muna inaalam sino talaga ang may mali, sino talaga ang nagkasala basta’t hahatulan na natin, magcocomment na tayo ng kung ano-ano.

Ganon din, marahil sa atin mas maganda tayo namismo ang sumuri, kasi minsan nasasabihan tayo ng “simba ka pa naman ng simba pero ang ugali mo naman” di ba? pag bumabalik kayo sa opisina, pag kami, pagkatapos ng Misa, ano ba kami, kasi doon lumalabas talga kung sino at ano talaga tayo. Tayo din naman [ang] nakakaalam niyan, yung sa kalooban hindi makikita ng mga tao pag hindi makita’t masabi “ang bait-bait mo naman kasi nagsisimba ka lagi” pero hindi nila alam, ano ang nasa isip mo, ano ang nasa kalooban mo, tanging ikaw, tanging tayo, tanging ako lang at ang Diyos ang nakakaalam nito at yun yung nais na pagnilayan natin. Hindi mahalaga yung panlabas kundi yung kalooban, kasi kung ano yung nasa loob din, iyun din naman ang unti-unti hindi mo maitatago, hindi natin matatakpan kasi lalabas at lalabas kung ano ang nasa puso natin. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s